Umuwi akong masaya. As in nakalimutan ko kung anong problema ko. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Napapailing na lang ako sa tuwing naaalala ang kagagahan namin doon kanina.
Pumasok ako sa aking kwarto saka nagbihis na ng damit pantulog. Humiga na ako sa aking kama at bigla ko na lang naalala na malapit na pala ang Awarding sa G Rubber Company at hindi pa ako nakakaisip ng magandang idea para sa gagawing promotional ads!
Magpapatulong sana ako kay Dyuswa pero hindi ko na magagawa iyon. Hindi na ako makakalapit sa kanya dahil I'm sure magagalit sa akin si Michelle.
Napabaling ako sa kaliwang bahagi ng aking kama. Alam kong hindi ko ito matatakasan. I need to face it. Ready na akong sumbatan ni Michelle. Kailangan ko na siyang makausap tungkol sa amin ni Dyuswa.
Kinabukasan ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Michelle. Kinakabahan man ay binasa ko iyon.
Michelle:
Ayissha, can we talk later at lunch? Sa Hades Grill lang.There. Maghaharap na kami. Ipapaliwanag ko sa kanya na wala siya dapat na ikabahala sa amin ni Dyuswa. Matagal na kaming tapos.
Ako:
Sure.Wala pang lunch time ay nasa Hades Grill na ako. Ayokong mahuli sa usapang ito. Dumating ang alas onse ay bumukas ang pinto ng resto at pumasok doon si MMichelle. Naka-casual dress lang siya. Tipid siyang ngumiti sa akin nang makalapit siya sa akin.
"Sorry to keep you waiting," sabi niya at umupo sa upuang paharap sa akin.
"Okay lang."
"So, shall we order?"
Masyadong pormal siya ngayon. And I know why. Kaya pinilit ko ring maging pormal ngayon kahit minsan ay hindi halata sa kilos ko. Ako na lang muna ang mag-a-adjust ngayon.
Dumating ang order namin at nagsimula na rin kaming kumain. Sa una ay tahimik pa siya. Pinag-aaralan ko ang kilos niya. Natatandaan ko kasi no'ng sinabi niyang mapapatay niya ang kung sino mang kabit ni Dyuswa. Though I'm not kabit pero syempre baka iyon ang isipin niya ano.
Napapahinto ako sa pagnguya kapag hinihiwa niya ang steak gamit ang kutsilyo. Baka kasi bigla na lang iyong lumipad at matamaan ako sa dibdib. Lalabas colostrum ko no'n (okay, feeling mother lang na may bagong baby). O di kaya naman sa tuwing iinom siya. Baka bigla niya na lang akong sabuyan sa mukha.
Sa mga oras ngayon, kailangan ko lang talagang maging mapanuri. Mapagmatyag. Mapangahas. Matang...
"Ayissha."
"Ay matangbaka!" gulat kong sabi. Nakakagulat naman ang babaeng ito.
"Michelle.."
"Hindi ko pa rin kinakausap si Josh. Galit ako sa kanya. For keeping a secret from me. I feel the same way for you."
"Naiintindihan kita Michelle."
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa sasabihin ko sa'yo."
"Simulan mo rito Michelle. May balak ka pa bang ibang lugar para sabihin sa akin ang mga sasabihin mo?"
Shet! Ang bunganga ko! Pormal-pormalan ang peg ko di ba? Bakit balahura Purita? Lihim kong kinastigo ang sarili ko.
Umiling siya sa akin. Alam kong gusto niyang matawa pero tumahimik na ako baka kasi masampal niya ako ng pinggan.
"All this time inakala kong magkaibigan lang kayo. Dahil iyon ang sinabi niyo. I believed in you. Pero tama nga si Nel. I am so naive not to notice your actions kapag magkasama kayo. Ngayon ko lang na-realize. There's something between the two of you."
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...