Ilang oras na lang at lilitaw na naman ang araw ngunit hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa dinadalawan ng antok si Billy. Sa mga nangyari ba naman ay siguradong hindi talaga siya makakatulog.
Dahan dahan niyang inalis ang kumot sa walang balot niyang katawan at umupo sa gilid ng kama. Hinarap niya ang sahig at nagbuntong-hininga.
Liningon niya si Coleen na mahimbing na natutulog, at nung nakita niya ang mga braso, leeg, at mukha nito ay hindi niya mapigilang murahin ang sarili niya. Ang mga frustrations sa utak niya ay punong-puno na, at naiinis siya sa kanyang sarili dahil ngayon niya lang napansin ang ginawa niya sa babaeng ito.
Puno ito ng pasa at kalmot sa ilang bahagi ng katawan nito na walang ibang may gawa kundi siya. Akala niya ayos lang ang lahat sa ginagawa nila, ayun pala ay nasasaktan niya na ito ng 'di niya namamalayan. Trinaydor siya ng sarili niyang isip at ito, may nagawa na naman siyang hindi maganda.
Kinuha niya ang isang kamay ni Coleen at tinignan pa ito. Ang mahahabang sugat na nakaukit dito ang nagpapatunay na masakit 'yung ginawa niya, ngunit bakit hindi siya nito pinigilan gayong nasasaktan niya na pala ito? Bakit ba hindi man lang ito nagreklamo sa ginawa niya?
Sa nangyayaring ito ay mas lalo siyang nakokonsensya, mas lalo lang siyang nagalit sa sarili niya.
Nanlaki bigla ang mga mata niya nung mapansin niyang nagkaroon na naman ang mga braso niya ng mahahabang balahibo at pati na ang mga kuko niya, nag-iba na rin.
Binitawan niya agad si Coleen at lumayo. Napahawak rin siya bigla sa ulo niya nung makaramdam siya ng pagkahilo. Doon pa lang alam niya ng magbabago na naman ang behaviour at katawan niya.
.
.
.Nakailang ikot pang muli si Coleen sa paghiga bago siya tuluyang magising. At nung minulat niya na ang mga mata niya ay napabangon siya bigla nang mapansin niya na siya na lang ang nakahimlay sa malaking kamang kinaroroonan niya.
Hindi niya na maramdaman ang presensya ng lalakeng kasama niya kagabi sa buong silid kaya naman bumangon na siya at isa-isang pinagpupulot ang mga damit sa sahig. Nagmadali siyang suotin ang mga ito, matapos niyang magbihis ay ang phone niya naman ang inatupag niya.
Pagbukas niya rito ay biglang nagsalubong ang mga kilay niya nung mabasa niya ang pangalan ng lugar na laman ng mensaheng nagmula sa number ni Billy.
What about it? Tanong niya sa kanyang sarili at agad na tinawagan ang mobile nito, pero kasunod noon ang pagkainis nang hindi sinasagot ng mokong na 'to ang tawag niya. Ayan na naman siya..... Pinag-aalala na naman siya nito tulad kagabi. Sinubukan niya ulit, subalit sa pagkakataong ito ay narinig niya ang pagriring ng isa pang phone na nakapatong sa night stand. Cellphone iyon ni Billy na sinadya nitong iwanan matapos niyang mag-send ng text kay Coleen.
Ang mga negativities at pagtataka ay nagsisimula na namang bumulong sa kanya kaya naman pagkatapos niyang maisuot ang sapatos niya'y lumabas na siya sa kwarto papuntang living area. Baka sakaling nandoon lang lalakeng ito at marami pa itong dapat ipaliwanag sa kanya.
Pagkababa niya mula sa staircase ay si Kenneth ang una niyang nadatnan na kanina pa nakatutok ang mukha sa sarili nitong phone at paikot-ikot na rin na para bang hindi ito mapakali.
Napatingin ito sa kanya na bakas pa ang pagkagulat dahil hindi nito inaasahan na nandito pala siya sa kanilang bahay. Subalit hindi niya na itinanong pa kung ano'ng ginagawa ni Coleen dito.
"Si Kuya?" Bagkus ito ang una niyang nasambit. Naguguluhan kasi si Kenneth kung bakit nag-text ang kanyang kuya ng pangalan ng isang lugar na medyo malayo sa tahanan nila.
Hindi nakasagot si Coleen 'pagkat iyon din sana ang gusto niyang malaman mula rito; kung nasaan na ba si Billy?
Nung walang itinugon si Coleen ay bigla na lang napaupo si Kenneth sa couch na nasa likuran niya. Naging balisa na siya sa kabang bumabalot sa kanya.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...