Tatlong araw ang nagdaan kung saan tatlong gabi rin na hindi nagpakita si Billy sa magkapatid na talaga namang nagpalungkot ng matindi kay Anne.
She saw it coming though, alam niya ng mangyayari ito nung una pa lang; na kapag natuklasan ni Billy ang sikreto niya ay tsak na lalayuan siya nito. At nangyari na nga. Handa naman na siya sa ganitong sitwasyon pero 'yung mararamdan niya ay 'di niya napaghandaan dahil ang hirap lang tanggapin na 'yung nakasanayan niyang makita ay wala ng balak pang makita siya.
Hindi naman naging sila, at wala rin itong pinangako na pwede niyang panghawakan kung sakali mang may mangyayaring kung ano, kaya kahit na malalim na talaga ang pagtingin niya para kay Billy ay wala siyang ibang magawa kundi ang magmukmok sa isang tabi.
Matapos ang gabing iyon ay ilang araw na namang hindi lumabas si Anne mula sa kwarto nito na nagparamdam naman kay Coleen ng paninibago sa nangyayari.
Ito naman ang gusto niya eh, 'yung matigil na ang kapatid niya sa kahibangan sa lalakeng iyon ngunit may parte sa kanya na nalulungkot para rito na hindi niya maintindihan kung bakit.
Tila ang sinisigaw ng loob niya ay may kasalanan siya sa pinagdadaanan nito na pilit namang linalabanan ng kanyang isipan.
Kung nahihirapan man siya ngayon, kasalanan niya 'yun.
Tama. Kung nung una pa lang kasi ay nakinig na ito sa kanya edi sana walang nagmumukmok ngayon na parang namatayan. Ang drama kasi masyado eh!
Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Coleen para lumabas at magliwaliw ngunit nung nakalabas na siya't nakatayo na malapit sa garden ay isang matinding kalungkutan ang sumalubong sa kanya.
Ang pinakahihintay niyang sandali na hindi na makita pang muli ang pagmumukha ni Billy ay dumating na, pero iba ang nararamdaman niya. Dapat nga masaya siya eh subalit hindi niya magawang magdiwang.
Ilang araw na ring magulo ang isip niya nang dahil kay Billy at nalilito na rin talaga siya sa kung anong nangyayari sa kanya.
Noon naiinis siya kapag nakikita niya ito, ngayon naiinis siya sa kanyang sarili sapagkat gusto niya itong makita......... Iyong lalakeng 'yun, he drives me nuts!
Nang dahil sa palagi siyang kinukulit ng isip at damdamin niya tungkol kay Billy ay palihim siyang nagtungo na naman sa tinitirahan nito.
Kasalukuyang nakatanaw si Billy sa kawalan at nagpapahangin habang may hawak na basong may lamang alak. Ganito ang lagi niyang ganap nitong mga nagdaang gabi sapagkat sa ganoong paraan lang siya nakakapagrelax at nakakapag-isip ng medyo maayos.
Gusto man niyang humingi ng payo o may kausapin man lang tungkol sa problema niya ay hindi niya naman magawa.
Sino naman kasi ang matinong makikinig at maniniwala sa mga sasabihin niya eh siya nga mismo ay hindi parin makapaniwala. So paano? Nahihirapan na siya sa dinadala niya at hindi niya na batid pa ang gagawin, kaya nga dinadaan niya na lang sa simpleng pag-inom eh.
Pagkababa niya sa basong hawak niya ay halos maibuga niya naman ang nasa kanyang bibig sa sobrang pagkagulat nung makita niya si Coleen na bigla na lang sumulpot mula sa kalangitan at lumapag sa balcony.
"N-nakakalipad ka?"
Tumawa naman si Coleen sa pang-tangang tanong at sa nanlaking mga mata ng lalakeng ito.
"Jumping is different from flying, silly." Saad niya at sumandal sa railings na kanina lang ay pinagpapatungan ng mga kamay ni Billy.
Tila may kakaibang nangyari naman kay Billy dahil ang mabigat niyang bagahe sa kanyang saloobin ay parang bigla na lang gumaan, at ang kanyang isipan ay maayos pa kahit na medyo nakainom na siya.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...