Makalipas ang sandaling paglalaro sa playground ay biglang nakaramdam si Coleen na nagsisimula ng uminit ang paligid, palabas na ang kaninang nakatagong araw.
Kailangan niya ng sumilong bago pa siya tuluyang matusta sa labas ngunit nasa harap niya lang si Billy at may guard din sa malapit na nanonood sa kanila.
"Billy....." Tumayo siya habang sinusubukang tiisin ang init na pumapaso na sa balat niya.
Kung bakit ba naman kasi siya nakampante na hindi magpapakita ang araw eh!
Tumayo na rin si Billy at pag-aalala ang unang bumalot sa kanya nung makita niya si Coleen na namumula na ang balat sa mukha at buong braso.
"Bakit? Ano'ng nangyayari sa'yo? Okay ka lang?" Tanong niya pa.
Napahawak si Coleen sa balikat ni Billy at hapong-hapo na sa kanyang pagkahina. Kulang na lang ay ngumiwi siya't sumigaw sa sakit na nararamdaman sa pagtama ng mainit na sikat ng araw sa kanya.
Gusto niya na talagang tumakbo ng mabilis makatago lang sa init pero 'di niya magawa dahil nga maraming makakakita.
"Hindi ba halata na hindi?" Masungit na tanong niya pabalik dito at napasandal na siya ng tuluyan sa dibdib ni Billy. Agad naman siyang sinalo ng lalakeng ito kahit na nagulat siya sa tila pagkahimatay ni Coleen sa harapan niya.
Mas lalo pang nabahala si Billy nung mapansin niya na may parang maliliit na sugat ang namuo sa mga kamay ni Coleen at mistulang umuusok pa.
"Coleen? What's happening?"
Tumakbo ng mabilis si Jonas papunta sa dalawa nung makita niya ang kakaibang nangyari at binuksan niya rin ang hawak niyang payong.
Binuhat ni Billy si Coleen gamit ang kanyang mga bisig at dalidaling naglakad papasok sa bahay niya habang si Jonas naman ay nakaantabay para payungan ang dalawa.
Ilinapag ni Billy si Coleen sa couch at chineck niya ang kaninang namamagang mukha nito na ngayon ay unti-unti ng bumabalik sa dating maputlang kulay ng balat niya.
"T-tumawag ka ng ambulansya!" Natatarantang sabi ni Billy kay Jonas at mapaghahalataan sa tono ng boses at ekspresyon ng kanyang mukha ang sobrang pag-aalala niya kay Coleen.
"No!"
Palapit pa lang sana si Jonas sa kinalalagyan ng phone nung biglang nagsalita si Coleen at pilit na umupo ng maayos kahit na pakurap-kurap pa ang mga mata.
"Pero Coleen kailangan mong madala sa hospital. Baka naheatstroke ka na or kung ano pa man." Saad naman ni Billy at hinawakan niya ang braso ni Coleen ng nakaupo sa tabi nito.
Isinandal ni Coleen ang leeg niya sa sandalan ng sofa at pumikit sapagkat medyo nahihilo pa siya. Literal na nag-init ang buong bahagi ng ulo niya sa nangyari kanina.
"I'm fine. No need to go to hospital for medications." Sabi pa niya at tuluyan ng tumayo na nung magbalik na agad ang kanyang lakas.
Nagulat naman ang dalawang lalake lalo na si Billy dahil parang ang bilis naman yatang makarecover ni Coleen? Ilang minuto lang ang nakararaan ay hinang-hina pa ito, ngayon parang walang ibang nangyari.
Kinuha agad ni Billy ang kaliwang kamay ni Coleen para ipakita rito ang sugat nito at kumbinsihin ang babaeng ito na kailangan talaga niyang magpatingin sa specialist ngunit laking-gulat niya nung wala nang parang bakas ng pagkalapnos dito. Balik sa pagiging makinis ang mga balat nito.
Tinignan niya rin ang isa pang kamay pero wala talaga.
Hinigit ni Coleen ang mga kamay niya sa pagkakahawak ni Billy bago pa ito makapagtanong ng kung ano.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...