Part 37

14K 492 60
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 37

***

Nagsama-sama sa bahay nila Bhon sina Joshua, Diane, Ella at Hannah. Maglalaro kasi sila ng dart game. At ayaw nilang gawin iyon sa bahay nila Joshua. Andoon kasi ang lolo at lola nila eh.

"Oh, ayokong gawin 'to," naiiling na sabi ni Bhon.

Siya kasi ang natalo sa laro nila. Natatawa namang binigay sa kanya ni Ella ang mascot na susuotin nito as a punishment sa pagkatalo nito. At kailangan niyang mag-ikot sa Central Plaza sa loob ng isang oras.

"You have to do that Bhon. As a punishment na rin sa pagdala mo sa lunatic girl na 'yon sa party," saad ni Diane.

"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan," sagot naman ni Joshua.

"W-wait guys. Did I miss something here?" napa-puzzle na tanong ni Hannah sa kanila.

Hinatak siya ni Diane palayo sa kanila. "I'll tell you the whole story."

Naiwan naman silang tatlo sa loob ng kwarto. Nginitian lang ni Ella ang dalawang lalaki.

"So, Bhon ready ka na ba?"

"Wala na bang ibang choice?"

"Wala eh. O sige na. suotin mo na 'to at nang maka-rematch tayo," natatawang sagot nito.

"Josh, di ba pangarap mong magsuot nito? Save me," pagsusumamo ni BHon sa pinsan.

"No. Never in my wildest dreams Bhon," tanggi niya saka lumabas na ng game room.

***

Central Plaza... 8pm.

Nakaupo lang si Purita sa mahabang bench habang umiiyak. Humingi muna siya ng pahintulot sa tita Sarah niya na pupuntahan niya ang kaklase niya para gumawa ng project. Pero ang totoo, gusto lang niyang umiyak muna nang umiyak. Ang laki-laki kasi ng problema niya.

Hindi niya inaasahan na darating siya sa puntong ito. Na magda-drama siya, iiyak ng ganito. Hindi pa naman siya bagay umiyak.

Nagulat siya nang may humawak sa magkabilang balikat niya. At mas lalo siyang nagulat nang makitang isa itong mascot ng kuneho. Hindi niya tuloy maiwasang ngumiti. Paboritong hayop niya kasi ito.

"Bunny, bunny!" sabi niya rito at kaagad itong niyakap nang mahigpit.

Parang nabigla naman ang mascot sa ginawa niya pero niyakap din naman siya nito.

"Alam mo bang gustong-gusto kong magkaroon ng kuneho dati. Iniyakan ko pa nga noon si inay eh kasi hindi niya ako nabilhan kasi binili niya ng gamot ni itay," kwento niya.

Kumalas na siya sa pagyakap sa mascot at tiningnan ito sa mga mata.

"Anong pangalan mo, cute na kuneho?"

Nakita niyang umiling ito. Hinawakan niya ang kamay nito at hinatak-hatak kung saan-saan.

"Buti na lang at nandito ka. Alam mo bang biglang gumaan ang loob ko nang makita ka? Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa'yo eh. Siguro magkakilala tayo ano? Tanggalin mo nga 'yang pang-taas mo para makita kita."

Akma sana niya itong tatanggalin pero pinigilan siya nito.

"Ay ayaw mo? Pero okay lang. Mas okay nga na hindi kita kilala eh. Para masabi ko sa'yo lahat ng problema ko ngayon. Baka kasi nagtataka ka kanina kung bakit ako umiiyak," sabi niya saka pilit na ngumiti.

Sumenyas ang mascot na umupo sila sa swing. Wala rin naman kasing gaanong tao kaya doon na lang sila pumwesto. Akala niya ay uupo ito sa kabilang swing pero umupo ito sa damuhan paharap sa swing na inuupuan niya. Nakatingin lang ito sa kanya kapagka ay ngumiti siya.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon