Magkahawak ang kanilang mga kamay at nakahilig ang katawan ni Coleen sa braso ni Billy habang tahimik nilang binabaybay ang daan na tila kagaya lang ng dati. Na parang walang nangyari at balik na sa normal ang lahat.
Back in each other's arms kumbaga.
Kasalukuyan ng nakasakay ang dalawa sa dalang kotse ni lalake nang mapansin ni Coleen na tila may mga patak-patak na ng tubig na bumabagsak sa wind shield ng kotse.
"Umuulan?" Excited na tanong niya pa kahit obvious naman habang patingin-tingin sa paligid.
Billy chuckled.
"Yea."
"Ihinto mo."
Kumunot ang noo ni Billy sa narinig niya at saglit itong tinignan.
"Bakit naman? Mas maganda kung makakarating na tayo agad sa inyo kasi baka ma-stranded pa tayo sa baha 'pag nagkataon." Paliwanag niya pa rito, subalit ang masayang mukha nito ay bigla na lang nawala sa sinabi niya.
Saglit siyang umiling sa pagiging childish na naman nito at kalaunan ay itinabi na sa gilid ang kanyang sasakyan.
"Bakit ba?" Wala siyang ideya kung bakit siya nito pinahinto ngunit wala rin siyang nakuhang sagot dahil agad din itong bumaba.
Mas lalo lang siyang naguluhan sa trip nito eh. Inalis niya ang seatbelt niya at bahagyang dumungaw sa labas kahit na nababasa na rin siya ng ulan.
"What are you doing there?" Tanong niya mula sa nakaparada niyang sasakyan sa tabi at mayamaya'y nilapitan na rin ito. Hinubad niya ang suot niyang sweater kahit wala siyang under shirt dahilan upang maging topless siya sa gitna ng ulan para lang italukbong sa ulo ng babaeng ito.
Umiling si Coleen at tinanggal ang sweater ni Billy na saglit na tumabon sa kanya.
"Pero mababasa ka." He reasoned out as his mind was still confused about her trip.
"Iyon nga 'yung gusto ko eh." She retorted with a childish smirk on her face.
Ilang saglit lang ay umatras pa ito patungo sa gutter ng sidewalk ng nakapikit at nakabukas ang mga braso. Bawat patak ng ulan sa kanyang katawan ay talagang ini-enjoy niya sapagkat ito ang unang beses niyang maranasan na magpabasa rito.
Naaliw siya sa ginagawa niya at sobrang sarap sa pakiramdam na para lang siyang nagsha-shower sa public area. Well, 'di naman siya nahihiya dahil nga sa maulan ay wala halos mga sasakyan at dumaraan sa sidewalk na kinaruroonan nila.
Nung una ay hindi maintindihan ni Billy kung ano ang ginagawa ni Coleen, pero nang makita niya ang nakaumis nitong mukha ay nawala ang pagkasalubong ng mga kilay niya. Para talaga itong musmos na tuwang-tuwa na naglalaro sa ulan, na gustong-gusto niya naman na laging nakikita.
Basa na rin siya kaya wala siyang choice kundi ang ipagpatuloy na lang ito at samahan si Coleen sa paglalaro nito.
"Taya!" Tinapik pa ng babaeng 'to ang balikat ni Billy pagkalapit ulit sa kanya sabay takbo.
Hindi sinasadyang napangisi sa binuhat ni Coleen at tulad nga ng gusto nitong mangyari ay hinabol niya ito. Sa bilis nitong tumakbo ay nahirapan talaga siyang abutan man lang ito.
Samantalang naiinip na si Coleen sa kakuparan ni Billy, at tsaka niya lang napagtanto na marahil ay masyado niya ng nagamit ang mabilis niyang katangian kaya unti-unti niya ng binagalan ang paghakbang. At sa pagkakataong iyon ay may yumakap na sa kanyang likuran.
Ang nalamig niyang pangangatawan ay saktong-sakto sa init na nagmumula naman sa lalakeng 'to. Mas masarap pala kapag nababasa siya ng ulan tapos nakayapos naman sa kanya si Billy. Balewala ang lamig na hatid ng tubig at paligid.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...