Kabanata 17- Subconsciously

10.1K 342 111
                                    

Huminto ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng apartment na tinutuluyan ni Eileen. Ano na naman kayang nangyari sa kanila ni Mario?

Nako naman. Sa tagal-tagal na nilang magkarelasyon ngayon pa ba sila mag-aaway? Pumasok na ako sa loob ng apartment at kinatok ang pinto ng room ni Eileen.

Ito kapag umabot ng limang segundo ay hindi pa rin niya ako pinagbubuksan, baka masabi niya na lang "Wow!".

Buti naman at mga 4.5 seconds pa lang ay binuksan na niya ang pinto. Nagulat ako sa hitsura niya. Sobrang gulo ng mga buhok niya tapos namamaga pa ang mga mata. She's a total mess now.

Pumasok ako sa loob at sinarado na niya ang pinto. Ilang sandali pa ay humagulhol na naman siya kaya dinaluhan ko na.

"Ano bang nangyari?"

"Si Mario kasi...nakita kong may hinahalikang ibang babae."

"What!?"

Hindi ko ma-imagine. I mean, sobrang mahal na mahal ni Mario si Eileen eh. Bakit niya naman gagawin 'yon sa pinsan ko?

"Nahuli ko siya noong dumalaw ako sa set nila. Hindi niya alam na pupunta ako. Nakita kong nakakandong sa kanya 'yong babae, tapos..tapos...."

"Tapos?" pag-uulit ko sa huli niyang sinabi.

"Tapos..."

"Tang-ina Eileen ako ba binibitin mo? Masasampal talaga kita!" naji-jirits ko ng sabi.

"Tapos 'yong isa niyang kamay nasa boobs na ng babae at 'yong isa naman nasa legs," sabi niya at umiyak na naman.

"Hindi kaya namamalik-mata ka lang Eileen?"

"Purita naman eh!" pasingok-singok niyang sabi.

"Kasi..hindi ako makapaniwala na kayang gawin 'yon ni Mario eh. Patay na patay kaya 'yon sa'yo. Mahal na mahal ka no'n."

"Pero lalaki siya Purita. Malapit siya sa tukso kaya hindi siya nakapagpigil. Saka maganda iyong babae. Sexy pa. Huhuhuhu."

"Maganda ka naman Eileen eh."

Napatigil naman siya sa pag-iyak sa sinabi ko.

"Talaga?"

"Oh 'ayan ka na naman. Umaasa. Ang taas ng expectation. Kita mo ang ending, nasaktan ka lang."

Inis niyang binato sa akin ang isang rolyo ng tissue. Buti na lang talaga at isa akong Hokage kaya naman nasalo ko iyon agad. Umupo ako sa kama niya.

"Ano nang gagawin ko?"

"Nagkausap na ba kayo?"

"Hindi. Ayoko siyang makausap. Niloko niya ako Purita. Nagtaksil siya sa akin. Sa mga pangako niya na ako lang."

Nakaramdam ako ng awa sa pinsan ko. Paano ba naman kasi minsan na nga lang may nagkakagusto sa kanya tapos iyon pala lolokohin lang siya. Pero joke lang iyon. Hindi naman talaga pangit si Eileen eh. Cute rin siya. Charming. Sinasabi ko lang na pangit siya noon kasi naman inaagaw niya sa akin si ano...ay teka. Never mind.

Saka sa aming tatlo, pang-rank 3 lang siya pagdating sa mukha at pangangatawan. Aware naman siya roon. Tanggap niya iyon. Kasi kung hindi, ay itatakwil namin siya. Chos. Hay. Mga ganitong sitwasyon talaga ang pinaka-ayaw ko sa lahat eh.

Masyadong ma-drama.

"So iiwan mo na siya? Makikipaghiwalay ka na sa kanya?"

"Hindi ko talaga alam Purita. Hindi ko kayang mawala siya pero kapag naiisip ko ang ginawa niya, galit ba galit ako. Bakit niya ginawa iyon sa akin?"

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon