Kabanata 37- Closing Time

9.5K 386 108
                                    

“Every new beginning comes from some other beginning’s end.”

Mabilis akong lumabas ng bahay nila Dyuswa. Hindi ko alam kung worth it ba ang ginawa ko. Hindi ko man lang nakuha iyong matagal ko nang pinapangarap na kapatawaran galing sa kanila. Wala na ring kuwenta kung sasabihin ko sa kanila ang dahilan kung bakit ko ginawa ‘yon. Para ano pa hindi ba?

Ayokong isipin nila na nagpapaawa ako kapag sinabi ko pa. Saka kahit pa, mali pa rin talaga ang ginawa ko. What I did was good but that doesn’t mean it was right. Kahit saang anggulo tingnan, mali ang ginawa ko.

Habang nasa jeep ako ay bumalik sa isipan ko ang sinabi kanina ni tita Veronica. Na isasama niya sana ako sa States para puntahan si Dyuswa dahil nga naaksidente ito. At dahil din sa akin. Kung sinabi niya noon iyon sa akin, ano kaya ang gagawin ko? Siguro gano’n pa rin. Pipiliin ko pa rin si itay kahit mahal na mahal ko si Dyuswa. Pero mahihirapan ako syempre. Ikaw ba naman ang papipiliin kung sino sa dalawang taong mahal na mahal mo ang pipiliin mo. But then again, that didn’t happen. Naunahan ko ang pagkakataon. Hindi ko alam ang totoong nangyari kay Dyuswa kaya madali sa akin ang pagpili.
Pinigilan ko ang muling pag-iyak.

There’s no point in crying now.
Maybe, oras na rin para patawarin ko na talaga ang sarili ko sa mga naging maling desisyong nagawa ko noon. Ako lang din mismo ang naglagay sa kung ano mang sitwasyon mayroon ako ngayon. Walang kasalanan si Dyuswa rito. Kung tutuusin ay biktima siya. Ang kaibahan nga lang ay ako itong medyo nahirapan dahil sa mga desisyon ko.

Siguro oras na rin para lumayo na ako. Wala na akong dahilan para mag-stay pa  sa Campuestuhan. Aalis na ako roon dahil kapag hindi ko ginawa iyon, magkikita lang kami ni Dyuswa. At baka mag-away na naman sila ni Michelle dahil lang sa akin.

Mahal na mahal ko si Dyuswa pero hindi ko kayang sabihin sa kanya iyon nang harapan dahil bumabalik sa akin ang kagagahan kong ginawa. Ang pinagpalit ko siya sa pera. Iyon ang hindi ko kayang matanggap sa sarili ko. I’m not the right one for him. Dahil ang tunay na pagmamahal, hindi kailanman natutumbasan ng pera iyon.

Hahayaan ko siyang sumaya sa piling ni Michelle dahil alam kong iyon ang dapat. Iyon ang tama. Dahil kapag magkasama kaming dalawa, mahihirapan lang kami. Hindi kami sasaya ng lubusan dahil alam naming may masasaktan lang. At hindi ko na kayang makitang may masasaktan pa dahil sa kung anong pakiramdam ang namamagitan sa aming dalawa.
Pagkarating ko ng Campuestuha n ay dumiretso agad ako sa G Rubber Company.

Magpapaalam na ako kay Madam Gertrrudes. Hihingi na rin ako ng patawad sa kanya dahil hindi ako makaka-attend ng Awarding this week. Ibibigay ko na lang sa kanya ang ginawa kong presentation para sa promotional advertisement ng condom. Sinalubong agad ako ng mga parinig ng tatlong anak ni Zuma.

“Buhay pa pala siya. Ang tagal niyang hindi na nagre-report ha.”

“Palibhasa top employee kuno kaya lumalaki ang ulo.”

“Ulo lang naman ang lumalaki. Hindi ang utak.”

Nagtawanan pa ang tatlo pero saglit ko nang pinalampas iyon. May oras din kayong tatlo mamaya sa akin. Dumiretso ako sa office ni Madam Gertrudes. Nadatnan ko siyang may tinitingnan sa desktop niya. Tumikhim ako kaya napaangat siya ng tingin sa akin at kaagad siyang tumayo at ngumiti.

“Oh iha. May problema ba?”

“Madam, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Pumunta po ako rito para magpaalam.”

“Bakit? Saan ka pupunta? Lilipat ka na ba ng kompanya?” gulat niyang tanong sa akin.

“Hindi po Madam. Aalis na po ako rito sa Campuestuhan eh. Baka babalik na muna ako sa probinsiya namin sa Iloilo.”

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon