Kabanata 25- The Awakening

10.6K 368 114
                                    

Inihatid ako ni Dyuswa sa bahay dahil nga basa na kami pareho. Sobrang lakas pa ng ulan hanggang ngayon. Pinatuloy ko muna siya sa loob para makapagpatuyo siya.

Binigyan ko siya ng tuwalya. Napangiwi ako nang malamang wala pala akong damit na magkakasya sa kanya.

"Sorry. Wala rin kasi akong maluwang na t-shirt eh. Hindi kasya sa'yo."

"It's okay. Isasampay ko na lang muna itong t-shirt at slacks ko para matuyo kahit papa'no."

Napatingin ako sa kanya. Ibig sabihin maghuhubad siya? My gosh Purita. Ano naman ngayon? Huwag ka ngang malisyosa. Alangan namang hayaan mo siyang magka-pulmonya dahil basa ang katawan niya. Nakakaloka.

"Would you mind?"

"No. Not at all. Sige. Magtitimpla lang ako ng kape sa kusina."

"Salamat," nakangiti niyang sabi habang hinuhubad na ang t-shirt at slacks niya. Naka-checkered boxer shorts na lang siya ngayon. Buti at hindi naabot ng basa iyon.

Dali-dali na akong pumunta ng kusina. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Ikaw ba naman makakita ng gano'ng katipunong katawan hindi ka pagpapawisan? Twenty three pa lang siya pero gano'n na ang built ng katawan niya. Halatang alaga talaga sa gym ang mokong.

Narinig kong umandar ang TV sa sala. Wow ha. Feel at home lang? Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay dinala ko na ito sa sala. Iniabot ko sa kanya ang isang mug saka umupo na rin ako.

Ibinalik niya ang kanyang tingin sa panonood kaya naman napagmasdan ko siya nang maayos. Messy and wet hair, matangos na ilong, expressive eyes, red thin lips. Halos perpekto na talaga ang physical attributes niya.

"Ang ganda ng palabas di ba?" nakangiting sabi niya at bumaling sa akin.

Shet! Napansin niya kaya ang pagtitig ko sa kanya? Para kasing double meaning ang sinabi niya eh. Nag-init tuloy ang magkabilang-pisngi ko. Mahina akong tumango saka humigop ng kape.

Napakunot ako ng noo nang mapansing nakatitig siya sa akin. As in titig na titig na tagos sa fallopian tube ko.

"B-bakit?"

"Hindi ka magpapalit? Basang-basa ka eh."

Ay shutanginabells lang! Oo nga pala. Ay. Bakit ko nakalimutan na basa rin pala ako? Nakakainis. Pakiramdam ko kasi ang init ngayon sa loob ng bahay eh.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa half naked body niya. Six shining abs and a very enchanting V-line!

Nabigla ako nang may tumakip sa ulo ko. Tuwalya iyon na binigay ko sa kanya kanina.

"Go ahead at magpalit ka na. I don't want you sick," malumanay niyang sabi.

Tinanggal ko ang tuwalya sa aking ulo. Nakaupo na siya ulit sa sofa with nothing but a boxer shorts on. Napailing na lang akong tumayo at dumiretso ng kuwarto ko.

Inamoy ko ang tuwalya. Anong klaseng pabango ba meron siya at bakit kahit sa tuwalya ay dumidikit ang mabango niyang pabango? Pinapaligo niya ba iyon sa katawan niya? Ni hindi man lang natanggal kahit nabasa na siya.

Isinampay ko lang sa banyo ang tuwalya niya at saka na rin ako mabilis na naligo at nagbihis. Kumuha ako ng isang kumot para matakpan ang nakakalokang katawan ni Dyuswa.

Pagkarating ko ng sala ay natagpuan ko siyang nakasandal sa sofa na nakaharap sa tv habang nakapikit. Tulog na kaya siya? Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at kinumutan siya para hindi ginawin.

Napatingin ako sa orasan. Alas siyete na pala ng gabi? Tumayo ako at dumiretso sa kusina para magluto ng hapunan. Papakainin ko muna siya bago siya umalis. Nakakahiya naman sa bisitang parang sa kanya ang bahay eh.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon