Part 33

16.3K 486 46
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 33

***

Halos hindi makahinga si Joshua matapos niyang ubusin ang lahat ng street foods na pinadala sa kanya ng mga magulang ni Purita. Hindi naman kasi niya ito matapon-tapon daahil alam niyang pinaghirapan nila ito.

Pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang tiyan sa kabusugan. Tama nga si Purita. Masarap ngang gumawa ang itay niya ng sauce. It's the best sauce na natikman niya. mabigat ang kanyang mga paa na tumayo para uminom ng tubig.

"Ahhh," sabi niya after niyang makainom.

Hawak-hawak ang kanyang tiyan ay umakyat na siya sa kanyang silid at nahiga na.

Pabaling-baling siya sa kanyang higaan dahil parang hindi siya makatulog. Dagdagan pa na medyo humihilab ang tiyan niya.

Mabilis siyang tumayo sa pagkakahiga at dumiretso sa cr. Sobrang sakit na kasi ng tiyan niya. subalit hindi naman siya makapagbawas.

Baka hindi siya natunawan sa kanyang kinain kanina kaya naman sumasakit ang tiyan niya ngayon. Daali-dali niyang hinanap ang kanyang phone at tinawagan ang driver nila.

Baka mapano pa siya kung hindi siya pupunta ngayon ng ospital. Hindi na niya ginambala ang lolo at lola niya dahil alam niyang himbing na himbing na ang mga ito sa pagtulog. Hindi na siya nagpalit ng damit at bumaba na ng hagdan. Nasa sala na siya nang bumukas ang pinto ng kanilang bahay at iniluwa no'n ang kanilang driver.

"Sir, handa na ang sasakyan. Kaya niyo pa po bang maglakad?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Salamat Manong. Kaya pa naman ho. Tara na," nakangiwing sabi niya rito.

Ilang sandali pa ay lulan na sila ng kanilang sasakyan papuntang ospital. Kaagad silang nakapasok at dinala siya sa isang private room. Isa rin kasing shareholder ng hospital na ito ang kanyang mga magulang. Hindi naman sa pinagmamayabang niya ang kanilang kayamanan, pero wala na siyang magagawa pa roon. Mayaman sila. Ay hindi. Ang mga magulang pala niya ang mayaman. Hindi siya.

Chineck-up siya ng doktor at sinabing hindi lang siya natunawan sa mga kinain niya. pinainom siya nito ng gamot saka pinayuhang dito na muna sa ospital para maobserbahan siya.

Ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay umaga na. siguro. Dahil nasa harapan niya ngayon si Bhon at ang lolo niya. kaagad siyang napaupo sakanyang higaan.

"Magandang umaga po 'Lo," bati niya. tinanguan din niya si Bhon na nakangisi lang sa kanya.

Parehas kasi silang takot sa lolo nila. Masungit, palasigaw at maikli ang pasensya. Kaya patay ka talaga kapag ikaw ang nakita nito.

"Ano bang kinain mo at hindi kinaya ng tiyan mo?" pag-uumpisa ng lolo niya.

"Ah, kuwan 'Lo..." nag-iisip pa siya kung ano ang magandang isasagot.

"Okay na rin naman pala. Uuwi na ako at walang kasama roon ang lola mo. Nakausap ko na rin ang doctor at mamaya ay pwede ka nang makalabas," sabi nito at kinuha ang sombrero sa ibabaw ng mesa.

"Mag-iingat po kayo 'Lo," sabi naman ni Bhon na halatang ikanatuwa pa ang pag-alis ng matanda.

Masama itong tiningnan ng kanyang lolo bago ito tuluyang lumabas.

Nakahinga naman silang dalawa nang maluwag.

"Ano ba kasing nangyari? Palagi na yatang sumasakit 'yang tiyan mo ah?" nakangising tanong ni Bhon sa kanya.

"Wala 'to. Hindi lang siguro sanay ang tiyan ko sa nakain ko kagabi," pagdadahilan niya.

***

####

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon