Part 69

10.7K 330 50
                                    

Purita's POV

Parang naglaho na parang bula ang tampo at inis ko kay Dyuswa nang niyaya niya akong pumunta kami ng TThailand. Omg. Makikita ko na talaga  doon si Mario Maurer. Sana naman pansinin niya ako pag nagkita kami. Hihihi. Magpapa-photograph na rin ako sa kanya sa dadalhin kong tshirt. Gusto ko malaki ang pirma niya niya sa likod ng tshirt ko with matching nakakakilig na message. Hindi naman siguro magseselos si Dyuswa niyan. Photograph lang naman eh.

Pero teka papayagan kaya kami nila grandlola na pumunta ng Thailand na kaming dalawa lang ni Dyuswa? Menor de edad pa naman kami. Hayaan na nga. Si Dyuswa na bahala do'n. Pagkatapos kong mag impake ay lumabas na ako ng pinto. Kakausapin ko si Dyuswa saka hihingi ng patawad. Natangay lang talaga ako ng emosyon ko kanina. At saka ikukwento ko sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina. Yong napagkamalan akong ibang tao. Medyo nababaliw na siguro ang lalaking iyon. Sayang, gwapo pa man din sana. Kaagad kong tinampal ang magkabilang pisngi ko sa aking naisip. Mas gwapo pa rin naman si Dyuswa ano.

Bumaba ako ng hagdan at nadatnan si Dyuswa na nakaupo sa sofa sa sala na parang malalim ang iniisip. Napatingin muna ako sa paligid para tingnan kung may ibang tao. Tamang tama. Walang katao-tao. Hehehe. Gagawin ko na ang masama kong balak. Gahasain ko na kaya siya.

"Ang landi mo talaga!"

Hoy brain, keddeng keddeng lang yun ah. Ang kj mo talaga. Kaasar. Dahan dahan akong lumapit kay Dyuswa at ilang sandali pa ay ginulat ko siya. Kamuntik na siyang mahulog sa inuupuan niya kaya hindi ko mapigilan ang tumawa. Nagugulat din pala siya. Akala ko ako lang eh.

"May kailangan ka?"

Eh. Hindi siya nagalit? Inaasahan ko pa namang magagalit siya sa akin. Sa totoo lang, bigla kong namiss ang pagsusuplado niya sa akin. Tapos babanatan ko siya ng mga punch llines hehehe.

"Ah, eh wala naman."

"Hindi ka pa matutulog?" Seryoso niyang tanong.

"Hindi pa eh.ikaw ba? Bakit ang lalim naman yata nang iniisip mo?"

"Wala naman," sagot niya saka tipid na ngumiti.

"Weh? Kitang kita ko kaya. Huwag ka na ngang magsinungaling."

"Wala nga."

Sige na nga. Huwag nang ipilit ang wala.

"Dyuswa, pagsupladuhan mo nga ako. O di kaya awayin mo ako."

"What?"

"Please??" nakanguso kong sabi sa kanya.

"Nababaliw ka na ba? Bakit ko namam gagawin yun?" Nakakunot noo niyang tankng sa akin.

"Eh kasi naman namiss ko yung ugali mong ganon eh. Sige na kasi," pagpupumilit ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya.

"Alam mo Purita, tumahimik ka na nga. Ang daldal mo. Sumasakit ulo ko sayo."

"Eh? Iyon lang? More,! More! More!" sabi ko sabay cheer.

"Ang bobo mo. Ay mali. Sobrang bobo mo! Simpleng grammar lang hindi mo pa magawa. Simpleng spelling lang hindi mo pa maspell. Simpleng salitang Ingles lang hindi mo pa magamit nang maayos!" sigaw niiya.

Aray ko bhe. Below my panty na yun ah. Inis ko siyang tiningnan.

"Eh ano bang paki mo!?? Magagamit ko ba yang English na yan kapag nasa peligro ako?? Hindi naman ah! Masyado kang judgement!"

"Judgemental yun!"

"Wala akong paki!"

"Saka hindi lang yun. Ke babae mong tao hindi ka man lang marunong magsuklay tuwing gigising ka sa umaga. Pinapaamoy mo pa sa akin ang umagang-hininga mo. Ugali ba yun ng isang disenteng babae??"

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon