Kabanata 65

9.2K 305 82
                                    

Favor

Medyo mabigat ang pakiramdam kong pumasok ng school kinaumagahan.  Mukhang lalagnatin yata ako.  Panay ang bahing ko at sinisipon na.  Pero dahil maganda ako,  hindi ko papansinin ang negative vibes sa katawan ko.

Kaya ko ito!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.  Babahing na sana ako nang makasalubong ko si Yiswa.  Panira ng moment!

"Are you okay?" tanong niya. 

"Oo naman," sabi ko at hindi na napigilang bumahing.

I heard him laugh kaya naman inismidan ko siya. 

"Masama na 'yan.  Go to clinic para humingi ng gamot."

"Why do you care?" mataray kong tanong sa kanya.

Muli siyang tumawa. Tumingala siya at inilagay ang isang kamay kanyang baba. 

"Hmm...because you're my student and I am your professor.  And besides,  ayokong makahawa ka pa sa ibang estudyante. "

Nahiya naman ako agad sa sinabi niya.  Pero syempre dahil ang ganda ko lang talaga,  hindi ko pinansin 'yon.  Kapag maganda ka,  you should learn the art of deadma!

" Eh di wow! Sabog confetti! Tss," sabi ko at nagsimula nang maglakad palayo.

"We have a quiz later.  So study well," pahabol niya sa akin.

Kahit patuloy ako sa paglalakad ay naiisip ko pa rin ang sinabi niya. May quiz kami sa kanya? Bakit wala akong matandaan? Jusme naman! Anong iki-quiz ng lalaking iyon?

Hindi pa naman ako makakapag-isip ng mabuti ngayon dahil medyo mabigat ang pakiramdam ko.  Bahala na ito.  Tatabi na lang ako sa kung sino man ang nakapag-aral sa Literature. 

Maingay ang classroom nang pumasok ako.  Nag-pose ako sa hamba ng pintuan. 

"Anong kaguluhan ito?"

Napalingon sila sa direksiyon ko kaya medyo tumahimik na sila. 

"Good morning,  Ate Purita!" bati nila. 

"Sinong gustong tumabi sa akin mamaya sa Lit? May quiz daw mamaya eh," panimula ko. 

Marami ang tumaas ang kamay.  Iginala ko ang aking paningin saka ngumiti. 

"Pero dapat ang tatabi sa akin ay ang nakapag-review sa Lit.  Pakopyahin niyo ako," sabi ko na nagpatahimik sa kanilang lahat. 

Halos lahat sila ay nagsiyukuan.  Ang iba naman ay bumalik sa pakikipag-usap sa kanilan mga katabi. 

Mga tamad na estudyante!

"Parang wala ni isa sa kanila ang nakapag-aral ah? Ako na lang ang tatabi sa'yo mamaya.  Oh,  let me correct that.  From now on,  I will be by your side," nakangiting sabi ni Dyuswa sa likuran sabay kindat sa akin. 

Tumikhim ako at tinalunton na ang upuan ko.

"Joke ko lang naman 'yon,"naisagot ko sa kanya. 

Pinaupo niya pa muna ako bago siya umupo sa tabi ko. He tapped his fingers in our desk.  Napako roon ang tingin ko.  Binibilang ko sa isip ko kung ilang beses lumapat sa mesa ang mga daliri niya.  Nang hindi ko na mabilang ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. 

Ano 'yon?

Napapitlag ako nang bigla niyang sinalat ang leeg ko.  Marahan kong tinanggal ang kamay niya. 

"You're hot," sabi niya. 

"And sexy," wala sa sarili kong sagot sa kanya. 

Tumawa siya.  "That's not what I meant."

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon