WHEN DYUSWA MEETS PURITA
CHAPTER 56
PURITA'S POV
Hindi pa rin maalis-alis ang tingin ko sa resulta ng evaluation exam. Nakapaskil sa bulletin board ang ranking buong third year student. Parang gusto kong umiyak. Si Eileen ang nag-top. Pangalawa naman ay si Ginny. Samantalang ako, ika-299. Gusto ko talagang magtago sa panty ko. Nakakahiya. Pero atleast, hindi ako ang pinaka-last. May isang estudyante pa pala rito na mas bobo pa kesa sa akin. Pero kahit na, nakakahiya pa rin. Saka 'yong pangarap kong makatuntong sa disenteng kolehiyo, parang hindi na mangyayari 'yon.
Napapitlag ako nang may umakbay sa akin. Si Stanly. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti dahil ayokong isipin niya na apektado ako sa resulta.
"Okay lang 'yan Aying. Proud pa rin ako sa'yo."
"Wow ha. Salamat," napipilitan kong sabi sa kanya.
"Ano, let's celebrate?" nakangiti niyang tanong sa akin.
Napalabi ako sa kanya. Wala namang dapat i-celebrate eh. Pagluluksa, meron.
"Huwag na. Uuwi na lang ako sa bahay at magpapahinga."
Muntik na akong mapasigaw nang kinagat niya ako sa balikat. Loko-loko talaga ang lalaking ito.
"Aray ko naman!" singhal ko sa kanya.
"Ayan. Nagkaroon din ng facial expression 'yang mukha mo. Kanina ka pa kasi poker face d'yan eh. Hindi ka naman si Lady Gaga," biro niya.
"Haha. Nakakatawa," pa-sarkastiko kong sabi.
"Tara na. Labas tayo. Libre ko."
"Talaga?"
"Oo nga. Kailan mo ba ako nilibre sa tuwing lumalabas tayo?" natatawa niyang tanong.
"Tse! Sige lang. Kapag ako yumaman, bibilhan kita ng isla," sabi ko at nagsimula nang maglakad.
Iniisip ko pa rin kung anong sasabihin ko kay inay. Lalo na kay itay na ang tanging alam niya sa nangyayari ay kaya hindi ako nakakauwi ng bahay dahil sa puspusan kong pagre-review. Tapos ang resulta pala ay kulelat pa rin ako.
"Okay na kahit hindi mo na ako bilhan ng isla. Ibigay mo lang sa'kin 'yang puso mo," pakindat niyang sabi sa akin.
"Korni mo naman. Kung ibibigay ko sa'yo ang puso ko, eh di patay na ako no'n," natatawa kong sabi sabay pingot ng ilong niya.
"Ang literal mo naman Aying."
***
JOSHUA'S POV
Hinihingal ako nang makarating sa auditorium. Pinuntahan ko na kasi lahat nang pwedeng puntahan ni Purita subalit hindi ko pa rin siya makita eh. Saan na naman kaya pumunta ang babaeng iyon? Baka kung ano na naman kasi ang gawin niya. Nang makita ko sina Eileen at Mario ay kaagad akong lumapit sa kanila. Tuwang-tuwa naman si Eileen na sumalubong sa akin.
"Guess what, Josh. Ako ang nag-top sa evaluation. Ang saya-saya ko talaga!" bungad niya.
"Congrats."
"Eh. Bakit hindi ka naman yata masaya?" nadi-disappoint niyang tanong sa akin.
"I'm happy for you. Really."
"Oo nga sinta ko. Masaya talaga 'yang bestfriend ko dahil ikaw ang nag-top. Pero at the same time, malungkot din," saad naman ni Mario.
"Nakita niyo ba si Purita?"
Napatakip ng bunganga si Eileen na para bang may naalala. Ang kaninang masayang mukha niya ay napalitan din nang pag-aalala.
"Oo nga pala. Si Purita. Ang insensitive ko talaga."
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...