Part 74

7.6K 264 10
                                    

Part 74

Hanggang sa pag uwi ko ng bahay ay naiisip ko pa rin kung kanino galing ang kwintas na suot ni Diane. Malaki talaga ang hinala ko na iyon ang kwintas na nakita ko sa kwarto ni Dyuswa eh. Pero bakit naman bibigyan ni Dyuswa ng kwintas si Diane? Di ba wala na sila? Di ba ako na ang girlfriend niya? Dapat ako ang bigyan niya ng gano'n eh. Monthsary pa naman namin ngayon.

Kakatok na sana ako ng kwarto ni Dyuswa nang bumukas ito. Bihis na bihis siya. Saan naman kaya ang punta niya? Gabi na ah.

"P-purita."

Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"Ah. May bibilhin lang sa labas."

May bibilhin lang sa labas tapos bihis na bihis? Daig pa niya ang lalaking makikipag-date eh.

"Samahan kita?"

"Hindi na."

Nabigla ako sa mabilis niyang sagot.

"I mean, ako na lang. Babalik din naman ako kaagad eh."

"Okay."

Bakit kaya siya nagkakaganito? Bakit parang nag iba na siya simula nang bumalik kami rito mula Iloilo?

Sinundan ko na lang siya ng tingin habang pababa siya ng hagdan. Ayaw ko naman siyang tanungin kasi baka ano pa ang sabihin niya. Pero hindi ba talaga niya naalala ang monthsary namin? O baka hindi uso sa kanya ang mag celebrate ng monthsary?

Bumalik na lang ako sa loob ng kwarto. Ilang sandali pa ay nag-text si Diane.
Sulitin mo na ang mga ilang araw mo d'yan. I'm sure mami-miss mo ang karangyaan na saglit na pinalasap sayo.

Wala na akong ganang makipagtalo pa sa kanya kaya hindi na ako nagreply. Ilang sandali pa ay tumunog ulit ang phone ko. Napatayo ako nang makitang si inay tumatawag.

"Inay?! Kamusta po kayo?? Miss ko na po..."

Hindi na ako nakapagpatuloy sa pagsasalita nang marinig ang pag-iyak ni inay sa kabilang linya.

"Inay? Bakit po kayo umiiyak?"

"Anak... ang itay mo..."

Biglang tumahip ang dibdib ko. Parang masama ang pakiramdam ko sa sinabi ni inay.

"Inay, ano pong nangyari kay itay?" kinakabahan kong tanong.

"Ang itay mo, nabugbog. Tapos ipinakulong siya," umiiyak na sabi ni inay kaya napaiyak na ako.

Hindi na ako nagdalawang isip na lumabas ng bahay. Kailangan kong makauwi sa amin. Hilam na sa luha ang aking mga mata nang makababa ako ng jeep. Dali-dali kong tinahak ang makitid na daan papasok sa bahay namin. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa amin at sinalubong ako ni inay ng yakap.

"Anak. Ang itay mo..."

"Inay sabihin niyo sa akin ang nangyari. Bakit nabugbog si itay at siya pa ang ikinulong?" naguguluhan kong tanong nang makapasok na kami ng bahay.

Matagal pa bago nakasagot si inay.

"Kasalanan ko ang lahat anak."

"Inay..."

"Hindi ko sinabi sayo na matagal nang alam ni itay mo ang totoo. At nang malaman niya iyon ay naglayas siya sa bahay."

Napatakip ako ng bibig sa narinig. Naramdaman ko na lang ulit ang pagdaloy ng aking mga luha.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon