Nang mabalitaan ang nangyari kay Billy, agad na nagmadaling pumunta si Coleen sa ospital. Sa pag-aalala pa kung ano na ba ang lagay nito ay ginamit niya na naman ang kakayahan niya sa mabilis na pagtakbo kung saan wala man lang nakapansin sa kanyang presensya.
Well who cares? Ang mahalaga ay matunton niya ang silid na kinaroroonan ng taong ito.
Parehong nabigla at naalintana sina Billy at Kenneth sa kanilang pag-uusap nang bigla na lang sumulpot si Coleen mula sa kung saan.
Bahagyang natulala si Kenneth sapagkat 'yung mga gamit sa paligid ay nagsipagtumbahan na sa lakas ng hangin na dulot ng pagdating ni Coleen. Hay naku! Hanggang ngayon talaga ay 'di pa rin siya sanay na may kakaiba sa babaeng 'to. Nagugulat pa rin siya eh.
Samantalang si Billy naman ay nakatitig lang sa finaceè niya habang papalapit na ito sa kanya. Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya agad nito.
Sinalubong siya ni Coleen ng isang matamis at madiing halik na nakapagpawala na ng mga agam-agam sa isip niya.
Ang kanina'y na-starstruck niyang mukha ay napalitan na pagkaaliwalas at pagngiti.
"How are you?" Bakas ang pag-aalala sa tono at expression ng mukha nito, sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay bigla siyang natawa.
Nagsalubong tuloy ang mga kilay ni Coleen.
"Tatawa-tawa ka pa dyan?" Ang kanina'y puno ng buhay na aura ng babaeng ito ay bigla nang napalitan ng pagiging malamig ng kanyang pananalita't wala na ring expression ang kanyang mukha dahil ginawa ni Billy. Poker face na kumbaga.
Minsan na nga lang niya maipakita ang pagiging maaalalahanin niya 'di ba? Tapos ganito pa? Tsk!
And there he was triggered. Agad na tumigil sa pagngisi si Billy at dinaan sa pag-umis ang kumento ni Coleen.
"Sorry....... Nakakapanibago lang naman kasi na nagpapakita ka ng care para sa'kin." Saad niya pa.
Ngunit imbis na mawala ang namumuong inis ni Coleen para kay Billy ay mas lalo lang itong nadagdagan sa dahilan ng mokong na 'to.
"So nakakatawa pala 'pag ganun ako? Fine. Aalis na 'ko. From now on isipin mo ng wala na 'kong pake sa'yo." Nakaka-inis naman kasi talaga. Siya rin naman ay naninibago sa ginagawa niya eh, sa totoo lang. Mahalaga si Billy para sa kanya kaya siya umaakto ng ganito, pero ang kapalit ay pagtatawanan lang siya? Nasaan ang hustisya?
Kaya naisip niyang lumabas na lang bago pa siya may masabing kung ano. Subalit walang silbi ang pagiging mabilis niya sa bilis naman ng lalakeng ito na hablutin ang kamay niya't pigilan siyang makahakbang man lang.
"I said I'm sorry. Okay? I know it wasn't right and I apologize for that. Just please.......Stay." He sounded like he was begging for her presence, but he really meant it though.
She didn't respond nor making any move after he apologized. Dahil doon ay pinagagalitan na ni Billy ang sarili niya sapagkat may nagawa na naman siya. Phew!!! Nakalimutan niya na madali nga palang mainis ang girlfriend niya.
"Come on. Hindi ko na uulitin. Just don't leave." Habang hawak pa ang kamay nito ay dahan dahan niyang hinila si Coleen palapit sa gilid niya. Kung wala lang swero sa kamay niya ay sa malamang kanina pa siya tumayo sa maliit na kamang kinahihigaan niya eh!
Napabuntong-hininga na lang si Coleen sa pinagsasasabi ng lalakeng 'to; naiinis siya sa tuwing nakakarinig siya ng mga bagay na masakit sa tainga, subalit mas naiinis siya sa sarili niya dahil ang bilis nang lumamig ng mainitin niyang ulo. Sa madaling salita ay hindi na siya maka-hindi kay Billy!
Ugh! It hurted her ego.
"Ano ba kasing nangyari sa'yo?" Mapag-aala sa loob ngunit masungit ang tono sa labas na tanong niya rito. Mabilis niyang iniba ang usapan upang matakpan na ang walang kwenta nilang topic kanina.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...