Kabanata 69

8.3K 230 31
                                    

Mother

WALANG may nagsasalita sa aming dalawa ni Dyuswa habang pababa na kami ng talampas. Tanging si tita Sarah lang ang hindi maubos-ubusan ng kwento.

"At alam niyo ba ayon sa sabi-sabi ng mga matatanda,  may inilibing daw na hidden treasure dito sa talampas na ito.  Marami ang naniniwala na isa ito sa mga Yamashita treasure," sabi nito.

"At alam niyo rin ba na kapag hindi kayo nagsasalita ay babaho ang inyong hininga?"

Wala pa ring umimik sa amin. 

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Umakyat lang tayo ng talampas,  na-pipi na kayo," inis na sabi ni tita. 

Hanggang sa makarating kami ng bahay ay patuloy pa rin kaming kinukulit ni tita. 

"Babalik na ako ng Manila bukas," sa wakas ay nasabi ko. 

"Ano? Papaanong...Ang pageant?" gulat na gulat na tanong ni tita na hindi tinuloy ang pagtatanggal ng sapatos. 

Nakakunot lang ang noo ni Dyuswa habang nakatingin sa akin. 

"Kayang-kaya na ni Rechel 'yan.  May time pa naman para makapag-prepare siya," sagot ko. 

"Ate!!!!" biglang sigaw ni tita.

Taranta namang lumabas si inay sa kusina.  May dala - dala pa itong sandok. 

"Oh bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni inay. 

"Iyan! Ang anak mo! Hindi na sasali sa pageant.  Babalik na ng Manila bukas!" sumbong nito.

"Anak,  bakit naman biglaan?" mahinahong tanong ni inay habang iniabot kay tita ang sandok. 

"May importante lang po kasi akong gagawin sa Manila. Hindi ko po kasi pwedeng ipagpaliban eh," dahilan ko. 

"I'm sorry,  tita.  It's all my fault," singit ni Dyuswa. 

Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ay muling tiningnan si inay.  Nakatingin lang siya sa akin na parang inaarok kung ano ang nasa isip ko.  Ilang sandali pa ay tipid siyang ngumiti sa akin. 

"Kung iyan ang makakabuti sa iyo ay malaya kang sundin ang gusto mo anak."

Unang sumalungat si tita.  Parang gusto na nga niya akong paluin ng sandok eh. 

"Ano ba 'yan? Hindi na ba makapahintay iyang gagawin mo sa Manila? Tapusin mo na muna ang pageant!  Sayang ang portable house!"

"Sarah!" saway sa kanya ni inay. 

Kaagad namang yumuko si tita.  Somehow,  I feel guilty.  Alam ko kung gaano kagusto ni tita ang bahay na iyon.  Pero buo na rin ang desisyon ko na lumuwas na ng Maynila bukas. 

Natapos ang hapunan ay hindi pa rin ako kinakausap ni tita.  Ni hindi niya nga ako pinag-aaksayahan ng tingin.  Tanging si Dyuswa lang ang kinakausap niya.  Hindi kasi niya alam ang totoo.  Ang nangyari.  Kaya sa tingin niya ay ako ang may problema. 

I can't blame her though.  Hindi ko siya masisisi kung isa akong 'big joke'  sa kanya ngayon.  I admit may kasalanan din ako kasi nga nagpadalos-dalos ako ng desisyon.  Pero kahit na,  I think it's a wise decision to do.

Sinabihan ko na rin naman kanina si Rechel na siya na lang ang papalit sa akin.  Sa una ay gulat na gulat siya pero nakikita ko sa mukha nito ang saya at excitement.  At dahil do'n,  kahit papaano ay nabawasan ang guilt ko. 

It's nice to see someone smile.  Lalo na kung ang dahilan ng kasiyahan ng taong iyon ay maliit na bagay lang naman sa iyo at kaya mong ibigay. 

I think that's the problem in our society right now.  People get too greedy that they can't give some part of what they have to the people who need it the most. And that's when humanity starts to fall. 

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon