Kabanata 6

10.5K 349 94
                                    

#WDMPJustCurious
by: ohheyDAN

Nagising ako kinaumagahan sa lakas ng tunog ng alarm clock ko. Inis kong binato ito sa dingding. See? Payapa akong makakatulog ulit. Pero hindi ko pa man naiidlip ang aking mga mata ay tumunog na naman ang phone ko. Inis na inis ko itong kinuha at binato sa dingding.

Chos lang!

Nako, Mahal na mahal ko kaya ang phone na ito. Bigay pa ito sa akin ni Bhon eh. Oh di ba? Ang tagal na naming magkasaman ng phone ko. May forever talaga mga friends. Iyon nga lang wala pa kayong lovelife kaya ang bi-bitter niyo. Ba't di niyo ako gayahin. Kalma lang. Dahil maganda ako. At kapag maganda ka, ang forever mismo ang hahabol sa'yo.

Tulad nito ngayon. Ang aga-aga pang tumatawag si Fantastic Beast para inisin si Beauty. Kaloka lang.

Babayagan ko na ito mamaya para walang mapapala si Michelle sa kanya. Charootiiiii. Pero bigla akong napaisip. Virgin pa kaya si Dyuswa? Omo! Ipinilig ko ang aking ulo.

Ano ka ba Beauty Purita, walang virginity ang lalaki ano. Wala. Ako lang ang virgin. Ako lang talaga at wala ng iba.

"Hello?" sabi ko sabay tikhim.

"Where are you???"

Ay galit agad? Ang ganda-ganda ng umaga ko eh.

"I'm here lying on the four corners of my room. Thinking what could have been. Thinking out loud. 'Cause people fall in love in mysterious ways."

Napabuntong-hininga siya sa kabilang linya. "What did I tell you last night?"

"Last night?"

"Yes!"

Saglit akong napatingin sa kisame para maghanap nang maisasagot ko sa Fantastic Beast na ito. Ano bang sinabi niya kagabi? Na ang ganda-ganda ko? Napahagikhik ako sa isiping iyon.

"What's funny?"

Ay hala ka. Nasa tenga ko pala ang phone ko. Ka-jirits naman. Baka pagkamalan niya akong buang dahil tumatawa akong mag-isa.

"Wala naman. Ano bang sinabi mo last night. I forgotten na talaga. Can you refresh my fresh brain?" tanong ko sa kanya in a pabebe way.

"Anong oras na!?"

"Ay sa akin mo pa itatanong kung anong oras na? Ano ka ba naman. Sira ba relo mo d'yan? Kaloka ka ha. Tumawag ka para lang itanong sa akin kung anong oras na? Dilang-mother naman! Hindi mo ba alam na nadistorbo mo ako sa pagtulog ko? O sige. Para sa ikagagaan ng loob mo sasabihin ko na sa'yo kung anong oras na."

Saglit akong napatingin sa wristwatch ko.

"Heto na. Alas nuebe ng umaga pa lang. Time check brought to you by..."

Napahinto ako sa pagsasalita nang may naalala. Oh my gosh! Pinapa-report niya nga pala ako sa office niya. Wala sa oras akong napatayo sa aking higaan. Nakakainis. Late na ako! I am so unprofessional. Nasaan na ang code of ethics ko?

"Be there after 15 minutes okay? Ano kasi. Nagkasakit si Bhebhe Qoh kaya binantayan ko pa siya hanggang sa makatulog siya. Sige ha? Magpi-prepare na ako. Bye!"

***

Habol-habol ko ang aking hininga nang makarating ako Elite's Group of Companies. Naki-usyuso na naman si Manong Guard sa laman ng shoulder bag.

"Marami-rami ka yatang customers ngayon ah?"

"Ay opo manong. Kaya huwag na kayong matanong kung hindi ay ilalaga ko 'yan at ipapainom sa  inyo," naiinis kong sabi.

"Ang sungit mo naman," sabi niya sabay abot ng bag ko.

Hindi na ako dumaan ng reception area dahil alam ko na naman kung saan ako pupunta. 26th floor. Office of the Fantastic Beast. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang 26th floor button. Medyo siksikan ngayon kaya naman halos mag-walling na ako sa sulok.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon