Purita's POV
Dahan-dahan akong bumalik sa office ni Dyuswa. Dilang-mother! Paano ako makakalabas sa floor na ito na hindi makikita nina tita Veronica. God. I am so doomed!
Pabalik-balik na ako sa paglalakad sa loob. Think Purita. Think! Paganahin mo ngayon ang survival instinct mo.
Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Saan ako magtatago nito rito sakaling pumasok sila rito sa loob?
Ramdam ko ang pawis na lumalabas na sa mukha ko. Bakit kasi ngayon pa?
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang gumagalaw-galaw ang doorknob. Shit! Dali-dali akong lumundag sa likuran ng malaking sofa na malapit sa glass wall na tinatakpan ng makapal na kurtina.
Kung dito ako magkukubli ay imposibleng makikita ako. Not unless kung sasadyaing silipin talaga ako rito at buksan ang kurtina. Narinig ko na bumukas na ang pinto kaya naman abot-abot ang kaba na aking nararamdaman.
"Your office looks good iho," dinig kong sabi ni tita Veronica.
"Naglilinis ka?" tanong naman ni tito Hector.
"Ah, yes."
Naririnig ko ang yabag ng mga paa na papalapit sa direksiyon ko. Lord, please. Huwag ngayon. Hindi pa ako handa. Pwede next time na lang?
Tumunog ang spray ng isang air freshener malapit sa pinagtataguan ko. Oh no! Ang tapang ng amoy. Babahing na ako nito any moment.
Sino ba kasi ang nag-spray no'n?
"So kelan mo gustong bumalik sa bahay natin anak?" tanong ni tita.
Bumalik sa bahay nila? Ibig sabihin, hindi umuuwi ng bahay nila si Dyuswa? So saan ito tumutuloy ngayon?
"I'm okay living in a condo here Ma. Saka malayo ang Campuestuhan going to Manila," sagot ni Dyuswa
May point siya.
"Okay. Pero bumisita ka naman doon. Nami-miss ka na ng lola mo. Hindi na niya kayang mag-byahe ng malayo pa."
Si grandlola? Kamusta na kaya siya? Sila ni grandlolo? Na-miss ko sila.
"I will Ma. It's just that sobrang busy lang talaga."
"Where's Michelle by the way?" tanong naman ni tito.
"On a meeting po."
"Kailan ang engagement?"
Tinakpan ko na ang ilong ko dahil baka mapabahing ako ng wala sa oras. Tapos na ang maliligayang araw ko kung saka-sakali.
Pero teka, tama ba ang narinig ko? Engagement agad? Eh 22 pa lang si Dyuswa ah. Is it too early?
Ano bang pakialam ko? Kung gusto nila eh di go. Leche lang. Kailangan ko pa bang mapakinggan ang ganitong mga usapin. Nakaka-out of place ha.
"Ma, it's too early."
"Why? Three years na kayo ni Mich ah. What's stopping you?" natatawang sabi ni tita.
"Veronica, it's their decision. And we as parents are here to support whatever their decisions are as long as it will be for the best of them," malumanay na sabi naman ni tito Hector.
Tito Hector is hart-hart talaga.
"Okay, fine. Can I use your bathroom iho?"
"Sure Ma."
Sinilip ko ang nangyayari. Nasa loob na ng CR si tita at ngayon ay nakikipag-usap si Dyuswa kay tito. Nakatalikod sa direksiyon ko si tito habang nakaharap naman sa akin si Dyuswa.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...