Mapakla akong ngumiti sa kawalan. Now you know Dyuswa. Who deserves you better. At sana magising ka na sa katotohanang iyon.
Patuloy lang ako sa paglalakad. Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Idrian.
"Purita. Wait. Purita."
Huminto ako sa paglalakad nang hawakan niya ang braso ko. He looks guilty. He should be. Dahil hindi siya nag-iingat. Wala naman akong pakialam kung magharutan pa silang dalawa ni Nellie eh. Wrong timing lang sila!
But I can't put the blame on him. Mangyayari rin naman ito. Napaaga nga lang.
"I'm sorry Purita. It's just that... "
"Natukso ka lang ng malanding iyon," pagtatapos ko na sa sasabihin niya.
Mahina siyang tumango. May bakas pa rin ng dugo ang mukha niya.
"Nabigla lang ako saka..."
"It's okay Idrian. Wala kang dapat na i-explain sa akin dahil naiintindihan kita. You're a horndog and I can't stop you from doing that."
"No Purita. Talagang natukso lang ako."
"Natukso ka man o sa hindi, ginusto mo pa rin 'yon. Pero okay nga lang Idrian," sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa siko ko.
Nagpatuloy naman ako sa paglalakad. Patuloy niya rin akong hinahabol.
"Purita, magpapaliwanag tayo kina Michelle. Hindi pwedeng gano'n ang isipin nila sa'yo."
"No need Idrian. Hayaan na natin silang mag-isip kung ano ang gusto nilang isipin. Ang gusto ko na lang ngayon ay umalis na rito ngayon."
"Pero Gabi na at..."
"I can commute. Ayoko nang manatili pa rito ng matagal."
"Ihahatid kita," sabi niya ng malapit na ako sa room ko.
Hindi na ako umapela pa. Gusto ko lang talagang umuwi na ngayon sa kahit anong paraan. Pumasok na ako sa kwarto ko at pinasok sa bag ang mga damit at gamit ko.
Paglabas ko ay nasa labas na rin si Idrian at nakaabang na sa akin. Siguro kung normal lang ang sitwasyon ngayon,baka napagtawanan ko na ang hitsura niya. Pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko.
Oo, nasasaktan ako. Hindi maiiwasan iyon. Pero hinding-hindi ko masisisi si Dyuswa rito. After kong malaman ang nangyari sa kkanya. Wala akong alam sa buong pangyayari pero pakiramdam ko ay ako ang dahilan bakit siya naaksidente.
Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Nasaktan niya ako pero nasaktan ko rin siya. All is fair in love. Kaya hindi ko siya masisisi kahit na sinabi niyang gusto niya ako at nagseselos siya pero si Michelle pa rin ang pinili niya.
At kahit na ako man ang piliin niya, itutulak ko pa rin siya pabalik kay Michelle. Mas lalo lang akong makokonsensiya kapag ako ang pinili niya. Hindi ko pa napapatawad ang sarili ko kaya hindi ko siya matatanggap. Kung mapatawad ko man ang sarili ko balang araw, sisiguraduhin kong lalayo na ako. Aalis ako sa Campuestuha. Malayo kay Dyuswa. Iyong kahit kailan ay hindi na magku-krus ang landas pa naming dalawa.
Masakit talagang isipin, pero iyon ang pinaka-dapat kong gawin. I'm not sacrificing myself here. I'm doing what is best for the both of us.
"Ano ng plano mo ngayon? I'm really sorry talaga Purita," sabi niya akin ni Idrian nang nasa tapat na ako ng bahay.
Kinalas ko ang seatbelt saka tiningnan siya.
"Thank you Idrian. Let's end it here. Hindi na tayo dapat na magpanggap pa. Sorry dahil nasuntok ka ni Dyuswa. Don't worry, hindi ko puputulin 'yang ano mo. Just be careful who you f*ck with. Goodbye I-drian!" sabi ko at lumabas na ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...