Chapter 52

105 5 4
                                    

Magkahawak ang mga kamay na naglakad ang dalawa patungo sa kotse ni Billy na saglit niyang iniwanan para lang masabayan sa paglalakad si Coleen kanina.

"Um...Hindi muna kita ihahatid pauwi ah?" Pagpapaala ni Billy pagka-assisst niya kay Coleen paupo sa passenger's seat.

"Okay. Hindi ko pa rin naman gustong umuwi eh." Saad naman nito matapos nitong maikabit ang seatbelt.

Malawak na pagngiti ang agad na pumaskil sa mukha ng lalakeng ito pagkarinig niya sa sagot ni Coleen. Inaasahan niya naman na na papayag ito sa alok niya, ang catch lang ay mas lalo siyang naexcite na makasama ito sa first official date nila ngayong gabi.

Linuwagan niya ang pagkakatali sa suot niyang necktie para mas maging kumportable ang kanyang pakiramdam, at mayamay lang ay tuluyan niya na itong tinanggal.

Napangisi si Coleen ng 'di oras sapagkat ang sexy ng dating ni Billy sa ganoong klase ng pagkilos. Nung inunbotton pa nito ang ilan nitong butones sa suot nitong white long sleve shirt ay mas lalo pa siyang naturn on sa kanya.

Hindi naman sinasadyang nakita ni Billy ang ginawang pagkagat ng mga labi ni Coleen habang nakatingin sa kanya, kaya bago pa siya kumilos at siya na mismo ang kumagat dito ay bahagya niyang ginulo ang nakalugay nitong buhok.

Sa ngayon mas gusto niyang masilayan ang cute na version slash pagiging bata ng babaeng 'to dahil kaunti na lang talaga ay mawawala na siya sa kanyang sarili't baka sa kwarto niya ito madala imbis na sa pupuntahan dapat nila.

"Ugh!" She groaned with her mad but still cute face. Naiinis talaga siya sa tuwing ginagawa 'yun ni Billy sa kanya. At 'di niya alam kung bakit trip nitong pagdiskitahan ang buhok niya. Hindi naman siya bata na dapat lagi na lang ganunin.

Pagtawa ang agad na naging reaction ni Billy sapagkat nakita niya ang gusto niyang makita sa girlfriend niya.

"Better." Saad niya pa at pinaandar na ang sasakyan.

Pag-irap ang tanging nagawa ni Coleen habang iniisip kung ano'ng ibig sabihin nung sinabi ng mokong na 'to.

Better for what? Mas bagay ba sa'kin ang mas magulo ang buhaghag ang buhok? Hmmm.....

Sa halip na pairalin ang inis, mas lalong pa tuloy nag-alab ang imahinasyon niya tungkol sa ganoong bagay. Naisip niya na marahil naaakit ang lalakeng 'to kapag ganoon ang itsura niya.
Ngunit hindi rin nagtagal ang ideyang iyon sa isip niya sapagkat parang ang chaka ng dating.

Heh! Maganda 'ko kahit ano pa ang maging ayos ng itsura ko.

At iyon lang, okay na siya. Mas mabuti ng ganoon ang isipin niya.

Biglang napatingin si Coleen kay Billy nung marinig niya na ang lakas na ng volume ng radio na kanina ay nakapatay lang.

"Tahimik kasi masyado eh." Pagdadahilan nito matapos masilayan ang nagtatanong niyang mukha at bahagya pa itong ngumisi.

Nag-hiss na lang si Coleen at tumingin sa daan na wala masyadong ibang sasakyan.

Mayamaya pa ay muling nabaling ang atensyon niya sa kanyang katabi nung sumasabay na ito sa kanta.

"Ganyan ka ba kabored?" Pangbabara niya at saglit pang natawa sa itsura ng kumag na 'to.

" Now I'm at the age when I know what I need, oh, whoa " Hindi naman nagpatinag si Billy sa sinabi niya't nagpatuloy pa sa pagkanta.

Nagpout si Coleen at hinayaan ang isang 'to sa kalokohan niya. Diyan siya masaya eh.

" Midnight memories, oh, oh, oh, oh.
Baby you and me
Stumbling in the street
Singing, singing, singing, singing "

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon