Chapter 21

108 9 3
                                    

Ilang araw ang lumipas at nasabi na rin sa buong klase ang nangyaring pagkamatay ni Joseph Marco at ang lahat ay tila nakaramdam ng lungkot bilang pakikiramay sa pagkawala ng isa nilang classmate. Maliban kay Coleen na busy kakascroll sa cellphone niya. Bakit naman niya gagayahin ang kaplastikang pinapakita ng mga taong nasa paligid niya kung siya naman ang may gawa sa pagkawala ng lalakeng iyon? Tahimik pa siyang ngumisi sa mga narinig niya.

Saglit siyang natigilan nung mapansin niya na kanina pa may nakatitig sa kanya.

Tumingin siya sa gilid niya sa kaliwang banda at agad na umiwas ng tingin ang lalakeng kanina pa siya ninanakawan ng sulyap.

Umirap siya at napasirit bigla dahil nawala na nga 'yung isang maniac pero parang napalitan din naman kaagad.

Pagkatapos ng ilang oras niyang pagtitiis na pumasok sa iba't ibang classroom ay dumating na ang pinakahihintay niya; ang oras ng pag-uwi.

Naglalakad na siya palabas nang mai-spot-an niya si Billy na nakaupo sa isang kulay itim na sports scar at tila may  inaabangang kung sino. Kumunot agad ang noo niya at linapitan niya ito.

"Sinusundan mo ba 'ko?" Mataray niyang tanong dito ng nakacross-arms pa.

Nagulat naman si Billy dahil hindi niya inaasahang makita si Coleen at napatayo siya bigla pagkalapit nito sa kanya.

"Coleen......" Gulat niyang bigkas dito at tinignan ito mula ulo hanggang paa. 'Yung suot nitong uniform ay kaparehas ng uniform na suot ng iba pang estudyanteng galing sa loob.

Tumaas naman ang isang kilay ni Coleen sa hindi niya maipaliwanag na facial expression ng lalakeng ito.

"Dyan ka nag-aaral?" Hindi makapaniwalang tanong pa ni Billy dito dahil sa iisang academy lang pala si Coleen at ang kapatid niya pumapasok.

Ngumisi maman si Coleen sa narinig niya at seryosong tumitig dito.

"Seriously? Susundan-sundan mo 'ko rito tapos itatanong mo sa'kin kung dito ako nag-aaral?"

Halos matawa naman si Billy sa tinuran sa kanya ni Coleen. Medyo may pagkafeelingera pala ang isang ito.

Umupo siya sa ulit sa ibabaw ng kotse niya at siya naman ang nag-smirk dito na mas lalo pang ikinasalubong ng mga kilay ni Coleen.

"Sino bang may sabi sa'yo na sinusundan kita?"

Napa-sigh si Coleen sa sinabing palusot ni  Billy. Kung hindi siya sinusundan nito ay ano'ng ginagawa ng isang 'to rito?

"Kuya?"

Biglang napatingin ang dalawa sa kung sino mang nag-interrupt sa kanila at mas lalo pang nahiwagaan si Coleen dahil ang lalakeng kanina pa ang tingin ng tingin sa kanya ay nakatayo na sa harap niya. Binaling niya ang tingin niya kay Billy at binalik muli ang mga mata sa isa pang lalake.

Kuya?

"Kuya ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ni Kenneth kay Billy at tsaka niya lang napansin na ang babaeng next subject niya ay kaharap niya na lang.

"Tinignan ko lang kung pumasok ka ba talaga."

Napakagat naman bigla si Coleen sa labi niya sa hiya sa narinig niya. Inakala niya kasi na ini-stalk na siya ni Billy. Pero mukhang mali yata ang inisip niya.

"Kuya naman......" Nakayukong saad ni Kenneth sapagkat pakiramdam niya ay napahiya siya sa harap ni Coleen sa sinabi sa kanya ng kapatid niya.

Ngumiti si Billy nung malaman niya na sinunod ni Kenneth ang sinabi niya, at least ay tinigilan muna nito ang pagpapasaway. Sana nga lang ay magtuloy-tuloy na.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon