Part 24

16.3K 544 44
                                    

WDMP PART 24

PURITA'S POV

After naming kumain sa isang meat restaurant ay dinala ko naman si Bhon sa Organic Restaurant. Syempre, siya pa rin ang manlilibre. Hihi. Ang swerte-swerte ko talaga ngayong araw. Sana ganito na lang palagi. Iyong feeling na parang lahat ay umaayon sa gusto mo. Ganern. Napakagaang kasama si Bhon. Naniniwala ako na siya talaga ang boy version ko eh. Kung ano ang trip ko, trip din niya.

"Welcome to Organic Restaurant!" masaya kong sabi sa kanya nang makapasok kami sa loob. Ito kasi 'yong welcome greetings ng crew doon pero dahil naunan na akong magsabi ay tumahimik na lang 'yong babaeng crew. Ngumiti na lang ito at iginiya kami sa isang bakanteng mesa.

"Wow. Never knew that there's a restaurant like this one," manghang sabi niya nang makaupo na kami.

"Mabuti at alam mo na," nakangiti kong sagot sa kanya.

Lumapit sa amin ang isang waiter at binigay sa amin ang menu. Napansin kong tumango si Bhon at waiter. Ano kayang ibig sabihin nang tangong iyon? Hindi kaya bet ni Bhon ang waiter? Oh my G! bakla si Bhon? For real? Hala. Alam kaya ito ni Dyuswa? Hmm. Patay-malisya akong tumingin na lang sa menu saka nag-order na. Sunod na umorder ay si Bhon. Nang makaalis na ang waiter ay nangalumbaba ako sa mesa saka tiningnan siya nang maige. Parang hindi naman mukhang bakla itong si Bhon eh. Hindi siya tulad ni Flower. Pero in fairness din sa bestfriend kong iyon, lalaki naman gumalaw. Iyon nga lang medyo may pagka-bakla magsalita minsan.

"Why are you staring at me like that?" nakangiting tanong niya.

Saglit akong nag-isip. Ayoko namang deretsahin siyang tanungin kung bakla ba siya o hindi. Ayoko namang ma-offend siya. At baka mali pa ako sa akala ko 'no. nag-iingat na kaya ako ngayon. Hihi. Saka baka pag na-hurt siya sa tanong ko, hindi na niya ako ilibre. Naku, may pinag-iipunan pa naman ako ng pera ngayon.

"Wala ka bang girlfriend ngayon?"

Tumahimik siya sa tanong ko saka ngumiti. "No."

"Bakit? Sa gwapo mong iyan, wala ka pang girlfriend? Impasibul!"

"Maybe, hindi pa dumating 'yong tamang babae para sa akin."

"Bakit ka pa maghihintay na dumating siya? eh kung pwede mo namang puntahan?"

Natawa siya sa sinabi ko. "Pwede ko ba siyang puntahan?"

Mabilis akong tumango. "Pwedeng-pwede."

"As in ngayon na?"

"Naku, huwag naman ngayon. Ililibre mo pa ako eh. Ipagpabukas mo na. At saka gabi na oh. Malamang sa malamang gumagawa na 'yon ng assignment niya ngayon. Kaya huwag mo na munang abalahin."

Nakangiting tumango lang siya sa akin. Kuu! Kung mas nauna ko siyang nakita kay Dyuswa ko, malamang siya ang hinahabol-habol ko ngayon. Pero wala eh. Nauna ang bhebhe ko. Saka mahal ko na talaga si Dyuswa. Hihi.

"Pero maiba tayo, nakailang girlfriend ka na?"

"Hmm, one?" hindi niya siguradong sagot.

"Ay hindi sigurado? Saka isa nga lang ba talaga?"

"Yeah. Hindi ako sigurado dahil hindi naman naming napag-usapan kung kami nga ba no'ng time na 'yon."

"Ahh. Kumbaga, kayo na parang hindi?" naguguluhan kong tanong.

"Parang gano'n na nga. And she left without a word," napabuntong-hininga niyang sabi.

Bigla akong nalungkot sa narinig. Sawi pala itong si Bhon. Kaya pala masayahin siyang tao. Nginitian ko siya nang ubod tamis. Sana malasahan niya. Chemay! Malandutay! Papatayin ako nito ng bhebhe ko kapag nalaman niya. Purita, behave! Hihi.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon