Chapter 4

265 15 2
                                    

Nagising si Billy na kumikirot ang ulo niya. Hindi niya man nagawang bumangon agad dahil masakit ang kanyang likod, ngunit pinilit niya pa rin.

Umupo siya saglit at tinignan ang oras. Pasado alas onse na ng umaga. Magtatanghale na pala?

"Ugh......" He groaned. Hinilot niya saglit ang sintido niya at tsaka tumayo para kumuha ng gamot. Pagka-inom niya ay naligo na rin siya agad para tuluyan ng mawala ang hangover niya.

Lumabas siya ng kwarto pagkatapos niyang magbihis at nakita niya ang dalawa na busy sa mga ginagawa nila. Si JM nakaupo at nagbabasa ng dyaryo habang kumakain, at pagluluto naman ang inaatupag ni Vhong.

"Oh andyan ka na pala." Bati ni JM kay Billy pagkaupo nito sa katabing upuan.

Naisip naman ni Billy na sanay na sanay na yata sa inuman itong dalawang 'to dahil parang walang naiwang epekto ang alak sa kanila, 'di katulad sa kanya.

"Kumusta? Mukhang nalasing ka talaga ng sobra kagabi ah? Hindi ka na bumalik eh."

Ngiti lang ang naitugon ni Billy sa sinabing iyon ni JM dahil wala na siyang maalala na nangyari pagkatapos niyang magpaalam sa mga ito kagabi. Basta nagising na lang siya na nakauwi na pala siya. Mukhang iba yata talaga ang ang naging tama ng alak sa kanya kagabi ah?

Ilinagay na ni Vhong ang mga linuto niya sa mesa at umupo na rin.

"Sama ka mamaya? Nag-volunteer na kasi kami ni JM na tumulong sa gagawing feeding program mamaya dyan sa may court sa kabilang kanto." Saad pa nito habang si JM naman ang naghahain sa kanilang tatlo.

"Feeding program?" -Billy

"Oo. Lingo-lingo may ganun dito. Ito na yung pang-limang pagsali namin ni Vhong. Alam mo ba astig pala yung mga ganyang ka-ek-ekan kasi kahit sa ganoon kaliit na bagay ay nakakatulong din pala sa mamamayan lalo na sa mga bata rito sa lugar na 'to." Buong pagmamalaki namang wika ni JM kay Billy.

Natuwa naman si Billy sa ginagawa ng mga ito dahil kahit na hindi naman nakaaangat ang mga ito ay hindi parin nila nakakalimutang tumulong sa iba kahit na sa simpleng bagay lang. At siya rin mismo ay tumutulong sa mga mahihirap at gumagawa ng mga iba't ibang aktibidad sa mga sinusupurtahan niyang charities. Masasabi niyang may pagkakapareha pala siya at ang mga ito.

"Sige sama ako." Nakangiting sabi niya sa mga ito at nagpatuloy na sa pagkain.

.
.
.

Nagpunta ang tatlo sa nasabing court kung saan gaganapin ang program at laking gulat ni Billy na ang dami palang batang kalahok sa pagtitipon. Napuno ang buong paligid ng mga musmos na babae't lalake; tinignan niya ang mga ito habang naglalakad palapit sa stage dahil nandoon rin 'yung iba pang mga volunteers, at kita niya sa mga mukha ng mga paslit ang kawalan ng muwang sa mangyayari.

Nakakaawa ang itsura ng mga ito. Halos lahat yata sa kanila ay puro may dungis ang mga mukha at suot-suot ang halatang luma na nilang mga damit. Ibang-iba sa mga nadadatnan niyang bata sa bawat hospiciong binibisita niya na kahit na papaano ay maayos naman tignan. Dito, hindi niya alam. Ganito siguro talaga kahirap ang lugar na ito.

Isa-isa ng pinakalala ng tatlo ang kanilang mga sarili sa mga organizers ng event at sa mga ibang opisyal ng Barangay na tutulong din.

"Miss Ren, confirm na ba na pupunta rito si Anne?" Tanong ng isa pang volunteer sa sinasabi nilang leader ng event.

Na-curious naman bigla si Billy sa narinig niya kaya kinalabit niya si Vhong.

"Sino si Anne?" Tanong niya rito.

"Anne? Sa pagkakaalam ko, siya yung Head ng lahat ng ito. 'Di ko pa alam kung totoo 'yun pero lagi ko rin siyang naririnig sa mga iyan eh." Sagot naman ni Vhong.

BITERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon