Kakatapos lang ng klase at marahang naglakad si Coleen sa hallway habang ngumunguya pa ng gum at nakatingin lang sa sahig.
Wala siyang ganang magpapansin sa mga taong nasa paligid kaya naman nakayuko lang siya hindi gaya noon na laging nakataas ang noo niya para maipakita ang taglay niyang ganda.
Pero kahit na ano'ng gawin ni Coleen ay pinapanood parin siya ng mga taong nadaanan niya sapagkat ang nakakaakit at kahanga-hanga niyang itsura ay nag-i-standout talaga sa lahat.
Bigla namang napaangat ng tingin si Coleen nung mapansin niya na may mga paa ng nakaharap sa kanya na tila paatras naman ang paglakad. Nagsalubong ang mga kilay niya na si Kenneth pala ito na kanina pa siya kinukulit kahit noong nasa classroom pa sila.
"Ano na naman ang kailangan mo?" Masungit niyang tanong dito habang pinagpapatuloy parin ang paglalakad at hindi hinubad ang earphones na nakasalpak sa magkabila niyang tainga. Kahit tinanong niya ito ay wala parin siyang balak na pakinggan ang kung ano mang sasabihin ng lalakeng ito.
"Pwede ka ba tonight? Dinner tayo." Nakangiting sabi naman ni Kenneth at mabilis pa na iginalaw ang mga paa para lang masabayan ang tila nagmamadaling umalis na si Coleen.
Hindi kumibo si Coleen sapagkat wala siyang narinig sa sinabi ng lalakeng ito. Thanks sa nakatodo ng volume sa mp3 ng cellphone niya.
"Hey? Did you hear me?" Pangungulit pa ni Kenneth dahil hindi naman tinanggal ni Coleen ang mga earplugs nito kaya alam niyang nagsalita lang siya na wala namang nakikinig.
Hinawakan niya ang braso nito para makuha ang atensyon nito na hindi niya naman ikinabigo.
Natigilan si Coleen at buong pwersang tinanggal ang kamay ni Kenneth na ikinagulat ng isang 'to.
"Wala ka bang commonsense?!" Malakas at galit na tanong pabalik ni Coleen dahilan para magtinginan pa lalo sa kanila ang mga tao.
Gayon pa man ay nakuha parin ni Kenneth na ngumiti ng malapad sa kanya.
"Look. It's just a Yes or No question."
Hinila ni Coleen ang necktie ni Kenneth kaya biglang naglapit ang mga mukha nila. Naghiyawan sa kilig ang ibang estudyanteng nakatingin sa ginawa ni Coleen lalong-lalo na si Kenneth.
"Obviously, no!" Mataray na wika ni Coleen at hinampas niya pa ng malakas sa lalakeng ito ang kanyang necktie.
"Awwwww!" Sabay-sabay na bulyaw naman ng ibang mga lalake na nakakita sa pagkapahiya ni Kenneth at sila ay nagsipagtawanan para asarin pa ito.
Mabilis na naglakad palayo si Coleen at sinamantala ang napakaraming tao na nagkumpulan dahil sa naging scene nila ni Kenneth para hindi siya makita ng lalakeng ito.
Kung hindi lang sana sariwa pa ang sugat sa leeg ng mokong na iyon ay marahil pinag-isipan pa ni Coleen ang inaalok nito. Pero alam niyang wala naman siyang masisipsip dito kaya para saan pa? Magsasayang lang siya ng oras kapag nagkataon.
Ibinaling naman ni Kenneth ang atensyon niya sa mga nanukso sa kanya't tinaas sa harapan ng mga ito ang middle finger niya. Tsaka niya lang napansin na tuluyan ng nakaalis si Coleen kaya nagmadali siyang sumingit sa mga tao para lang mahabol ito.Nakalabas na si Coleen ng campus nang biglang may humintong sasakyan sa harapan niya.
"Hello." Nakangiting pagbati pa ni Billy sa kanya ng nakadungaw sa bintana ng kotse nito.
Lumingon si Coleen sa pinanggalingan niya't napa-hiss nung matanaw niya si Kenneth sa 'di kalayuan na parang hinahanap pa siya sa kabila ng ginawa niya rito.
Ang kulit at ang kapal!
Nagmamadali niyang binuksan ang pinto sa passenger's seat sa puting Maserati Ghibli Diesel ni Billy na kung umakto ay parang may tinatakasang stalker.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...