#WDMPPastAndPresent
Naiinis akong lumabas ng opisina ni Dyuswa. Akala ko kung ano na naman kasing urgent ang ipapagawa niya sa akin. Iyon pala ay maging chaperone lang ni Michelle sa pamimili ng kung ano-ano.
Pero dahil nga gusto kong maging fake goood girlfriend sa kanya ay pumayag na ako. As if may magagawa ako di ba?
Hindi pa rin humuhupa ang inis ko nang makasalubong ko si Luke na pasipol-sipol pa. Aba't good mood yata ang bangag na ito ah. Buti pa siya!
"Feels like you're not in a good mood?" tanong niya
"Sinabi mo pa."
"Why?"
Saglit ko siyang tiningnan. Nakangiti lang siyang naghihintay ng isasagot ko. Pero I decided not to tell him. Umiling na lang ako bilang tugon sa tanong niyang iyon.
"Do you want me to guess?"
"No."
"Okay. Ahm, we'll talk later okay?"
"Tungkol sa?"
"Mamaya nga."
Inismidan ko lang siya at nagsimula na akong maglakad. Sa lobby ko na lang hihintayin si Michelle. Ano ba kasing kailangang bilhin no'n at isasama pa ang magandang katulad ko?
Baka pagkamalan lang siya na katulong ko eh. Chos lang.
Bad Purita. Bad!
***
Michelle's POV
Pagkatapos kong mag-apply ng make up ay lumabas na ako ng powder room. Ngayon kasi ang punta ko ng mall para bumili ng magandang damit para sa anniversary namin next week ni Joshua.
I want to look beautiful in his eyes. Kahit na three years na kami ay gusto ko pa ring ipakita sa kanya na hindi ako nagbabago.
Napangiti ako nang maalala kung paano kami nagkakilala at kung saan kami nagkita. It is still fresh in my mind. Hindi ko inakala na magkakatuluyan kaming dalawa.
Hindi rin kasi biro ang pinagdaanan naming dalawa. Kaya nang maging kami ay pinangako ko sa sarili ko na I will be the best girlfriend to him.
Kaya naman pinakiusapan ko siya ngayon na pasamahan ako kay Ayissha sa mall. Gusto ko kasing matutunan ang mga tips on how to make Josh laugh the way he did kapag magkasama silang dalawa.
Sobrang seryoso kasi ni Josh kapag magkasama kami. Not that I don't like him being serious pero I also want to see him laugh harder and smile wider when we're together.
Siguro sa akin din ang problema. Mahina ang sense of humor ko unlike Ayissha. I'm not insecure. Honestly, I really like her. Kasi kapag kasama mo siya, ang ganda lang ng araw mo. She has this overflowing positivity in her body.
No wonder na napapangiti at napapatawa niya si Joshua effortlessly. Maging si Luke ay nakuha na rin niya ang loob nito.
Laking pasalamat ko kay Josh nang mapapayag nito si Ayissha na samahan ako ngayon. I will observe her. Iyon na lang siguro muna. Siguro matutunan ko rin kung paano siya magsalita or to make a conversation sa ibang tao.
Pagkababa ko ng lobby ay nakita ko si Ayissha na nakaupo sa sofa. She's really beautiful. I admit, mas maganda pa siya sa akin. At ang sexy pa niya. She can be a model sa mga fashion shows.
This is the first time na humanga ako sa physical features ng isang babae. Ngumiti siya nang makita ako. And her smile is really contagious kaya naman napangiti na rin ako.
Naglakad ako palapit sa kanya kaya tumayo na siya at sinalubong ako.
"Sorry, kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...