Pagkalipas ng dalawang araw ay naging maayos na rin ang pakiramdam ni Billy kaya na-discharge na rin siya't tuluyan nang nakauwi.
Kasalukuyan siyang naglalagi ngayon sa balkunahe ng kanyang silid habang nakatayo at nakamasid sa paligid. Malalim ang kanyang iniisip tungkol sa maraming bagay; ang tungkol sa kalagayan niya, ang paghahanda sa nalalapit nilang kasal ni Coleen, at idagdag pa ang biglaang pagpasa ng resignation letter ni Cassandra.
Haaay! Mukhang mawawalan na naman siya ng sekretarya.
Diretso ang tingin niya sa kawalan ngunit dahil sa pheriperal vission niya ay alam niyang napadpad ang kapatid niya sa kanyang kwarto.
"Sa tingin mo, masama ba 'kong amo?" Biglang tanong niya rito habang ang mga mata ay sa iba pa rin nakatutok. Sa ikalawang beses na pag-alis ng mga nagiging kalihim niya ay nagtataka na siya kung ano bang meron? Although hindi naman sinulat ng mga ito sa resignation letter nila na malupit siya, 'di niya pa rin niya maiwasang magtaka.
"Hindi naman. Kasi kung masama ka eh di sana hindi magtatagal 'yung mga tao natin dito 'di ba?" Nakangiting turan ni Kenneth habang salitang linilipat ang paningin sa kanyang Kuya at sa tinitignan nito.
Doon ay bahagyang napaisip si Billy na oo nga naman. Walang magtatiyagang pakisamahan siya kung hindi siya mabait.
Siguro nga ay mas importante pa ang mga plano ng mga naging sekretarya niya sa kani-kanilang mga pribadong buhay. Kailangan niya na talagang bitawan ang mga ito. Desisyon nila 'yun eh, ano'ng magagawa niya?
"Ba't mo naman natanong?" Pabalik na tanong naman ni Kenneth kahit pa may alam na siya na maaaring dahilan, subalit sa oras na ito ay gusto niyang malaman ang mga tumatakbo sa utak ng kanyang Kuya.
"Nothing." Maikling sagot ni Billy.
Tumango-tango si Kenneth upang opisyal nang tapusin ang nauna nilang usapan dahil siya naman ang mayroong bagay na gustong linawin.
"Um.......Kuya...."
Binaling na ni Billy ang paningin niya kay Kenneth.
"I overheard what you said to her about your condition-- that, that was just an ordinary fever..."
Madiing napalunok si Billy kahit pa 'di niya pa naman talaga naririnig ang punto nito.
"I'm just wondering, why'd you lie to her?" Seryosong nagbigay ng kanyang katanungan si Kenneth, na bigla namang nagpawala ng imik sa kanyang kasama.
Nanatili itong nakayuko sa kinatatayuan habang ang isipan ay bigla na lang ipinaalala ang mga simpleng salitang binitawan niya upang mapaniwala si Coleen na okay lang siya. Ang totoo ay hindi niya talaga alam. Hindi siya sigurado.
*Flashback*
Ilang oras bago makarating si Coleen sa loob ng kanyang silid sa ospital, nagising si Billy at ang una niyang nadatnan ay ang kanyang kapatid.
Tinanong niya ito kung ano ba ang totoong nangyari sa kanya't tsaka naman pumasok ang Doctor sa loob, saktong-sakto para ito na ang sumagot sa kanya.
"Your vital signs are quite normal at ganun din ang blood pressure. Kung titignan, dahil sa matinding pagod at stress ang nangyari kaya ka nawalan ng malay at bahagyang nilalagnat."
Parehas silang nakahinga ng maluwag nang marinig ang mga katagang iyon. At least, hindi ganun kalala.
"But based on the observation on your cells, your eukryotes to be exact, ang nucleus ay mabilis nagmu-multiply kasama ang iba pang cells sa katawan mo na hindi normal para sa isang tao. And may nakita rin akong kakaiba sa genetic code mo. May nakitang mDNA haplotypes at yDNA haplogroups na dapat ay wala sa katawan ng isang tao dahil DNA 'yun ng isang aso.... Something na ang hirap i-explain."
Sina Billy at Kenneth ay naiwang nakanganga sa pabayag ng Doctor na ito sapagkat hindi nila maintindihan ang mga pinagsasasabi nito.
"I'm sorry Doc, pero ano'ng sinasabi niyo? Ano ba talaga ang sakit ko?" Naguguluhang tanong ni Billy dito.
Hindi agad nakasagot ang kausap nila. Binaba nito ang hawak nitong cliff board at inayos ang suot nitong salamin. Sa ginagawa nito ay mas lalong kinakabahan si Billy na baka may malala na pala siyang sakit na hindi niya namamalayan.
"Hindi siya matatawag na rabies, yet we're still unsure about your real condition. Kailangan pa ng mga karagdagang tests para makasiguro tayo."
*Flashback*
Para humugot ng lakas at makapag-isip ng tama sa kanyang itutugon ay ipinasok ni Billy ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang shorts. Nakaramdam din siya ng kaba at pag-katok sa kanyang konsensya dahil sa maling nasabi niya noon kay Coleen. Kasinungalingan to be exact.
"Ayaw ko lang naman na mag-aalala siya." Pahayag niya at totoo ito. Hindi niya gusto na mag-aalala, mag-isip ng mag-isip, at magtanong pa ng magtanong si Coleen sa kalagayan niya dahil maging siya, walang malinaw na ideya.
"Okay. I get it. Pero ilang araw na lang kasal niyo na. Kailan mo balak sabihin sa kanya? 'Pag malala na?"
Hindi niya alam kung ano'ng meron pero hindi niya nagustuhan ang tono ng tanong ni Kenneth. Kaya sa puntong iyon ay bigla na lang nag-init ang ulo ni Billy at tuluyan ng tinitigan ang pagmumukha ng kanyang kapatid.
"Enough. I'm not asking for your opinions." Malamig subalit halatang may bahid ng pagkapikon na pagkakasaway niya rito na nakapagpatulala naman kay Kenneth.
Saglit siyang natigilan. Napagtanto niya na marahil ay may nalagpasan siyang linya sa mga pinagsasabi niya.
"Sorry." Bigkas niya nang hindi na nakatingin sa mukha ng kanyang Kuya dahil sa hiya na bumabalot sa kanya. May nasabi kasi siyang 'di nito nagustuhan.
Hindi na lang nagbitaw pa ng kahit na ano'ng salita si Billy, at sa halip ay tinapik niya na lang ang balikat ni Kenneth at mabilis na nag-umis.
"Matulog ka na." Saad niya at ilang segundo lang ay naglakad na papasok sa silid niya, patungo sa kinaroroonan ng pinto.
Agad na sumunod dito si Kenneth upang makapagpahinga na rin ang kanyang Kuya.
Pagkalabas ni Kenneth ay tulirong naupo si Billy sa kanyang kama. Ang sabi ng Doctor na tumingin sa kanya ay karagdagan pa ng maraming test at observations sa katawan niya. Tinanong niya ito kung gaano katagal ang obserbasyon na mangyayari subalit hindi ito nakasagot. Nababahala siya na baka sa sobrang tagal ng paglagi niya sa hospital ay maapektuhan noon ang nalalapit nilang kasal ni Coleen.
All was set though. Sadyang hindi niya gusto na magtagal pa sa lugar na iyon. Dahil paano na lang kung may mapatunayan ngang may kakaiba na sa katawan niya? Pag-aaralan din ba siya? Pag-e-eksperimentuhan? Tutusukan ng kung anu-ano'ng tubo at enjection tulad na lang ng naikwento ni Anne sa kanya?
Hindi niya 'yun gusto. Matapang siya, subalit ang ganoong pangyayari ay nakakatakot pa rin kung iisipin.
No. I'm normal.
Pilit niyang sinaksak sa utak niya na walang mali sa kanya; normal pa rin siya gaya ng dati......Na 'yung doctor na iyon ang may pagkakamali, hindi siya.
Gamit ang kanyang mga palad ay nilukot niya ang mukha niya. Sinubukan niyang burahin ang mga negatibong palagay na umuukupa sa isipan niya, at habang ginagawa niya 'yun, bigla siyang nagtaka sapagkat may nakapa siyang mga buhok sa mukha niya. Kung iisipin ay mga balbas lang iyon na tumubo na dahil sa nakaligtaan niya nang mag-shave. Pero kakaahit niya lang talaga kanina! Ang bilis naman yata magsitubo ng mga balbas at bigote niya na dapat ilang araw pa ulit bago magpakita ah?
Tumayo siya at nagtungo sa bathroom para muling asikasuhin ang mga bagay na nasa mukha niya.
[I said earlier na malapit nang mag-end ang story na 'to, pero nadagdagan pa kasi ng mga chapters eh 😂 Pero matatapos na talaga siya 😉]
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...