WHEN DYUSWA MEETS PURITA
CHAPTER 62
***
PURITA'S POV
Nagpaunat-unat ako sa aking higaan nang magising ako kinaumagahan. Ang sarap-sarap ng tulog ko. Ganito pala ang pakiramdam sa umaga kapag alam mong gusto ka ng taong gusto mo rin. Parang gusto mong suntukin ang bubong ng bahay niyo pero dahil hindi mo abot ay papadyak ka na lang sa sahig. Dali-dali akong bumangon at dumiretso sa banyo. Humarap ako sa salamin at nginitian ang sarili kong repleksiyon. Malamang hitsura ko ang nakikita ko sa salamin. Alangan namang iba ang makikita ko di ba? Nakaka-horror naman 'pag gano'n ang nangyari. Mga malalandi pa naman ang nauunang namamatay sa isang horror story. Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba itong naiisip ko. Ke aga-aga kung ano-ano naman ang pumapasok sa kokote ko. Nakakaloka.
Kinuha ko ang toothbrush ko saka nilagyan iyon ng shampoo. Joke lang. toothpaste talaga 'yong nilagay ko. Naalala ko lang kasi dati shampoo ang nalagay ko sa toothbrush. Nagmamadali kasi ako no'n eh. Hindi ko naman siya syempre nalaman agad-agad kasi nga bumubula rin naman sa bunganga ko. Nagulat na lang ako no'ng magmumog na saka ngumiti. Kumintab ng bonggang-bongga ang ngipin ko. Naisip ko na lang na buti na 'yon para hindi magka-dandruff ang mga ngipin ko. Pero hindi na talaga 'yon mauulit.
Pagkatapos kong magsipilyo ay lumabas na ako ng kwarto. Sakto namang paglabas ko ay nakasandal na pala si Dyuswa sa dingding. Hinihintay niya ba ako? Baka hindi. Baka gusto lang niyang sumandal sa dingding.
"Ang tagal mo namang lumabas," reklamo niya.
Eeeh. Hinihintay nga niya ako. Lihim akong napakagat ng dila dahil sa sobrang kilig. Kaya ayon, nalasahan ko ang konting dugo. Nakakaloka. Masakit siya ha.
"Eh di sana pumasok ka na lang sa loob di ba?" sagot ko naman sa kanya at sabay na kaming bumaba ng hagdan.
"Para ano? Para makakita na naman ng di kanais-nais na bagay?"
"Hindi pala kanais-nais 'yong nakita mo akong naka-bra lang sa kwarto ko?" malakas kong pagkakasabi sa kanya.
"Shhh. Ano ka ba?"
"Ay pasensya na talaga ha? Nakaka-hurt lang kasi ang sinabi mo eh."
"Ang alin ba do'n?"
"Ewan ko sa'yo," sabi ko at nagpatiuna nang pumunta ng kusina.
###
EILEEN'S POV
Kanina ko pa hinihintay si Mario subalit wala pa rin siya. Sabi niya early siyang pupunta ng school. Eh malapit ng mag-alas siyete wala pa rin akong anino niyang nakikita. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko saka tinawagan ko. Ring lang ito ng ring subalit wala namang sumasagot. Makakatikim talaga sa akin ang lalaking iyon. Papasok na ako sa classroom nang marinig ko ang boses niya.
"Sinta! Pasensiya na talaga. Marami lang kasi akong tinapos na Gawain sa bahay eh."
Itinaas ko ang cellphone ko sa harapan niya.
"At sa sobrang pagmamadali ko ay naiwan ko ang phone sa bahay," napakamot sa ulo niyang sabi.
"Nakakainis ka naman eh. Palagi ka na lang may palusot. Hindi ka na on time sa tuwing magkikita tayo. Parang hindi na ikaw ang Mariong kilala ko."
"Sinta naman. Graduating na kasi ako kaya medyo busy na. Pero kahit na palagi akong late sa tagpuan natin, nagpapakita pa rin naman ako ah."
"Hali ka nga dito," sabi niya sabay yakap sa akin. "Mahal na mahal naman kita eh."
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...