Chapter 25

114 8 0
                                    

"Ganyan ka ba magtrato ng mga bisita mo?" Hinila agad ni Coleen ang kamay niya para matanggal sa pagkakahawak ni Billy. Nagsalubong pa ang mga kilay niya sa ginawa ng lalakeng ito.

Hindi naman agad nakaimik si Billy at natulala lang sa nangyari. Naguguluhan na siya. Nalilito siya sa mga signals na pinaparating ni Coleen sa kanya; kung bakit hilig nitong pumunta sa kwarto niya tuwing dis-oras na ng gabi. At mas naguguluhan siya sa nararamdaman niya.

Ugh! Hindi niya na alam!

"Uy!"

Napaatras muli si Billy nung nakatayo na si Coleen sa harapan niya't tumingkayad pa ito dahilan para maging sobrang lapit na ng mga mukha nila.

Saglit siyang pumikit at mabilisang inalog ang ulo niya para mawala na 'yung nagpapagulo sa kanya.

"Ano na naman ba kasi ang ginagawa mo rito? Don't tell me makikitulog ka ulit?" Pag-iiba niya pa agad ng usapan at isang labas-dimple na ngiti naman ang itinugon ni Coleen sa kanya.

Damn! Mas lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti.......

"Paano kapag sinabi kong oo?" Mapanghamong tanong naman pabalik ni Coleen. Ramdam niya ang panginginig at malakas na kabog ng dibdib ni Billy na halatang may iba na itong nararamdaman para sa kanya.

Hmmmmm.....Nagugustuhan niya ang instinct niya.

Napabuntong hininga na lang si Billy. Gusto niya na talagang pauwiin si Coleen dahil baka tuluyan pa siyang maconfuse, ang kaso naman ay pagginawa niya 'yun, magmamatigas lang ang babaeng ito. Ayaw niya namang magpilitan pa silang dalawa at baka matapakan niya pa ang pride ni Coleen kaya bahala na.....

"Fine. Basta sasabihin natin sa Ate mo na nandito ka." Saad ni Billy at nung magdadial na sana siya ay bigla namang hinablot ni Coleen ang phone niya.

"What for? Didn't I told you na okay lang kahit 'di niya na malaman kung nasaan ako?" Sabi ni Coleen at inilapag niya ang phone ni Billy ng malayo rito.

"And speaking of, kung gusto mo talagang malaman ni Anne na nandito ako, eh bakit hindi mo man lang nabanggit sa kanya na galing na 'ko rito kaninang hapon?" Dugtong niya pa.

Maging si Billy ay nagtataka rin kung bakit nga ba hindi niya nasabi kay Anne ang tungkol dito? Para na tuloy siyang nagtatago na naman ng sikreto na hindi naman sana intensyon na gawin.

"K-kasi akala ko ikaw ang magsasabi. Gusto ko sa'yo mismo manggaling dahil ayaw kitang pangunahan. Tama, 'yun nga. 'Yun lang. Wala ng iba pa." Nakaisip siya ng magandang dahilan. Total ay may point naman ang nasabi niya eh.

Pagtawa naman ang naging reaction ni Coleen sa sinabi ni Billy sapagkat ang OA ng pagsagot nito with matching hand gestures pa. In short masyadong defensive.

"Whatever." Hindi na pinahaba pa ni Coleen ang usapan dahil para sa kanya ay hindi na kailangan. Sapat na 'yung malaman niya na kaya talagang maglihim ni Billy sa kapatid niya.

Strike one!

Prenteng umupo si Coleen pabalik sa kama at nagpatalbog-talbog pa na parang bata na namangha sa kinauupuan niya. At cute na cute naman si Billy sa ginagawa nito ngunit bago pa siya tuluyang maattach sa babaeng ito ay pinili niyang iwanan na muna ito.

"Oops teka. Saan ka naman pupunta?" Biglang tumayo si Coleen at hinawakan ang braso nito para pigilan itong umalis.

"Don't leave me here alone, please? Dito ka muna." Marahang sabi pa niya na parang nagbe-baby talk habang pinapakurap-kurap ang kanyang mga talukap na may mahahabang pilik-mata.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon