Kabanata 39- New World

9.9K 399 83
                                    

Halos isang linggo na simula nang matanggap akong model sa ASMA dahil sa tulong ni Kelly. Kaya naman laking pasasalamat ko sa kanya gano'n din kay miss Pia. Ganito pala ang feeling kapag nagmo-model ka. Sobrang nakaka-nerbiyos kapag rumarampa ka sa ramp lalo na kapag marami ang nanonood sa'yo.

Naisali kasi ako kahapon ni miss Pia sa isang fashion show. Debut ko raw iyon bilang New model ng agency. Buti at hindi ako natapilok sa sobrang taas ng heels na suot ko.

Hindi ko rin in-expect ang natanggap na balita. May isang clothing line ang lumapit sa AMSA para raw kumuha ng new models para sa ila-launch nilang bagong damit next week. At isa ako sa mga nakuhang mag-represent ng agency.

"Alam ko na na mangyayari ito eh. I am so proud of you Ayissha!" masayang sabi ni Kelly ng nasa condo na kami.

"Hindi talaga ako makapaniwala Kel."

"Well, maniwala ka na cos this is really happening right now. Nako, malayo pa ang mararating mo Ayissha."

Umupo ako sa couch habang siya naman ay nakaupo rin sa kabila at may hawak na libro.

"Thank you Kel."

"Nako ano ka ba. Wala 'yon. You deserve it!"

Napabuntong-hininga ako. Alam kong alam niya ang nangyari noon sa Punta Isla. At alam kong kaibigan niya rin si Michelle.

"Ahm, okay lang ba sa'yo na tinutulungan mo ako. Alam mo na. Magkaibigan kayo ni Michelle," nag-aalangan kong sabi sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Pareho kong kaibigan sina Michelle at Joshua, Ayissha. Nabigla lang ako noong una pero lately ay naintindihan ko rin. May hinala na rin ako na may something sa inyo ni Josh noon eh. Ang pagtitig niya sa'yo. Ibang-iba. Pero ipinagwalang-bahala ko lang 'yon kasi nga ipinakilala mo sa amin si Idrian as your boyfriend."

"Sorry talaga Kel. Hindi naman namin intensiyon na saktan si Michelle."

Tumayo siya at ngumiti. "You know what Ayissha, forget it okay? It's all in the past. Kung hindi tanggap ni Michelle, then it's her problem aanymore. Hindi niyo na problema ni Joshua 'yon."

Sinuklian ko siya ng isang ngiti. Ang swerte ko lang at nakilala ko si Kelly.

"Akala ko kasi galit ka rin sa akin eh."

"Of course not. Sa tingin mo tutulungan pa kita if I feel that towards you? I'm not hypocrite Ayissha. Kung galit ako, galit talaga ako."

Tumayo na rin ako. "Salamat ulit Kelly."

"Nakakasawa na 'yang pasasalamat mo ha. Ilibre mo na lang kaya ako."

"Sure! Ano bang gusto mo?"

Buti at malaki-laki ang talent fee na binibigay sa amin sa tuwing may photoshoot kami or fashion show.

"Night out tayo ngayon! Sa BGC!"

"Sige. Sige. Anong oras tayo pupunta ro'n?"

Bandang alas otso ng gabi nang makapasok kami sa isang sikat na bar sa BGC. Parang gusto ko nang yayaing umuwi si Kelly dahil siguradong ang mamahal ng mga inumin dito. Jusmeyo! Mamumulubi ako nito eh.

Wala na akong nagawa nang hinila na niya ako. Sumalubong sa amin ang party song na Where Them Girls At ni David Guetta at Nicki Minaj! Pasayaw-sayaw pa si Kelly habang naglalakad para maghanap nang mauupuan namin.

Nagpalinga-linga naman ako sa paligid. Ang sososyal nga ng mga tao rito. Alam kong sikat na city ang Campuestuhan sa buong bansa pero kapag nasa Maynila ka talaga, ibang-iba ang aura eh. Ang daming gwapo at magaganda rito! Nakakalula. Pamilyar ang iba sa akin dahil nakikita ko sila sa TV, sa magazine at sa internet.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon