Part 27

15.4K 505 35
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 27

***

"Bakit nagseselos ka ba kay Mario dahil sinubuan ko siya ng saging??" nang-uusig na tanong ko kay Joshua habang naglalakad kami.

Napahinto naman siya sa paglalakad sa narinig at hinarap ako. "Ako?Magseselos?Gumising ka nga. Hindi kita gusto kaya huwag kang umasa na magseselos ako sa inyo," sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Mabilis ko naman siyang hinabol. "Eeh!Nagseselos ka talaga eh. Nararamdaman ko kaya," panunudyo ko.

"Bhe!Hintayin mo naman ako. Oo na. Bibilhan na kita ng napakaraming saging at susubuan kita," nakangisi kong sabi.

Inis siyang napahinto sa paglalakad at muli akong hinarap. "Unggoy lang ang kumakain ng saging."

Hindi ko na napigilang tumawa sa sinabi niya. Tumawa ako nang tumawa hanggang sa mapaupo na ako sa kakatawa.

***

###

Eileen's POV

"Hi Florentino," nakangiti kong bati sa kanya. Halatang nagulat siya dahil seryoso siyang may hinahanap sa kanyang locker.

"What do you want?" inis niyang tanong.

"Ikaw ang may kailangan sa akin."

Napahinto siya sa paghahalukay sa kanyang locker sa narinig. "What?"

Kinuha ko sa aking bag ang notebook niya at itinaas ito sa kanyang harapan. Lumaki ang mga mata niya sa nakita. Dali-dali niya itong hinablot sa akin.

"Bakit nasa sa'yo 'to?" tanong niya na medyo kinakabahan,

Napakibit-balikat lang ako sa tanong niya.

"T-tiningnan mo ba ang nakasulat dito?"

"Tiningnan is really an understatement."

"What do you mean?"

"Binasa ko at inintindi. Enough for me to experience an 8.9 magnitude earthquake," sabi ko sa nakakagulat na reaksiyon.

Hindi siya makapagsalita sa kanyang nalaman. Nakangiti ko siyang nilapitan saka hinawakan sa magkabilang balikat.

"Pero huwag kang mag-alala.Hindi kita ibubuking. I'm on your side Florence," pakindat kong sabi sa kanya.

###

PURITA'S POV

Napatingin ako sa phone ko- sa conversation namin ni Dyuswa. Naka-50 plus na akong text sa kanya subalit wala pa ring reply. Hmp. Tawagan ko kaya? Tama. Mabilis kong pinindot ang call button saka dinikit ang phone sa tenga ko.

'Sorry. You don't have enough balance to make this call...'

Napangiwi ako sa narinig. Hmp. Kailangan ko nang magpa-load mamaya. Hay. Ano na kayang ginagawa niya? Hindi ko kasi siya nakita kaninang umaga. Iniiwasan na ba niya ako? Pero ang ganda ko naman para gawin niya 'yon. Tumayo ako sa aking upuan at akma na sanang aalis nang may tumawag sa pangalan ko.

"Where are you going Ms. Sandoval?"

Napakagat-labi ako nang maalalang nasa kalagitnaan pa pala ako ng klase namin. Nginitian ko si ma'am habang palihim na inilagay sa bulsa ko ang phone.

"Mag-si-CR lang po sana mam," dahilan ko.

"May CR tayo rito sa loob. Bakit lalabas ka pa?"

Hay, patay. Hindi talaga ako makakalusot sa kunehong gurong ito. Wala na akong magawa kundi ang pumasok sa loob ng CR namin. Ano na ngayon? Ano nang gagawin ko rito? Kung sanaay may lihim na lagusan lang dito eh no?'Yong parang katulad sa mga napapanood ko sa pelikula na gumagalaw na lagusan. Na kapag pumasok ka doon ay dadalhin ka sa ibang mundo. Tsk. Sayang at hindi fantasy ito.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon