Pagkatapos ng trabaho ng tatlo sa palengke ay sabay-sabay naman na silang nananghalian. Napansin nina Vhong at JM na iba na ang aura ni Billy. Hindi na ito laging nakasimangot tulad nung mga nagdaang araw. At sa tingin pa nila may magandang nangyari rito simula pa nung umuwi ito sa pinagtrabahuan nito bilang isang hardenero hanggang sa ngayon.
"Mukhang masaya ka ah? Anong meron?" Tanong agad ni JM dito at ngumiti naman ng pagkalaki-laki si Billy.
"Wala." Palusot pa nito at isinubo ang kutsara na may lamang pagkain..
Ngumisi naman si Vhong sa naging reaksyon ni Billy.
"Nako, ganyan na ganyan din 'yung mga ngiti ko noon nung sinagot na 'ko ng nililigawan ko eh." - JM
Mas lalo pang lumawak ang mga ngiti ni Billy sa winika ni JM.
"Oh nasaan na siya ngayon?" Pagsingit agad ni Vhong.
"Ayun, liniligwan na ulit ng iba." - JM
Natawa ang dalawa sa sinabi ni JM, lalo na si Vhong.
"Aw! Wala talagang poreber." Pang-aasar pa nito habang tinatapik ang balikat ni JM at pagkatapos ay tumawa ulit ng malakas.
"Meron! 'Pag 'yun nakita ko sa dictionary ipupukpok ko talaga 'yun sa'yo." JM mocked.
Umirap na lang si Vhong at ibinaling ulit kay Billy ang usapan.
"Oh, ano nang nangyari sa trabaho mo? Mahirap ba? Eh 'yung amo mo? Mabait ba?" Sunod-sunod na tanong pa nito habang kumakain.
Mas lalo pang umaliwalas ang mukha ni Billy sa tanong na iyon dahil naaalala na naman niya ang pagtatagpo nilang dalawa ni Anne.
"Ayos naman. Oo, mukhang mabait naman 'yung amo ko." Sagot niya pa at lumipad na nga ang imahinasyon niya tungkol sa maaaring ginagawa ni Anne sa mga oras na ito.
Nasaan kaya siya ngayon? Kumain na kaya siya? Nakangiti rin ba siya sa mga oras na ito kagaya ng pagngiti ko dahil naiisip ko na naman siya? Iniisip niya rin kaya ako?
Nagkatinginan naman sina Vhong at JM at nagngitian ng may ibang dahilan sapagkat natatawa sila sa itsura ni Billy na nakatingin na naman sa kawalan at nakangiti ng mag-isa.
"Ehem......." Pasintabi pa ni JM dito.
"Hulaan ko, magandang babae 'yung amo mo kaya ka nagkakaganyan no?" - JM
"Na-love at first sight ka ba?" - Vhong
Umiling si Billy at idinaan na lang sa abot-langit na ngiti ang pang-aasar ng dalawa niyang kaibigan sa kanya.
•
Kanina pa nakatunganga si Anne sa harap ng closet niya dahil kanina niya parin iniisip ng mabuti kung ano ang isusuot niya pagdating ni Billy. Nais niyang maging presentable sa harapan nito kaya naman aligaga talaga siya sa paghahalungkat ng kanyang maisusuot.
Nung mapansin niya na nailabas niya na pala ang lahat ng laman ng kanyang closet ay bigla siyang natigil at naupo sa kama.
"Why am I doing this? Why am I acting so strange about him?"
She sighed.
Iba na ang nararamdaman niya. Hindi na lang pagka-crush 'to.
Crush? Wait, is that still appropriate for my age?
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...