Part 17

15.9K 564 12
                                    

Lunes...
Nagulat si Eileen nang makita ang isang box ng Royce chocolate sa locker niya. Hindi niya tuloy maiwasan ang ngumiti.

"Etong si Joshua kunwari hindi pa ako gusto eh. Akala mo sinong gwapong hukluban sa labas. Pero ang sweet naman sa loob."

Lumabas siyang bitbut ang chocolate at taas noong rumampa sa hallway. Hahanapin niya si Joshua. Sisiguraduhin niyang this time, aamin na ito.

Napahinto siya sa paglalakad nang makita niya ang isang pamilyar na mukha.

"Ikaw nga? Ang gwapong bakla??" natatawang sabi niya kay Flower.

"Dito ka rin pala nag-aaral?"

"Aha! Nakikita mo tong chocolate na hawak ko?"

"Malamang. Hindi naman invisible yan eh."

"Tss. Bigay saken ito ni Joshua. Kaya better inform Purita na tama na ang pag-aambisyon niyang maging sila ni Joshua. Dahil sigurado akong mas malaki pa siguro ang nipple mo kesa sa chance na maging sila," kampante niyang sabi.

"Trashtalk! Diyan ka na nga. Nakaka bad vibes ka," sabi nito at iniwan siya.

"Hoy bakla! Try mo din kayang ikembot minsan ang beywang mo nang sa ganun ay makabingwit ka din ng gwapo!" pahabol niyang asar dito.

Nagpatuloy na suya sa paglalakad. Siguradong nasa kwarto lang nito si Joshua kaya doon niya ito pupuntahan.

"Eileen?"

Nilingon niya ang tumawag sa kanya at nabungadan si Mariong Pilandok na ultimate crush ni Ginny.

"Baket??"

"Saan ka pupunta?"

"Sa semrnteryo. Ipapalibing ka," inis niyang sabi.

"Grabe ka naman. Itatanong ko lang sana kung may magtu-tutor na sayo. Kung wala pa..."

"Ayoko sayo. At may Joshua nako. Kaya huwag ka nang mag-Purita syndrome okay?"

"Purita syndrome?"

"Mag-ambisyon. Ganun," maagap niyang sagot.

Laglag ang balikat ni Mario na umalis palayo. Napabuga siya ng hangin.

"Bakit kaya habulin ako ng mga panget?" taning niya sa sarili.

Wednesday...

"Pare!"

Parang biglang natauhan si Joshua sa pagtawag sa kanya ni Mario.

"Oh pare? Bakit?"

"Talaga bang si Eileen na ang kukunin mo?"

"Di ko pa alam eh."

"Ayos! So ibig sabihin, may chance pa akong maging tutor niya. Pare ibalato mo na lang siya sa akin."

Natawa siya sa sinabi nito.

"I can't decide on that one pare. Alam mo namang ang junior ang may final say kung sino ang kukunin nilang tutor."

"Eh di sana dati pa tinanggap mo na si Purita. Ano pa ba kasing trip mo na i-reject siya ganung sila naman pala ang may final say?"

"It should also a mutual agreement."

"Alam mo, ang gulo mo pare. Para kang abstract. Nakakasira ng utak. Tignan mo lahat ng humahabol sayo ang isip ay kulay black!" pa-rap nitong sabi.

Napailing na lang siya sa sinabi nito. Napaisip siya. Three days na at hindi pa niya nakikita si Purita. The hell. Bakit niya iisipin ang babaeng iyon?

After morning class ay dumiretso na sila ni Mario sa canteen nang makasalubong nila si Flower. Naalala niya na ito ang sumundo kay Purita nang mangyari ang insidente. Lumapit ito sa direksiyon niya.

"Joshua, may itatanong lang sana ako sayo."

Tiningnab ni Mario si Flower ng warning look. Pero ngumiti lang ito.

"Ano yun?" tanong ni Joshua.

"Alam mo ba kung nasaan si Purita?"

"What?"

"Alam kong magkasama kayo nung Friday. Kaya tinatanong kita kung alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" tanong nito na may bakas ng inis.

"What di you mean? Bakit mo siya hinahanap sa akin?"

"She's absent for three days now. At hindi ko siya matawagan dahil walang phone yun. Hindi ko rin alam kung nasaan ang bahay nila kasi hindi niya sinasabi sa akin."

Ibig sabihin hindi pala nakakapasok si Purita? Eh siya pa nga naghatid sa kanya sa lugar nila eh. Pero hindi pa exactly sa bahay nila. Dahil ayun dito, isang kanto pa abg lalakarin niya bago makauwi. Hindi kaya pinagtripab siya ng mga lasenggo sa kanto. Oh, horrible thought.

"You mean, nawawala si Purita???" gulat na tanong ni Mario sa dalawa.

"Sinong nawawala? Si Purita?" eksena ni Eileen.

The hell. Saan naman kaya nagsusuot ang babaeng iyon???

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon