Chapter 77

100 7 0
                                    

Tumahan na rin si Coleen matapos niyang umiyak sa harapan ni Billy. Nang mahimasmasan ito ay pinaupo niya ito sa gilid ng kama habang inihahanda ang masusuot nitong damit na basically, puro mga damit niya talaga. Ipapahiram niya lang kagaya ng nakagawian na nilang gawin tuwing makikitulog ito sa lugar niya.

Nakatingin lang si Coleen kay Billy sa ginagawa nito kung saan 'di niya maiwasang magtaka kung bakit wala ito sa tabi niya kanina, subalit agad din niyang naisip ang maaaring dahilan. Marahil ay may inasikaso sa baba, o baka naman nagutom na kaya ngahanap ito ng makakain. Hindi na siya nagtanong. Ginamit niya na lang ang common sense niya.

Sa kakaikot-ikot nito sa harapan niya ay hindi rin malayong mapanood niya ito at doon nga ay may napansin siyang mga kalmot sa likuran ni Billy na halatang-halata sa suot nitong itim na sando.

Tinignan niya ang mga kamay niya at sinuri ito ng maigi. Kumunot  bigla ang noo niya sa bagay na narealize niya.

"Billy."

Agad na lumapit si Billy pagkarinig niya sa kanyang pangalan. Ang tingin niya ay nagtatanong kung bakit siya tinawag nito, subalit sapilitang pagtanggal sa suot niyang tank top ang nakuha niyang sagot.

Nagtataka man ay hinayaan niya pa ring gawin sa kanya ni Coleen 'yun.

"Bakit ba?" Mas lalo siyang naguluhan nung tila may tinitignan na ito sa likuran niya.

"Saan mo nakuha 'to?" Pabalik na tanong naman ni Coleen matapos niyang masuri ang mga mahahabang sugat na halatang galing talaga sa isang kalmot ng taong may mahahabang kuko na nakaimprenta sa ibaba ng balikat ni Billy.

Alam niyang hindi siya ang may gawa ng mga iyon sapagkat hindi naman matatalas ang mga kuko niya. At ang mga kalmot na ginawa niya sa likod ng lalakeng ito ay namumula lang, hindi nagiging sugat. Kaya nakaka-curious talaga.

Hmmmm......Sino'ng babae ang may gawa nito sa kanya?!

Saglit na natigilan si Billy sapagkat alam niya na ang tinutukoy ni Coleen at maging siya ay hindi pa rin mawari kung saan at paano niya nakuha iyon. Nang bigla na lang niyang nabanggit ito, 

"Cassandra...."

Nagsalubong na ang mga kilay ni Coleen sa narinig niya.

"Ano?! So nagkakalmutan din kayo. Ganun ba?" Galit na ang tono niya dahil hindi magandang imahe na ang nabubuo sa isipan niya sa simpleng pagsambit lang ni Billy sa pangalang iyon.

Pakiwari niya ay kung ano'ng ginagawa nilang dalawa ni Billy ay siya ring ginagawa ng lalakeng ito sa babaeng iyon habang nakatalikod siya. Ugh! Nakakapang-init ng dugo kahit wala talaga naman siya noon!

"Hmm? No. Hindi ganun....." Agad na pagsasalita naman ni Billy habang inaalala niya ang mga nangyari na kung ano bang meron at nawala na lang sa isipan niya. Alam niyang may iba ng tumatakbo sa utak ni Coleen sa sandaling ito kaya for the nth time ay sinubukan niya talagang balikan ang ginawa niya nung gabing iyon.

"L-last night I was on the parking lot. Yeah..."

Tahimik na nakinig si Coleen kahit pa nag-iinit na ang ulo niya.

"Pauwi na dapat ako noon eh tapos...... nasa tapat na ko ng kotse nung bigla kung napansin na nasa gilid ko lang pala si Cassandra. Then bigla niya 'kong hinawakan sa balikat tapos...."

Pagngisi naman ang unang naging reaction ni Coleen sapagkat 'di niya maintindihan kung ano bang kalokohan ang ginagawa ng lalakeng ito.

"Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Basta nagising na lang ako na nasa loob na ako ng kotse at wala na siya sa paningin ko."

"Tingin mo maniniwala ako dyan?"

"Why? Do you think I have the reason to lie?"

Si Coleen naman ang hindi nakaimik. Naisip niya na may punto ito; sa maayos na pagtibok ng puso ni Billy at sa seryoso nitong aura habang nagsasalita ay nakikita niya na tila nagsasabi nga ito ng totoo. Pero ano naman ang mayroon sa babaeng iyon para magkaroon ng ganitong sugat ang taong ito?

"Then how do you feel? May masakit ba sa'yo? Pinatingin mo na ba 'yan sa doctor?" Sunod-sunod na tanong niya dahil ang ganitong klase ng bagay ay hindi dapat binabalewala lalo na kung ginawa ng isang babaeng hindi naman nila lubos na kilala.

Baka mamaya niyan ay kung ano na pala ang ginawa ng babaeng iyon sa fiancè niya. Naku! Mapapatay niya talaga 'yung Cassandra na 'yun eh!

"Okay lang ako." Maikling tugon ni Billy. Ang iniintindi niya ngayon ay kung bakit tila dumadalas na yata ang pagiging makakalimutin niya? Nung una ay 'yung alaala niya kay Coleen at ngayon naman ay ito. Hindi ba't masyado pa siyang bata para makaranas ng mga ganitong sintomas na para lamang sa matatanda?

May Alzheimer's na ba siya o 'di kaya naman ay amnessia?

"Now maybe that's an enough reason to get rid of her. I told you so; girlfriend knows best."

Hindi na lang nakipagtalo pa si Billy sa inuutos sa kanya ni Coleen sapagkat kahit pa si Cassandra ang huli niyang nakasalamuha nung gabing iyon ay wala pa rin siyang sapat na katibayan para pagbintangan ito. At isa pa, ano naman kung may ganoon siyang klase ng scratch? Eh sugat lang naman iyon at gaya nga ng sinabi niya ay malayo 'yun sa bituka. Hindi 'yun nakakamatay.

Bago pa tuluyang makapasok ng sa kanyang opisina si Billy ay dumaan muna siya surveylance room upang tignan ang mga kuha ng CCTV nung nakaraang gabi. Kahit pa hindi naman talaga big deal para sa kanya ang nangyari noon ay naisip niya pa rin na wala naman sigurong masama kung gagawin niya iyon. Pagkakataon niya na rin ito para masuri ng maigi ang seguridad na pinapatakbo sa buong building.

Na-check niya na ang lahat ng videos at nasiguro niya naman na maayos ang lahat sa paligid niya. Subalit kasabay din nun ang kawalan ng kasagutan sa hinahanap niya dahil under maintenance pala ang ilang CCTV sa anggulong katapat niya nung mga oras na iyon kaya hindi niya rin nalaman ang totoo.

Marahil nagpapahiwatig na iyon na 'di niya talaga dapat pang intindihin ang tungkol doon--na dapat niya ng ituon ang atensyon niya sa mas mahalagang gawain at iyon ay ang trabaho.

.
.
.

Matapos niyang maisagawa ang pag-aaral sa mga folders na nakabinbin para sa kanyang pirma ay pabagsak na isinandal ni Billy ang kanyang likod sa sandalan ng swivel chair niya't pansamantalang tumingala upang pahupain ang pagkangalay ng kanyang batok.

Sa ganoong posisyon ay 'di niya naiwasang mapatingin sa kisame kung saan wala sa oras niyang pinanood ang kaisa-isang itim na langgam na naglalakad doon.

Bigla siyang napaumis sapagkat kitang-kita niya ang bawat detalye ng maliit, nitong pangangatawan magmula sa manipis nitong antena hanggang sa anim nitong mga paa. Namangha siya sa kanyang nakita pero bigla siyang nagtaka. Ang detalye ng isang maliit na langgam na ilang dipa pa ang layo sa kanya ay nakikita niya? Paano?

Kinusot niya ang kanyang mata upang alamin na baka may abnormality lang na nangyari dahil imposible ang ganoong klase ng kakayahan para sa isang normal na taong katulad niya, hindi ba? Ibinalik niya ang tingin niya sa taas at doon ay hindi na nahahagip ng mga mata niya ang kanyang nasilayan kanina. Bumalik na ito sa normal.

Ngunit ilang sandali lang ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Matinding pagkahilo na halos pakiramdam niya ay matutumba na siya sa kinauupuan niya. Bumilis din bigla ang tibok ng puso niya na malay niya ba kung bakit. Mahigit dalawang minuto na ang itinagal ng ganoong pakiramdam sa kanya kaya napagtanto niya na hindi na tama ito. May maling nangyayari.

Ilinapit niya ang kanyang sarili sa table upang pindutin ang intercom, subalit dahil sa sobrang pagkahilo ay hindi niya na maidilat ng maayos ang mga mata niya kaya sinubukan niya na lang kapain kung saan ba ito nakalagay.

"Please bring some me......" Hindi maituloy-tuloy ni Billy ang kanyang sasabihin sapagkat kung ang sama talaga ng pakiramdam niya na nararansan niya sa mga oras na ito.

"Sir?"

Hanggang sa hindi niya na nga nasubukan pang magsalita at bumagsak na ang ulo niya sa mesa. Nakatungo siya at wala ng malay.

"Sir? Are you still there?"



BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon