Bago pa tuluyang magpahinga ay naisip muna ni Anne na silipin si Coleen sa kwarto nito ngunit nagtaka siya nung wala ito sa kanyang silid. Siguro ay maling pinto ang napasukan nito dahil hindi pa naman nito kabisado ang buong bahay at hindi nga siya nagkamali. Nakita niya ang kapatid niya na nakahiga sa kanyang kama at mahimbing na natutulog.
Para itong batang nakatulog sa maling higaan at napangiti pa siya sa naging itsura ni Coleen. Kahit na natutuwa siyang panoorin ang pagtulog nito ay hindi naman siya sanay na mayroong katabi kaya dahan dahan niya itong binuhat at tahimik itong ilinapag sa tamang higaan.
Umupo siya sa gilid ng kama at saglit pang pinanood ito.
Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito sa loob ng maraming taon at kung saan ba talaga ito nagpunta pero sigurado siyang hindi naging masaya si Coleen sa mga lugar na pinuntahan niya. Kilala niya ito, batid niya kung kailan ito huling naging masaya talaga. 'Yung totoong pagngiti, 'yung totoong tawa nito ay matagal niya ng hindi naririnig at nakikita. Hanggang ngayon ay naghihintay parin siya na mangyari iyon. Inayos niya ang kumot nito at hinalikan ito sa noo.
"Just let me be your Ate." Bulong niya pa at tsaka tuluyang umalis.
.
.
.Kinabukasan, habang nanonood si Anne ng balita sa TV ay kinabahan siya dahil may natagpuan na namang bangkay ng isang lalake na may kaparehong istilo ng pagpatay katulad ng sa iba pang mga napabalitang insidente kagaya noon at ang malala ay malapit lang sa lugar ng bahay niya ang pinangyarihan ng krimen. Isa lang ang kilala niyang pwedeng gumawa ng ganoong bagay.
Pinatay niya ang TV at hinilot ang kanyang noo dahil sumasakit ang ulo niya sa ginagawa ng kapatid niya.
"Good afternoon."
Speaking of......Bigla siyang napatingin kay Coleen na akala mo boss kung makaupo sa single-sized couch malapit sa kanya at kumakain ng gummy bears.
Ngumisi naman si Coleen ng hindi sinasadya dahil sa facial expression ni Anne sa kanya na parang galit na 'di niya maintindihan.
"What's with face, Anne?" Pang-aasar niya pa rito.
"Coleen ikaw ba ang may gawa noon?" Seryosong tanong naman ni Anne sa kanya at bahagyang nawala 'yung nakakalokong ngiti sa mukha niya.
"What?" Walang gana niya pang tanong pabalik dito.
Tumayo si Anne sa harapan nito.
"You know what I'm talking about." She said, firmly.
Coleen rolled her eyes.
"So what? Malandi sila, gutom ako. Ano'ng magagawa ko kung mahihina silang klase ng tao?" Sarkastikong niyang tanong dito na nakapagpanganga naman kay Anne. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
"Hindi mo kasi naiintindihan Coleen. Alam mo bang marami ng ginagawang hakbang ang mga pulis para lang mahuli ka? Paano kapag nalaman nila ang totoong pagkatao mo? Paano kung mangyari ulit sa atin 'yung nangyari noon?"
Napapikit na lang si Coleen sa mga narinig niya dahil naririndi na siya sa mga pinagsasabi ni Anne sa kanya.
"Hindi ka kasi nag-iingat."
"Tama na!" Tumayo siya.
"Alam mo bang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako nagpakita sa'yo ng maraming taon dahil alam kong papakialamanan mo lang ako sa mga ginagawa ko? Kung sesermonan mo lang din naman ako ay mabuti pang lumayo na lang ulit sa'yo." Galit niya pang sabi rito at tumalikod na.
"Wait!"
Bago pa tuluyang makaalis ay hinarangan na kaagad siya ni Anne sa kanyang daraanan.
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin . Ang gusto ko lang naman sabihin ay------"
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...