Part 61

14.5K 442 63
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 61

***

PURITA'S POV

Hanggang sa mga oras na 'to ay hindi pa rin ako makapaniwala sa naging kompeshun ni Dyuswa sa'kin kagabi. Hindi ko talaga inakala na darating ang araw na iyon. Nakakakilig na nakakanerbiyos. Paano ba naman kasi, ang tagal-tagal kong hinintay ito. Saka para akong nakaramdam ng hiya kay Dyuswa.Ganito ba talaga 'yon? Hindi naman kasi ganito ang naging pakiramdam ko nang nagkakaigihan kami ni Stanly dati eh.

"Oh ba't parang lutang na lutang ka d'yan?" untag sa akin ni Ginny.

Para naman akong natauhan sa tanong niya. Kaagad ko siyang hinarap at hinawak sa magkabilang-balikat.

"Ano ang gagawin mo kapag nagtapat sa'yo ng nararamdaman niya ang taong matagal mo ng gusto?"

"Wala."

"Eh?"

"Wala pa namang may nagtapat sa'kin eh," sagot niya sabay kibit ng balikat.

"Kunwari nga lang," inis kong tanong sa kanya.

"Simple lang,' nakangisi niyang sagot.

"Ano nga?" atat na atat kong tanong.

"Hmm. Syempre tatanungin ko muna siya kung seryoso ba siya sa sinasabi niya sa akin. Baka naman nalilito lang siya sa feelings niya sa akin di ba? At saka baka may girlfriend pa siya or whatsoever."

Natigilan ako sa sinabi ni Ginny. Para akong natauhan sa narinig. Eh hindi ba at girlfriend pa ni Dyuswa ang Diane na 'yon? Bakit gano'n ang sinabi niya sa akin kagabi? Na gusto niya ako?Dahan-dahan akong tumingin kay Ginny.

"P-pano kung may girlfriend pa siya nang sinabi niya sa'yo ang nararamdaman niya?" nag-aalala kong tanong ulit sa kanya.

Magsasalita na sana siya pero binigyan niya ako ng isang nagdududang tingin.

"Bakit parang pakiramdam ko ay may itinatago ka sa akin?" nang-uusig niyang tanong sa akin na ikinataranta ko.

"Wala ah.Napag-isip ko kasi na wala tayong mapag-usapan na medyo interesting. Kaya naitanong ko 'yan sa'yo."

"Sigurado ka ha."

"Oo. Eh ano na nga ang gagawin mo 'pag gano'n ang sitwasyon?"

"Ay nako the, nunca kang maniniwala sa sinabi niya. Kung may girlfriend pa rin siya nang sinabi niya 'yon sa'yo eh maghulos-dili ka na. Gagawin ka lang niyang pampalipas-oras dahil bored na siya sa syota niya. But at the end of day, sa girlfriend pa rin niya siya babalik."

"Talaga?"

Bigla akong nalungkot sa sagot na iyon ni Ginny sa akin. Paano nga kung totoo ang sinabi niya di ba? Baka bored lang si Dyuswa at gusto niya ng panandaliang tuwa. At alam niyang matagal ko na siyang gusto kaya ako ang napagdiskitahan niya. Dapat pala hindi ko inuna ang kilig-kilig na naramdaman ko kagabi. Ang bobo ko talaga dahil hindi ko naisip ang posibilidad na iyon.

"Oh ba't biglang nalukot 'yang pagmumukha mo?Hindi ka pa ba kuntento sa sagot ko sa'yo?" nakakunot ang noo niyang tanong.

Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti at nagpatuloy sa pagkain.

***

MARIO'S POV

Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin ni Joshua sa phone niya. May inaabangan ba siyang tawag? Kulang na lang kasi ay magpalit ang mukha nila ng cellphone niya eh. Hindi na ako matahimik kaya lumapit na ako sa kanya sa upuan. Wala pa naman kasi ang next teacher namin.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon