WHEN DYUSWA MEETS PURITA
CHAPTER 48
***
Nakaupo si Hector sa kanyang opisina nang tumunog ang telepono. Inilagay muna niya ang hawak-hawak na ballpen sa mesa bago niya sinagot ang tawag.
"Hello."
"Sir, si Miguel poi to," sabi ng sa kabilang linya.
Napaupo nang tuwid si Hector sa kanyang kinauupuan.
"Anong balita?"
"Positive po sir."
Parang wala sa sarili niyang binaba ang telepono sa narinig.
****
PURITA'S POV
Napahinto ako sa paglalakad sa hallway nang makasalubong ko si Eileen. Andami nitong librong bitbit.
"May libro pa bang natira sa library?" nang-aasar kong tanong sa kanya.
"Nice joke. Pero ayokong maging joke pagdating ng evaluation."
"Dinig ko nag-date daw kayo kahapon ni Mario ah?"
Gulat na gulat siya sa sinabi ko at tiningnan pa ang paligid kung may tao. Mas lalo siyang lumapit sa akin.
"Huwag ka ngang maingay," bulong niya.
"Okay. Saka wala namang problema kung nagdi-date kayo di ba? Match made in heaven kaya kayong dalawa," natatawa kong sabi sa kanya.
"Nakakainis ka talaga. Anyway, nakita mo ba si Joshua? Kailangan na naming mag-review eh."
"Si D-Dyuswa?"
Halos sabay kaming bumaba ng hagdan para mag-agahan. Wala kaming imikan nang makarating kami sa kusina para kumain. At tulad ng dati, kaming dalawa lang.
"I'm sorry," sabi niya.
Napahinto ako sa pagkain at tiningnan siya. Gusto ko sana siyang sagutin pero nakita kong seryoso siya kaya minabuti ko na lang na tumahimik.
"Wala kang sasabihin?" patuloy niya.
"Pasensiya rin."
"For what?"
"Dahil nag-over acting ako kahapon?"
"Wala 'yon," sabi niya saka patuloy na sa pagkain.
"May itatanong sana ako sa'yo."
Tiningnan muna niya ako bago nagsalita. "Ano?"
"Hindi ko alam," sagot ko kay Eileen.
"Anong hindi mo alam? Eh nasa iisang bubong lang kayo?" hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.
Minabuti kong hindi na lang siya sagutin saka nagpatuloy na lang sa paglalakad.
"Purita!" habol niya sa akin.
"Ano ba?"
"Tatawagan ko siya ngayon," sabi niya sabay kuha ng cellphone niya.
Kaagad ko namang kinuha ang kanyang cellphone. Hindi niya pwedeng tawagan ngayon si Dyuswa.
"Huwag mo muna siyang tawagan ngayon."
"At bakit? Meron pa kaming idi-discuss."
"May bukas pa naman di ba?"
Pilit niyang kinukuha sa akin ang cellphone niya pero mas matangkad ako sa kanya kaya hindi niya ito makuha sa akin.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...