Sa lahat ng naganap at nagawa ni Coleen, ngayon lang muling gumaan ang pakiramdam niya. Sapagkat matapos ang ilang araw na 'di pagkikibuan at coldwar sa pagitan nilang dalawa ni Anne ay natapos na rin.
Balik sa dati na parang walang nangyari, walang akwardness o kung ano pa man. Tinuturing niyang isang magandang araw ang araw na ito dahil sa nangyari kanina.
Hindi katulad nung mga normal na klase ay ganado siyang pumasok ngayong gabi, at lumabas ng silid-aralan na may ngiti sa kanyang mukha. Idagdag pa sa kasiyahan niya ang hindi na pangungulit sa kanya ni Kenneth ngayon. Actually, nung isang lingo pa talaga siya pinatahimik ng lalakeng iyon ngunit ngayon niya lang nadama at naappreciate.
Masasabi niya na mas maayos na ang nararamdaman niya ngayon at sana wala nang manira noon.
Marahan niyang binaybay ang daan para makauwi na't makapagpalit ng damit sa gagawin niyang pagagala na naman mamayang hating-gabi. Nagkaayos lang sila ng kapatid niya pero walang makakapigil sa kanya na mambiktima, kung mayroon mang hindi magbabago, 'yun iyon.
"Coleen."
Ang maayos niya na sanang gabi ay tila bigla namang nasira sa pagsunod ni Billy sa kanya sa paglalakad habang ito naman nakasakay sa nakatiklop na bubong ng kotse nito.
"Ano'ng kailangan mo? Wala si Anne rito kaya umalis ka na." Pagsusungit ni Coleen dito at nagpatuloy lang sa paglalakad, akala niya ay titigil na sa pagsunod sa kanya si Billy, pero nagkamali siya.
"Hindi naman si Anne ang ipinunta ko rito eh. Ikaw."
Napairap si Coleen sa sinabi nito, ngunit sa kaloob-looban niya ay gusto niya ng maniwala sa tinuran ni Billy; na sinadya raw siyang puntahan dito ng lalakeng ito. Subalit hindi siya pwedeng magpatangay ulit sa sinasabi nito, lalo na ngayong bati na sila ni Anne at ayaw niya ng magkairingan sila ulit dahil lang kay Billy.
"Pwede ba? Stop following me! Meron naman akong IG at Twitter, doon mo 'ko i-follow, huwag dito." Umatake tuloy ang pagiging sarkastiko ni Coleen ng wala sa oras.
Ang hina talaga nito eh, hindi na nga siya tumugon sa sinabi nito para tigilan na siya, pero 'di pa rin huminto si Billy na parang aso na pagsunod sa kanya.
Tuluyan ng bumaba si Billy sa kanyang sasakyan at hinarang ang sarili niya sa daraanan nito.
"Gusto lang naman sana kitang makausap."
"Ano ba'ng dapat nating pag-usapan? Aber?" Wala sa mood na tanong ni Coleen nang nakatiklop pa ang mga braso sa ibaba na kanyang dibdib. Baka sakaling magets na ni Billy na hindi siya intersadong pakinggan ang sasabihin nito.
Imbis na madown ay ngiting malapad ang isinagot ni Billy kay Coleen na ikinakunot na ng kanyang noo. Minsan na siyang nagoyo ng mga ngiting iyon at mukhang naloloko siyang muli nito.
"Sakay. Sa ibang lugar natin pag-usapan." Binuksan ni Billy ang pinto malapit kay Coleen na isinara naman bigla ng babaeng ito.
"Hoy lalake! Akala ko ba mag-uusap lang? Eh bakit kailangan ko pang sumama sa'yo?"
Ano'ng akala ng isang 'to? Madali siyang mapapasama nito ng ganun-ganoon na lang? Hah! In his face!
Hindi naman nagpatinag si Billy sa pagiging masungit ni Coleen sa kanya, sanay na siya eh. Muli niyang binuksan ang pinto sa passenger's seat at sapilitan itong pinapasok sa kanyang kotse.
"The heck! Ano ba'ng trip mo?!" She hissed.
Si Billy na mismo ang nagkabit ng seatbelt kay Coleen para hindi na ito makaalis kahit na nagpupumiglas ang babaeng ito.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...