Kabanata 29- Global Warming

10.5K 353 60
                                    

Napaka-maaliwalas ng paligid. Ang sobrang liwanag. Feeling ko nasa paraiso na ako. Parang nasa langit. Patuloy lang ako sa paglalakad nang may matanaw akong isang lalaking naka-tuxedo. Nakatalikod siya sa akin. Sa likod niya ay may hawak siyang isang bouquet ng bulaklak.

Ang gwapo niya kapag nakatalikod ha. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Handa ka na bang magpakasal sa akin?"

Napangiwi ako. Nakaka-turn off ang boses niya. Alam niyo 'yong boses ni Alvin The Chipmunk? 'Yon, ganyan na ganyan ang boses ng lalaking ito. Parang gusto ko tuloy umatras palayo sa kanya.

"H-hindi," sagot ko sa kanya.

"Wait for me," sabi niya.

Lilingon na siya kaya kaagad akong kumaripas ng takbo palayo sa kanya. Ayokong makita ang mukha niya. Natatakot ako! Sa sobrang bilis ng takbo ko ay nadapa ako. Ngayon ko lang na-realize na isa palang wedding gown ang suot ko.

"Sinabi ko nang hintayin mo ako. Ayan, nadapa ka tuloy. Nasaktan," sabi na naman ng lalaking may boses ni Alvin the chipmunk sa likuran ko.

"Lumayo ka nga! Natatakot ako sa'yo!" sabi ko at humagulhol na lang habang nakayuko."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa akin kaya nagpupumiglas ako.

"Huwag mo akong hawakan! Huwaaaaag!"

Blag!

"Araaaaaaaay!!!!" napasigaw kong sabi nang malaglag ako sa kama.

Bwisit na panaginip 'yon ah! Aray ko, ang likod ko! Gumapang ako sa sahig pabalik sa kama. Ano bang panaginip 'yon? Ayoko na kay Alvin The Chipmunk. Hate ko na siya starting today.

"That's an ambitious dream Purita," natatawang sabi ni Idrian nang sinabi ko sa kanya ang panaginip ko.

Ewan ko nga ba at sa kanya ko ikinuwento ang panaginip kong iyon eh. Nasa Vertix Arrow kami ngayon. Dito sa Vertix Arrow ay maraming clubs, bars and music lounge na nakatirik. Pero dahil umaga ngayon, dito lang kami nakatambay sa Starbucks. Ulit.

He's wearing blue long sleeves na naka-roll halfway sa kanyang siko. I can't deny na gwapo siya talaga. You know, hindi naman siya hahabulin ng babae kung pangit siya di ba?

"Bakit naman ambitious? Baka naman spine-chilling?"

Wait teka lang ha? CR muna ako. Baka mas lalo akong gumanda sa sinabi ko eh. Char!

"You know what, kagabi ko pa ito iniisip," sabi niya at humigop ng Macchiato.

Hindi pa rin ako nagrereklamo kahit na ColD Americano na naman ang in-order niya sa akin. Ang sarap nga sanang bayagan eh.

"Ano 'yon?"

"What's your work?"

"Hindi ba sinabi sa'yo ni Ginny?"

Umiling siya. "Ang sabi niya, ikaw na lang daw ang tanungin ko. You look smart, so maybe you're degree holder?"

"Oo. Degree holder nga ako."

"What degree?"

"37 degrees Celsius. You know. Normal body temperature ng tao."

Muntik na niyang maibuga sa akin ang iniimom niya. Napaubo siya kaya kaagad ko siyang inabutan ng tissue.

"What the..hell..Purita!" paubo-ubo niyang sabi.

Bahagya pa ngang namula ang mukha niya. Aba malay ko ba na gano'n ang reaksiyon niya sa hirit ko di ba? Normal lang iyon para sa akin eh.

"Sorry. HHahaha. Honestly, 2 years lang ang tinapos ko sa college. AB English kinuha ko eh. Pero tumigil na ako kasi expert na rin naman ako sa English. HHahaha. Sa ngayon, may part time job ako. Nagtitinda ng condoms sa isang rubber company rito."

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon