Part 22

16.8K 525 18
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 22

Dinala nga niya ito sa Jollibee kahit ayaw niya talaga. Nagsasawa na kasi siya dito. Pero hindi na siya nagbukas ng argumento dahil alam niyang hindi siya mananalo dito. Pinagbigyan niya rin ito dahil nga birthday nito ngayon. Pinaupo niya na ito sa bakanteng pwesto at siya na lang ang nag-order. Bumalik siya sa pwesto nila dala-dala ang biniling pagkain. Pumalakpak pa ito nang ilapag niya sa mesa ang pagkain.

"Woah! Amoy pa lang busog na ako," bulalas nito.

Akma na sana itong kukuha ng fries nang inilayo niya ang pagkain.

"Hoy!" gulat nitong sabi.

"Bakit?"

"Akala ko ba ay busog ka na?"

"Char lang yun. Ilagay mo na nga 'yan. Gutom na ako eh," reklamo nito.

Naiiling na lang niyang ibinalik ang pagkain sa mesa. "Sige. Kainin mo na lahat 'yan."

"Seryoso ka? Ayaw mong kumain?"

"Sawa na ako sa mga pagkain dito. Parang first time mo naman yatang kumain dito, eh sayo na lang lahat ng 'yan."

"Ayiieeeeeh. Ang sweet naman ng bhebhe ko. Sabi ko na nga ba't nakatago lang 'yang sweetness mo sa bone narrow mo eh," kinikilig nitong sabi.

"Bone marrow. Hindi narrow," pagtatama niya.

"Eh! Magkatunog naman eh. Kaya hayaan mo na," sagot nito sabay kain ng spaghetti.

"Hindi pwede 'yang sagot mo na 'yan. Parang sinasabi mo na rin na okay lang sa'yo ang maging number two dahil magkalapit lang sila ng number one."

Napatigil sa pagkain si Purita sa pagkain ng spaghetti sa narinig. Bigla itong ngumiti at hindi maitago ang sobrang pagkamangha sa kanya. Kaagad naman siyang kumuha ng tissue at binigay iyon dito dahil sa nagkalat na sauce sa bibig nito.

"Kumain ka nga ng maayos. Para kang bata," saway niya.

Pinunasan ni Purita ang bibig nito at napatingin sa isang buong pamilya na kumakain na malapit lang sa kanila.

"Ikaw bhe? Ilan ang gusto mong anak?"

Muntik nang mabilaukan sa kanyang iniinom si Joshua sa tanong ni Purita. Kitang-kita niya sa kanyang peripheral vision ang mga taong napatingin sa direksyon nila. Ang lakas-lakas kasi ng boses ng babaeng ito. Naisip niya na baka kung ano na ang iniisip ng mga ito sa kanila. Na high school pa lang sila ay nagpa-family planning na. The hell!

"Oh my gosh. Ang landi naman niya," sabi ng isang babae sa kabilang mesa.

"Hoy, it's not malandi. It's making love!" Hindi papaawat na sagot sa kanila ni Purita. Hiyang-hiya talaga siya sa sinabi nito. Wala na ba talaga itong matinong pag-iisip? Napabuntong-hininga siya.

"Kumain ka na nga lang. Andami mong sinasabi eh," sabi niya na hindi maitago ang inis.

####

Kinaumagahan....

"Ay dinuguang pilandok!" gulat na bulalas ni Eileen nang pagsara niya ng kanyang locker ay bumungad ang pagmumukha ni Mario.

"Hi Eileen!" Nakangiting bati ni Mario.

"Ano bang ginagawa mo?" Inis niyang tanong at nagsimula nang maglakad. Kaagad naman siyang sinabayan sa paglakad ni Mario.

"Yayayain sana kitang mag-hapunan mamaya?"

"You mean date?"

"Hmm, parang ganun na nga."

"Ayoko," mabilis niyang sagot.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon