Chapter 38

96 5 4
                                    

Kanina pa nagpaikot-ikot at nagpalipat-lipat ng pwesto si Billy ng paghiga pero hindi pa rin siya makatulog.

Inakala niya kasi na hindi niya seseryosohin 'yung nangyari sa kanila ni Coleen kanina, na wala lang 'yung paghahalikan nila at makakalimutan din niya iyon agad, ngunit hindi. Sa tuwing pipikit siya ay 'yung imahe ng mukha ni Coleen at pakiramdam ng mga labi nito na nakalapat sa kanya ang pumapasok sa isipan niya.

Iyong tila bahagyang paghinto ng sandali nung mga oras na 'yun, at ang pakiramdam na tama lang ang ginawa nila ay talaga namang binabagabag siya.

Hindi. Alam niyang 'di iyon tama at hindi dapat 'yun mangyari. Siya 'yung nasa maayos na pag-iisip kanina ngunit niya nagawang itulak man lang sana si Coleen palayo sa mukha niya, at maging siya ay nawala sa ulirat at hinalikan niya pa ito pabalik!

Dapat walang ibang ibig-sabihin 'yung ginawa ni Coleen dahil sa lasing ito, subalit para kay Billy mayroon, na hindi naman niya mawari kung ano. Lalo na sa mga sinabi nito gaya ng kinalimutan niya raw si Coleen. Sa bagay na iyon talaga siya pinakanaguguluhan. Idagdag pa ang mga nasabi ni Jonas at Kenneth na nag-uugnay sa kanya rito.

Sa totoo lang ang naganap kanina ay hindi talaga nakatulong sa mga gumugulo sa kanya nung mga nakaraang araw, nadagdagan lang ang mga suliranin sa isip niya. At isa pa, pakiramdam niya ay may mali siyang nagawa kay Anne sapagkat nagsisimula pa nga lang ang relasyon nila pero nakagawa agad siya ng hindi maganda, at sa kapatid pa mismo nito!

Ugh! Hindi niya na talaga alam ang gagawin o kung ano ang iisipin pa.

Bahala na!

For the nth time ay sinubukan muling makatulog ni Billy. Tumihaya siya at pumikit, hinayaan niya na lang ang utak niya na mag-isip ng mag-isip, siya lang naman ang mapapagod sa ginagawa niya, at kanina pa talaga siya pagod.

Nagising si Coleen na mabigat ang pakiramdam, hindi lang ng katawan pati na ang puso't isipan. Ngayon niya lang napagtanto na may ginawa na naman siyang katangahan kagabi.

Una na rito ang paglalasing niya na unang beses niya lang nagawa simula nung maisip niya na may epekto pala sa katulad nila ang alak, pangalawa ang mga sinabi't inakto niya sa harapan ni Billy na talaga namang pinagsisisihan niya kung bakit niya hinayaan ang sarili niya na magkaganoon. Dang! Nakakahiya!

At ang huli ay 'yung mga kadramahan na sinabi niya kay Anne..........Putcha hindi na talaga siya magpapakalasing pa. Ever!

Ang dami niya na ngang ginawang kalokohan, nadagdagan pa ng pagiging mahina niya kagabi.

"Arrgg! Bakit ba kasi ako nagkakaganito?!"

Kasalanan niya ba kung hindi niya napigilan ang sarili niya? Well, oo. Lahat na kasalanan niya. Buong buhay niya ay ngayon lang naranasan na mafrustrate ng todo. At sobrang nakakainis talaga dahil tila hindi niya na kilala ang kanyang sarili sa mga nangyayari sa kanya.

Bumangon si Coleen at sumandal sa headboard sabay hilot sa kanyang sintido. Literal na sakit ng ulo pala ang pwedeng maidulot ng paglaklak ng tatlong bote ng Tequila. Na hindi niya na talaga uulitin. Swear.

Ang pag-intindi niya sa masama niyang pakiramdam ay naantala nung marinig niya na bumukas ang pinto sa kanyang kwarto at nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat nung ilinuwa nito si Anne.

May dala itong tray na may isang baso ng gatas, chocolate chip cookies, at isang maliit na bowl na She-Crab-Soup ang laman na tanda niya pang inihahanda sa kanila ng Nanay nila noon.

Umirap ang mga mata niya sa mga ito lalo na sa may dala ng mga pagkain sapagkat ayan na naman si Anne; umaarte na parang ayos lang ang lahat sa kanilang dalawa at pinapakita ang mapag-alagang side nito. Na deep inside ay namiss talaga ni Coleen, ayaw niya lang aminin.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon