Part 28

17.2K 475 27
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 28

***

Inaantok na si Purita sa dini-discuss nila ni Mario sa Geometry nang biglang tumunog ang phone niya. Kaagad niyang tiningnan kung sino ang nag-text. Lumaki ang mga mata niya sa nabasa.

From: Mahal Ka Nang nag-text Nito

Want some dinner tonight? 7 pm, La Bonita Resto.

Mabilis naman siyang nag-reply sa text sa kanya ni Joshua. Kailangan niyang bilisan ang pagtipa baka kasi magbago pa ang isip nito. Mahirap na.

Ya, offcourse. See you bhe. Hihihi.

"Ayos! Sinasabi ko na nga ba eh. Made-develop din siya sa akin," kinikilig niyang sabi.

"Sino?" nagtatakang tanong naman ni Mario.

"Sino pa. Eh di ang bhebhe ko! Basahin mo 'to," masaya niyang sabi at pinabasa kay Mario ang text sa kanya ni Joshua. Kahit na ito ay hindi rin makapaniwala sa nabasa.

"Woah! Anong pinakain mo sa kanya ha?" naiiling na tanong sa kanya ni Mario.

"Wala pa akong pinakain niyan ha?" pagmamalaki niya sabay tawa nang malakas.

***

PURITA'S POV

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Dagdagan pa ng ingay ng guro namin sa Chemistry. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi. Sino kaya 'yong kasama ni Dyuswa kahapon nang uwian? Hindi ko na sila mahabol dahil ang bilis nilang maglakad. Pero sigurado akong babae iyon. Mga kasing-edad lang siguro namin. Masama talaga ang kutob ko eh. May kabulastugan na naman sigurong ginagawa ang boyfriend ko na 'yon. Nambababae na naman siya. Hindi na siya nadala kay Angelibog na 'yon. Ay, mali. Sumalangit Nawa ang kaluluwa ni Angel. Kapatid pala 'yon ni Dyuswa. Pero paano kung miyembro na naman ng sindikato ang babaeng iyon? Malalagay na naman sa peligro ang buhay ng bhebhe ko. At hinding-hindi koi yon papayagang mangyari ulit.

"Hindi pwede!" sigaw ko.

"Ano ang hindi pwede Miss Sandoval?" nakataas ang kilay na tanong ni mam.

"Ah, eh, hindi po pwedeng ipaghalo ang hydrogen at oxygen baka kasi magkaroon nang malakas na pagsabog," pilit ang ngiti kong palusot sa kanya.

"It seems that you are not in this room for a while Miss Sandoval. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo ngayon."

"Ahm, medyo masama kasi pakiramdam ko ngayon mam eh," pagdadahilan ko.

"Detention!" sigaw niya.

"Po?"

"You are the one to clean this room starting tomorrow afternoon until Friday."

"Pero mam..."

Itinaas niya ang kanyang kanang kamay tanda para tumahimik na ako. Urgh! Nakakainis talaga. Akala mo naman kung sinong maganda. Porke't memorize lang niya ang periodic table of elements! Natapos lang ang klase ngayong umaga subalit hindi man lang humupa ang inis ko kay mam. Dumiretso na lang ako ng canteen para kumain ng pananghalian. Pagkatapos kung um-order ng pagkain ay pumwesto na ako sa mesang malapit sa may pinto. Magsisimula na sana akong kumain nang may biglang naalala.

"Teka, bakit mag-isa lang ako ngayon?" tanong ko sa sarili. Kaagad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Flower. Cannot be reached daw sabi ng malanding operator. Nasaan naman kaya ang baklang iyon? Bakit kaya nakakainis ang araw na 'to? Siguro may magandang mangyayari mamaya. Yieeeeh. I kennet wait. Hihihi.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon