Part 40

14.3K 423 16
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 40

***

Habang pauwi si Purita sa bahay nila ay nag-iisip na siya ng magandang sasabihin sa mga tao sa bahay. Biglaan kasi ang pagpayag niya eh.Actually, maging siya ay nabigla rin talaga. Dahil nga siguradong lagot siya sa itay niya sa kanyang gagawin. Baka hindi na siya pansinin nito.

Pwede rin namang kay inay niya lang sabihin ang totoo. Siguradong maiintindihan nito ang sitwasyon niya. Na gagawin niya lang ito para sa itay niya. Para gumaling na ito sa sakit nito. Tama. Ililihim din nila ang totoo sa itay niya. Sasabihin lang nila ito kapag okay na ito.

Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa kanilang bahay. Nadatnan niyang nakaupo sa tapat ng pinto ang inay niya. Nakatingin sa kawalan. Kaya naman napabuntong-hininga siya. Desidido na talaga siya na kunin ang alok nila Joshua.

"Inay..."

Kaagad na ngumiti ito sa kanya nang makita siya.

"Oh, anak.Kanina ka pa ba?"

"Ah, kararating ko lang po," sagot ko saka nag-mano sa kanya. Sabay silang pumasok sa loob ng bahay.

"Nasaan po si itay?"

"Nasa kuwarto namin anak."

Ibinaba niya ang kanyang bag saka hinawakan ang kamay ng inay niya. Kailangan na niyang sabihin ang totoo para naman medyo lumuwag ang pakiramdam niya.

"Inay, may sasabihin po sana ako sa inyo. Makinig po kayong mabuti ha?At huwag na huwag po sana kayong magagalit sa akin kung saka-sakali."

###

"Talaga anak?Naku.Magandang balita iyan!" masiglang sabi ng inay niya.

Nagulat siya sa naging reaksiyon nito. Akala niya ay pagagalitan siya nito pero nagkamali siya. Parang natuwa pa ito sa kanyang sinabi. Okay lang dito na magsinungaling at manloko siya sa ibang tao.

"S-sigurado po kayo inay? Okay lang po sa inyo?"

"Oo naman anak. Ito na ang sagot ng Diyos sa mga ilang gabing pananaghoy ko."

"Pero...paano po si itay? Alam niyo namang Most Honest simula grade one hanggang grade six?"

"Ako ang bahala.Pero sa ngayon, ililihim muna natin ito sa kanya. Sasabihin na lang natin sa kanya ang totoo kapag magaling na siya," sabi nito sa mahinang boses.

Nakahinga siya nang maluwang. Mabuti na lang at pareho sila nang naisip ng inay niya.

"Eh kelan ka raw magsisimula? Siguradong doon ka na titira sa kanila kapag nagsimula ka nang magpanggap na kapatid ni Joshua?"

"Iyan ang hindi ko pa alam inay. Bukas daw ay kakausapin ako ng daddy ni Dyuswa. Pag-uusapan daw namin ang tungkol sa akin. Sa kung paano nila ako nahanap at kung ano pa d'yan."

"Alam kong masama ang gagawin mo anak. Pero wala na tayong ibang paraan para matulungan ang itay mo eh. Isipin mo na lang na nakatulong ka sa lola ni Joshua at lalong-lalo na kay Oscar. Basta kapag nahirapan ka, sabihin mo lang sa akin."

"Naku huwag niyo pong problemahin 'yon inay.Ako pa ba?" sabi niya rito saka tumawa.

Lumapit sa kanya ang inay niya at niyakap siya nang mahigpit.

"Naniniwala ako sa'yo anak."

###

PURITA'S POV

Kinabukasan...

Kanina ko pa tinitingnan ang nakalagay na mga pagkain sa menu subalit hindi naman ako makapili. Paano kasi.Ang hirap bigkasin ng mga putahe. Sinasadya yata ni Dyuswa na rito kami kumain para pagtawanan ako kapag nagkamali ako sa pagbigkas eh. Hmp. Inis kong nilapag ang menu sa mesa.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon