Kabanata 62

8.4K 299 113
                                    

The Last Layer

PURITA'S POV

Nadatnan ko si Eileen na nakahilata sa mahabang sofa kinahapunan. 

"Pagod na pagod ah?" nanunudyo kong sabi sa kanya. 

Iniangat niya ang kanyang ulo para tingnan ako.  "Sobra."

"Naka-ilang rounds ba kayo?"  natatawa kong sabi saka umupo sa katabing upuan. 

"Ang dumi ng utak mo. Anong ilang rounds pinagsasabi mo d'yan?"

"Joke lang.  Maka-react ka naman diyan akala mo papatulan ka ng Elliot na 'yon sa kama," patuloy ko pa ring pang-aasar.

Kaagad siyang tumayo at humarap sa akin.

"Excuse me!  Kahit gaano pa ka-gwapo iyon hindi pa rin ako makakapayag na ibigay sa kanya ang puri ko ano!" nakapameywang niyang sabi. 

"Kaya siguro iniwan ka ni Mario eh.  Hindi mo kasi ipinagkatiwala sa kanya ang puri mo," panggagatong ko. 

Inis niyang dinampot ang unan at binato iyon sa akin.  Buti na lang at maagap ako kaya nakaiwas ako. 

"Bakit? Iyon ba'ng mga babaeng ibinibigay ang virginity nila sa kanilang boyfriend ay hindi na iniiwanan?"

"Iyon nga 'yon.  Virgin man ang babae o hindi...kung hindi ka na niya mahal,  iiwanan ka pa rin," dagdag ko saka binato sa kanya ang unan.

Sapol sa kanyang mukha.  Inirapan lang niya ako at bumalik siya sa pagkakaupo.

"Nakita mo na ba ang anak ni Mario?" wala sa loob kong tanong.

"Sa picture,  oo.  Sa personal,  hindi pa.  Bakit?" nagtatakang tanong niya. 

"Medyo kahawig mo," natatawa kong sabi.

Nagtagpo ang kanyang mga kilay. "At ano ang ibig mong sabihin? Na ako ang pinaglihian nila?"

Umusod ako ng konti para maharap siya ng maayos. 

"Hindi kaya..." pambibitin ko.

"Hindi kaya ano?" apurado niyang tanong. 

"Hindi kaya ikaw ang ama?" sabi ko at humagalpak sa tawa.

Hinampas niya ako sa braso at umayos siya sa pagkakaupo.  Ilang sandali pa ay hinarap niya ako. 

"Hindi na ba kayo nagkakausap ni Joshua hanggang ngayon?" nag-aalangan niyang tanong. 

"Hindi."

"Bakit? Hindi niya pa ba alam ang totoo?"

Mapait akong ngumiti.  "Wala rin namang magbabago kung malalaman niya eh.  Masaya na siguro 'yon kay Michelle at sa baby nila."

"No, no.  Correction.  Anak lang ni Michelle.  Hindi ni Joshua," pagtatama niya sa akin. 

Napabuntong-hininga ako.  Kahit anong isipin ko na hindi nga niya anak iyon,  pero the fact na he chose her over me.  Sobrang sakit na no'n. 

"May plano ka bang kausapin siya someday? "

Someday.  Ewan ko ba pero I found that word hopeful.  Balang-araw. Balang-araw,  makakalimutan ko na rin ang sakit at hirap na dulot niya. Balang-araw, makakatingin din ako sa mga mata niya na wala ng espesyal na nararamdaman. 

That someday,  I will be good enough para huwag saktan.  Huwag iwanan.  Dahil kahit ganito lang ako,  deserve ko naman siguro ang lumigaya. 

Tinigilan ko na ang pag-iisip ng gano'n dahil nararamdaman ko na naman ang pag-iinit sa gilid ng aking mga mata. 

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon