Kabanata 27- Huwag Magpa-ligaw

10K 357 85
                                    

"Dyuswa, hindi pwede ito. May masasaktan. Si Michelle. Mahal na mahal ka niya."

Napasinghap siya.

"Alam ko Purita. Ayoko siyang masaktan. "

"Iyon naman pala eh. Kaya tigilan mo na 'yang nararamdaman mo sa akin Dyuswa. Nalilito ka lang. Nalilito ka lang na baka may nararamdaman ka pa para sa akin pero ang totoo niyan ay curious ka lang. That feeling is confusing Dyuswa. Tandaan mo na si Michelle ang mahal mo. At saka nagseselos ka lang naman."

Tiningnan niya ako sa mga mata. Malungkot ang mga titig na ipinupukol niya sa akin.

"Bakit parang madali lang sa'yo sabihin ang ganyang bagay Purita?"

"Dahil mali ito. I mean, mali 'yang nararamdaman mo sa akin."

"Is it always wrong to feel this way about you?"

Marahan akong tumango. Oo Dyuswa. Mali talaga. Hindi ako nababagay sa pagmamahal mo. Kung meron mang tao ang para sa'yo, si Michelle 'yon.

"Iiwan mo ba si Michelle para sa akin Dyuswa?"

Saglit siyang natahimik sa tanong ko. I have to ask this. Hindi dahil sa gusto ko siyang bumalik sa akin kundi dahil gusto kong ma-realize niya kung ano ang mawawala sa kanya.

"N-no," nakayukong sabi niya.

Mahina akong tumawa. "See? You love her more than you loved me. Dahil kung mahal mo talaga ako Dyuswa hindi ka na maghahanap ng ibang papalit sa akin. Pero hindi kita sinisisi kasi ako ang may kasalanan. Kaya sana huwag ka nang malito sa feelings mo sa akin at sa kay Michelle."

Biglang umihip ang malakas na hangin kaya niyakap ko ang aking sarili. Napatingin lang siya sa akin. Akma sana siyang lalapit sa akin pero bahagya akong umatras.

"Kung...iiwan ko ba si Michelle para sa'yo, tatanggapin mo ba ako?" namamaos niyang tanong sa akin.

"No Dyuswa. No," pinilit ko siyang tiningnan sa mga mata habang sinasabi ko 'yon.

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at tumalikod na ako sa kanya. Dahan-dahan akong naglakad palayo habang unti-unting pumapatak ang aking mga luha.

Sorry Dyuswa. We're just not meant to be. Sobra kitang minahal noon. At ang sobrang pagmamahal ko na 'yon sa iyo ay siya ring sumira sa ating dalawa.

Tama nga talaga sila. Lahat ng sobra, lahat ng labis ay makakasama rin.

Nahirapan akong makatulog ng gabing iyon. Hindi kinaya ng brain cells ko ang nangyari. Pakiramdam ko ay parang nakalutang ang utak ko nang magising ako kinaumagahan.

May kumatok sa pinto ko kaya kaagad ko itong pinagbuksan. Sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Luke. He smiles but I feel so lonely.

"Good morning! Ready ka na ba?"

Ngayon na nga pala ang balik namin sa Campuestuhan. Dinala lang pala ako rito ni Luke dahil sa sinabi niya sa akin kagabi.

Marahan akong tumango sa kanya. Ilang sandali pa ay nasa labas na kami.

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" tanong niya habang nasa biyahe na kami.

"O-oo," pagsisinungaling ko.

"Alam mo ba kung bakit kita sinama?"

"Oo. Para surpresahin ako sa balita mo," sabi ko at sinimangutan siya.

"No. I brought you there kasi alam kong nandoon sina Josh at Michelle."

Gulat akong napalingon sa kanya.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon