Chapter 85

71 4 0
                                    

Tahimik lang si Billy na nakikinig sa bawat salitang binibitawan ni Coleen sa likod ng pintuang pinanggalingan niya.

Ang kalungkutang nababatid niya sa mga paghikbi nito ay siya ring nagpapasikip ng kanyang dibdib. Mahirap para sa kanya na marinig man lang ang mga hinaing ni Coleen lalo na kung siya ang dahilan ng mga hinaing na iyon. Masakit malaman na naiiyak na lang ito sa sitwasyong pinagdadaanan nila.

Sa bawat pagtangis nito ay niyuyukop niya na ang kanyang mga palad hanggang sa tuluyan nang mamuti ang mga knuckles niya sa sobrang pagpiga rito. Gusto niyang lumingon at humakbang pabalik sa loob upang ipahid ang mga luha ng babaeng mahal niya't patahanin ito, subalit kasabay din noon ang ang pagnanais na sirain ang pintuan para saktan ang mga babaeng nasa loob.

Maging sa sandaling ito ay 'di niya pa rin alam kung bakit niya gustong saktan si Coleen, si Anne, kahit pa wala namang ginagawa ang mga ito sa kanya. Bakit?

Ilang saglit ay bigla niyang naalala ang sinabi ni Anne tungkol sa maaaring kundisyon niya; may nagbago na sa katawan niya na tinawag pa nitong Lycanthropy. Ano'ng ibig sabihin noon? Wolf siya?

Ang galit ay mas lalong namuo sa pag-iisip ng ganoong bagay kaya naman bago pa siya makagawa ng panibagong eksena ay tumakbo siya ng tumakbo palayo sa bahay ng mga Ravens. Dahil puno ng mga magugulong bagay ang utak niya'y 'di niya na napansin na ang pagtakbo niya ay sobra pa sa bilis na kayang gawin ng isang tao.

Ang sabi niya kanina ay uuwi muna siya, ngunit hindi ganun ang una niyang ginawa. Hindi na siya nagsayang pa ng oras at dumiretso na sa hospital na siyang pinanggalingan niya nung una siyang makaramdam ng kakaiba sa katawan niya.

Lahat na ng pwedeng i-test sa katawan niya ay pinagawa niya na para lang makasiguro, at nang sa gayon ay malaman niya kung ano ang dapat niyang gawin mapigilan lang ang pagbabago ng anyo niya. Mas better kung mawawala ito at babalik siya sa pagiging normal.

Nasa loob siya ng office ng doctor niya, nakaupo sa couch at ang utak ay kung anu-ano na ang iniisip sa paghihintay niya rito. 'Di niya alintana na pagod na ang buong katawan niya dahil wala pa talaga siyang tulog, ang mahalaga ay makita niya agad ang resulta.

Napagitla siya nung marinig niyang nagbukas na 'yung door knob at pumasok na ang lalakeng kanina niya pa hinahantay.

"Doc ano'ng resulta?" Tumayo siya agad at sinundan ang pag-upo nito sa upuan na may malaking mesang pumapagitan sa kanilang dalawa.

Binaba nito ang hawak nitong brown envelope sa table at bahagyang tinutok sa direksyon ni Billy, hudyat para abutin niya ito.

Dali-dali naman itong kinuha ni lalake at binasa ang nakasulat sa mga papel. Ngunit hindi naman siya expert sa pagbabasa ng mga medical result kaya naman ay wala rin siyang naintindihan sa mga nakalagay dito.

"I'm sorry Mr. Greyson, hindi talaga namin masiguro kung ano nga ba talaga ang sakit na mayroon ka. Ang mga bagay na sinabi mo sa'kin kanina ay hindi nagma-match sa sintomas ng kahit anong sakit na na-discover...."

Doon ay naabsorb na ni Billy ang sinabi ni Anne na baka nga naging taong-lobo na talaga siya. Pero hindi niya pa rin matanggap! Kahit kailan ay 'di niya ito tatanggapin!

".....Pero ang virus na nasa katawan mo ay kumalat na ng husto at 'di na kayang pigilan pa ng antibodies mo. Daig pa nito ang AIDS sa pagkain ng immune system mo at ang resulta ay unti-unti kang manghihina hanggang sa dapuan ka pa ng mas malalalang sakit. And......'pag hindi mo na makayanan ay pwede mo itong ikamatay."

Halos gumuho na ang buong mundo ni Billy nang marinig ang mga salitang iyon mula sa Doctor na kausap niya. Nagpantig ang mga tainga niya't bahagyang natuliro. Kasunod noon ang pagtalon ng utak niya sa mga susunod na mangyayari dahil na rin sa winika ng kanyang kausap........Pero hindi! Hindi niya maatim na mamatay na lang siya ng ganun-ganoon na lang. Marami pa siyang gustong gawin kasama ang kapatid niya at si Coleen kaya bawal siyang mawala agad. Ngayon pa na mayroon nang kumukumpleto ng buong pagkatao niya?

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon