Chapter 23

105 6 4
                                    

Pumasok muli si Billy sa kanyang silid para tignan at yayain ulit na umuwi si Coleen sa sarili nitong bahay pero laking gulat niya nung hindi niya na ito makita sa buong paligid.

Kanina pa siya nakaupo sa couch sa living area at hindi naman niya napansin na lumabas ng kwarto si Coleen kaya saan na nagpunta 'yun?

Kaagad siyang tumakbo at bumaba ng hagdan para habulin sana kung hindi pa man ito nakakalayo.

Gaya kanina ay wala siyang nakita na naglalakad sa daan. Wala ito kahit saan. Linapitan niya ang guard na nagbabantay sa bahay nila at nagtanong.

"May napansin ba kayong babae na lumabas?"

Nagtaka naman ang guard sa sinabi ni Billy sapagkat ilang oras na niyang ginagala ang kanyang paningin pero wala naman siyang nakitang babae sa paligid.

"Ay sorry po Sir. Wala po eh."

"As in?" Tanong pa ulit ni Billy, baka may maala ito kapag nangulit pa siya.

Umiling lang ang bantay at tumango na lang si Billy.

Naglakad siya pabalik sa loob dala ang katanungan sa isip niya kung paano nakapasok at nakaalis si Coleen ng wala man lang nakakapansin dito? Bakit ganoon parang sunud-sunod ang kakaibang nangyayari rito? Nung una ay iyong bigla na lang itong nawala sa harapan niya ng hindi niya namamalayan, pagkatapos ay ito naman. Nagtataka na talaga siya sa nangyayari.

Tumayo agad si Anne nung makita niya si Coleen na nanggaling sa labas at halatang namumula na ang mukha nito sa init at pagkapagod.

"Oh ano'ng nangyari sa'yo?" Tanong niya rito pagkatapos niyang abutan ito ng tuwalya.
Hindi sumagot si Coleen, bagkus ay inuna niyang hubarin ang kagabi niya pang suot na jacket dahil init na init na talaga siya.

Napansin naman ni Anne na kung ano ang suot ng kapatid niya mula pa kahapon ay siyang suot parin nito hanggang ngayon.

"Tell me. Hindi ka ba umuwi kagabi?"

Natigilan si Coleen sa paglalakad at nilingon ito.

"Ano'ng gagawin mo kapag nalaman mong hindi nga?" Mapanghamon niyang tanong pabalik dito at naisip na hindi pala sinabi ni Billy sa kapatid niya na doon siya nakitulog.

"Saan ka natulog?"

Ngumiti siya rito at sinabing;

"Hulaan mo." Sabay talikod ulit para pumunta sa kwarto niya't maghanda sa pagpasok niya sa school.

Naiwan na naman si Anne na pilit sinasagot ang sarili niyang mga tanong. Wala na talaga siyang matinong sagot na nakukuha kay Coleen eh. Kaya naman ang utak niya ay napuno ng confusions sa kung ano'ng bagay na naman kaya ang sinisimulang gawin ng kapatid niya.

.
.
.

Kakaalis lang ni Coleen papunta sa school na pinapasukan niya at as usual ay naiwan na namang mag-isa si Anne. Good thing wala naman siyang nabalitaang kung ano'ng kababalaghang nangyayari sa school nito. Sana nga lang ay magtuloy-tuloy na.

Kasalukuyan siyang nagbabasa ng magazine nung narinig niyang may kumatok sa pinto niya.

Kumunot ang noo niya dahil hindi naman nasabi ni Billy na pupuntahan siya nito ngayon at wala naman siyang ibang inaasahang bisita.

Pagbukas niya ng pinto ay isang 'di pamilyar na lalake ang tumambad sa kanya.

"Hi." Bati nito sa kanya at ngiting nag-aalangan naman ang naibalik niya sapagkat 'di niya kilala ang isang 'to.

"Uh, I'm Tom. I'm Coleen's friend." Pagpapakila pa ni Tom sa kanya at pagkataka naman ang agad na pumasok sa isip ni Anne dahil wala naman sa lagay ng kapatid niya ang makipagkaibigan sa kahit na sino. Siya nga mismo at si Coleen ay hindi gaanong okay, kaya sino ang isang 'to?

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon