Chapter 70

127 4 2
                                    

Ilang oras pa bago lumubog ang araw at ilang oras pa rin ang kailangang hintayin ni Coleen para makalabas lang ng bahay.

Papasok na naman siya sa eskwelahan mayamaya lang at wala siyang ibang inaatupag sa mga oras na ito kundi ang tumunganga na naman matapos niyang pansamantalang tigilan ang pakikipag-usap kay Billy sa phone. Kailangan daw kasi muna nitong asikasuhin ang trabaho, kaya dulot ng kabagutan na nananalaytay sa katawan niya ay tumayo siya mula sa mahabang couch na kinauupuan niya. Marahang naglakad-lakad habang patingin-tingin sa kung saang sulok hanggang sa nakaakyat na pala siya sa ikalawang palapag nang hindi niya namamalayan.

Walang naitulong. Nabo-bore pa rin siya sa 'di niya malamang dahilan. Napapansin niya na nitong mga nagdaang buwan ay mas madalas na siyang makaramdam ng pagkabagot kapag walang ibang ginagawa at lalo na 'pag hindi niya kasama si Billy.

Kung bakit ba naman kasi kaipangan pang magtrabaho ng lalakeng 'yun eh?! Mayaman naman sila, maraming assets, sikat, kaya ano'ng problema? Bakit gusto pa nitong magpakapagod at magpaka-busy para lang kumita ng pera? As if naman na kapag huminto ito sa paghahanap-buhay ay maghihirap agad ito.

Siya nga mismo eh, buong buhay niya ay hindi niya naranasan na magtrabaho, paupo-upo at pa-easy-easy lang lagi, pero ni-minsan ay hindi niya naramdaman na naghihirap na sila. Dapat ganun din si Billy.....Ayan tuloy, kahit na kahapon lang ay magkasama pa sila, pakiramdam niya agad ay nawawalan na ito ng oras sa kanya.

At dahil nga sa wala sa ayos niyang pananaw sa sandaling ito ay muli niya na namang hinagilap ang cellphone niya para tawagan si Billy kahit pa busy-busy-han ito ngayon. Subalit nakapatay na ang phone nito, hudyat na may meeting yata itong iniintindi sa kasalukuyan.

Napabuntong hininga na lang siya sapagkat tila wala na siyang ibang mapagkaabalahan sa natitira niyang free time.

Nag-isip siya ng mabuti kung ano nga ba ang mayroon sa bahay na ito na pwede niyang puntahan at pagdiskitahan. Andiyan ang library, pero wala naman siyang hilig sa pagbabasa. Mayroong art room na pinaglalagyan ng mga paintings ni Anne, pero hindi naman siya nakaka-appreciate ng kahit na anong art kaya nonsense rin kung pupunta siya roon. At ang sarili niya namang kwarto ay nakakasawa ng balikan dahil kakagaling niya lang doon ilang minuto na ang nakalipas. Kaya ano na ang gagawin niya?

Aha! Nakaisip siya ng magandang ideya. Andiyan nga pala si Anne na pwedeng-pwede niyang istorbohin para mawala ang pagkaboryong niya. Kaya tila isang usok sa bilis nang siya'y maglaho mula sa kinatatayuan patungo sa silid nito.

Dahandahan niyang binuksan ang pinto at pasimple pang dumungaw upang masilip kung ano ba ang ginagawa ng kapatid niya, ngunit hindi niya ito nadatnan sa mismong silid nito.

But somehow, she felt stranged. Hindi niya mahagilap ang babaeng 'to gamit ang kanyang mata, subalit ang presensya niya ay ramdam na ramdam niya sa bawat sulok ng kwarto nito. Pero nasaan naman 'yun?

Sinilip niya na ang lahat ng pwede niyang tignan sa room nito subalit hindi niya pa rin ito mahagilap. Magmula sa bathroom hanggang sa ilalim ng kama. Ni-anino ng kanyang kapatid hindi niya matagpuan eh. Bilang si Coleen na 'di naman marunong maghintay at 'di sanay na magtiyaga sa paghahanap ay agad nang napagod at nagpasya ng lumabas na lang. Pinapahirapan niya lang ang sarili niya.

Subalit sa kalagitnaan ng paglalakad niya paalis ay bigla siyang nakarinig ng tila pagkikis-kisan ng mga metal na mabilis na nakapukaw sa kuryusidad niya.

Sinundan niya ang mahinang tunog na 'di niya alam kung saang bahagi ba nanggagaling hanggang sa matagpuan niya na lang ang sarili niya na nakadikit ang pisnge sa floral wallpapered wall, pinakinggan niya pa ng maigi ang ingay at sa paraang iyon ay nakasisiguro na siyang doon nga nanggagaling ang tunog. Tinitigan niya ang pader sa iba't sulok nito para alamin kung mayroon bang daanan dito dahil sa kanyang palagay ay may isa pang kwarto sa likod nito. At matapos ang sandaling pagsuri sa tila simpleng pader lang na nakatambad sa kanya ay nakakita siya ng kahina-hinalang guhit na kahugis ng pintuan. Ngumisi siya sapagkat tama ang hinala niya. May kung ano nga sa medyo boring na wall na iyon at hindi na siya makapaghintay na matuklasan kung ano ang mayroon.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon