Chapter 1

422 18 0
                                    

11: 53 pm.

Yes gabi na. Pero 'yung mga tao sa paligid ay parang walang pakialam sa oras. Ini-enjoy nila ang nakakabinging tugtog na nagmumula sa mga speakers na nakakalat lang sa buong paligid. At ang mga lalake't babae naman ay kung anu-anong pag-indak ang ginagawa makasabay lang sa EDM.

Bawat isa ay may kani-kanyang kasama, 'yung iba naman ay sinadyang mapag-isa para makahanap ng pwedeng maging bagong kaibigan o higit pa roon.

Tulad ng lalakeng ito. Kanina pa siya patingin-tingin sa paligid at nagbabakasakaling may maaninag na babaeng pwede siyang aliwin or siya ang mag-entertain kung kinakailangan and vice versa.

Sakto naman ay nakita niya ang isang magandang babae na nakaupo sa may ilang dipa na layo mula sa kanya. Kapansin-pansin kasi ang kagandahang taglay nito kaya mabilis na napako ang paningin niya rito.

Tinignan niya ng matagal ang babae at napatingin din ito sa kanya. Kinindatan niya ito at ngumiti naman ito sa kanya. Bingo! Mukhang may makakasama na naman siya sa condo niya ngayong gabi.

Liningon niya saglit ang counter para ibaba 'yung basong hawak niya at pupunta na sana sa kinaroroonan ng babae kaso laking gulat niya ng pagtingin niya ay nasa harapan niya na agad ito.

Woah ang bilis niya! Ang pagkakaalam niya ay aabutin muna ng mga limang segundo o higit pa para makalapit sa kanya pero itong babaeng ito ay napakabilis talaga.

"Hi!" Biglang bati nito sa kanya at tsaka umupo sa katapat ng upuan niya.

"H-hello. Kanina ka pa ba nandyan?" Tanong niya. Hindi niya kasi talaga lubos na maisip kung gaano ito kabilis na nakapunta sa tapat niya. Imposible talaga eh, dahil tantsa niya ay nasa dalawang segundo lang ang nagawa niya nung lingunin niya yung counter sa gilid niya. Tapos andito na agad siya?

"Hindi, kararating ko nga lang eh." Bulong nito sa kanyang tainga dahil masiyado ng malakas 'yung ingay sa paligid. Tapos ngumiti ulit siya. Ang ganda niya talaga lalo na kapag nakangiti kasi kahit medyo madilim ay lumalabas ang malalim na dimple nito.

About dun sa sinabi niya, baka nga hindi niya lang talaga napansin na nandito na siya sa harap. Tsk! Ang epekto talaga ng alak iba eh. Kung anu-ano na ang naiisip niya.

"Oh by the way, my name is Drix. And you are?" Sinabi niya yung pangalan niya at inilahad ang kamay dito.

"Blood." Sagot naman nito at inabot ang kamay niya.

"Blood? Nice name huh." Kumento niya pa habang mahinang tumatawa.

"No it's not my name. I just like blood." Sabi naman nito habang nakakagat-labi at nakipagtitigan sa mata niya.

Yung mga mata nito tila kakaiba. Parang makinang na kulay pula ang eyeballs nito. Ang gandang contact lenses naman ang suot ng isang 'to!

Hindi niya na naintindihan ang iba pa nitong mga pinagsasabi dahil para siyang inuutusan ng mga mata nito habang nakikipagtitigan rito. Iyong paggalaw ng mga labi niya, sobrang bagal na tila inaakit siya para halikan ito. Napalunok siya sapagkat parang bigla na lang nag-init ang pakiramdam niya ng ganun-ganon na lang and the next thing he knew was wala na sila sa club.

Wala siyang ideya kung paano sila nakarating sa labas. Actually hindi niya alam kung nasaan sila dahil madilim ang paligid at nakasandal na siya sa pader. Napapaungol na lang siya sa sobrang galing at sarap humalik ng babaeng ito. Parang expert. Hmmmm......Mukhang mag-eenjoy talaga siya ngayong gabi.

Linapit niya pa sa katawan niya 'yung katawan ng babae at hinalikan niya ito sa leeg. Grabe sobrang bango! Amoy pa lang ng pabango niya ay nakakapampabuhay na talaga ng kung ano mang tinatago niya sa pantalon niya.

Naramdaman niya na lang na sinisimulan na nitong i-unbotton ang mga botones ng shirt niya at c-in-aress ang dibdib niya. Parang may kinakapa o hinahanap na di niya maintindihan at nagstay ang kanang kamay nito sa kaliwang dibdib niya at kinurot-kurot ang balat sa bahaging 'yun. Ngumiti siya habang nakikipaghalikan sa mala-dyosang babaeng ito. Ang galing niya kasi eh. Iba. Mas wild yata ang isang ito kaysa sa ibang babae na nasubukan niya.

Ni-hindi niya nga alam ang pangalan ng babaeng kasama niya but, does it even matter? No. Names can wait except for his aching groin down there.

Ngayon niya lang masusubukan ang makipaglampungan sa isang madilim na lugar at walang kama pero mukhang magiging memorable naman ito dahil sa galing ng kasama niya.

Ilang segundo lang ay inalis na ng tuluyan ng babae niya ang suot niyang shirt at tinapon sa sahig. Huhubarin niya rin sana ang pang-itaas na suot niya pero pinigilan siya nito.

"Too fast." Bulong nito sa tainga niya at naramdaman niya yung mainit na hininga nito. Nakaka-turn on na talaga.

Lumuhod ito bigla sa harapan niya kaya 'yung ngiti niya ay mas lumaki pa sa naiisip niyang gagawin nito sa kanya. Napapikit siya sa sobrang pagkasatisfied sa ginagawa nitong paghalik sa kanyang tiyan ng dahan-dahan paakyat sa dibdib at sa leeg niya.

"Ah..." Napamoan pa siya nung kagatin nito ang balikat niya.

"That hurts?" Tanong nito at nagpatuloy pa rin sa paghalik sa leeg niya.

"No.......I......Actually liked it." Marahan niya pang pagkasabi.

"Well, how about this one?" Sabi nito at 'yung leeg naman niya yung malakas nitong kinagat sa kanya. Halos napasigaw naman siya sobrang sakit ng pagkabaon ng mga ngipin nito sa balat at laman niya.

"Wait.......Sto-stop it." Wika pa niya habang patuloy nitong kinakagat ang leeg niya at tila may sinisipsip nang dugo mula rito.

"Sorry not sorry....." Sabi pa ng babaeng ito at tumingin sa kanya. Nakita niya na puro dugo na ang bibig nito. Dugo na galing sa kanya. At yung mga mata talaga nito ay mas lalong naging kakaiba. Mas lalong naging matapang ang pagkapula.

"......cause I'm hungry." Dugtong pa nito at agad na kinagat ng mas malakas pa 'yung leeg niya kung kaya't naririnig niya na ang sariling niyang laman na parang kinakain na nito.

Pinilit niyang itulak ang babae pero masiyado siyang malakas kumpara sa kanya.

"Ahhhhh! Ta-tama na!" Sigaw niya dahil sobrang sakit na talaga at pakiramdam niya ay para siyang hinihiwa ng matatalim nitong mga ngipin.

Ano 'to? Anong klaseng babae ba 'to?

V-vampire?

Ilang saglit lang ay napahiga na siya sa sahig. Hindi niya na maramdaman kung ano pang ginagawa sa kanya ng babae dahil sa sobrang pagkahina niya. Naubusan na rin yata siya ng dugo. Pati ang paningin niya ay naapektuhan at lumabo na rin ito pero naaaninag niya pa rin 'yung babae.

This girl with an angelic face is actually an evil!

Nakita niya na lang na 'yung kamay nito ay nakabaon na sa kaliwang dibdib niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.






BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon