"Lagi mong alagaan at intindihin ang kapatid mo, Anne. Kasi alam ko, balang araw ay hindi ko na magagawa ang mga iyan, hindi ko na kayo mababantayan kasi mawawala rin ako. Kapag nangyari 'yun ay gusto kong ingatan niyo ang mga sarili ninyo."
Ang mga bilin na iyon ang laging bumubungad kay Anne sa tuwing siya ay gumigising mula sa pagtulog. Masasabi niya na dahil kay Coleen ay nagkaroon siya purpose sa mundong ito. Kaya minsan kahit na napipikon na talaga siya sa pagiging salbahe, makulit, at pagkamaldita ng kapatid niya niya ay iniintindi niya parin ito. Siya ang nagpapasensya sapagkat alam niya kung bakit ganoon ang ugali ng kapatid niya, at hindi niya ito masisisi.
Pagkabangon niya sa kanyang higaan ay agad siyang nag-ayos ng kanyang sarili at lumabas na ng kanyang kwarto para tignan kung ano ng ginagawa ni Coleen. Wala ito sa kwarto nito at nung nakarinig siya ng mga kaluskos sa kusina ay doon na siya dumiretso.
Nadatnan niya ito na nakaupo sa isang upuang nakatalikod mula sa kanya at ginagawang kung ano.
Nung maramdaman ni Coleen ang presensya ni Anne sa likuran niya, agad niya itong nilingon.
"Sakto ang dating mo." Wika ni Coleen kay Anne nakapako na ang paningin sa mesa.
"What's that?" Tanong ni Anne at ibinaling niya agad ang mga mata niya kay Coleen dahil naaakit siyang sunggaban 'yung puso ng tao na nakalagay sa isang pinggan at may dugo-dugo pa sa gilid.
"Isn't it obvious? A fresh human heart. So go on, try it." Nakangisi pang sagot ni Coleen at natulala lang si Anne rito. Hindi pa siya nakakatikim ng puso sa buong buhay niya kaya 'di niya alam kung ano ba ang dapat gawin.
Para mas lalo pang maudyok ay pinahid ni Coleen ang hintuturo niya sa dugo na nasa pinggan at tila ginawa pa itong pangpinta sa labi niya. Dinilian niya ang labi niya ng nakapikit pa at tumingin kay Anne.
Napalunok naman si Anne sa ginawa ng kapatid niya at nararamdaman niya na 'yung pagkalam ng sikmura niya. Bigla siyang nakaramdam ng gutom.
"Huwag mong pag-antayin ang pagkain, Anne."
Wala na nga siyang sinayang na sandali at kinuha niya sa pinggan ang puso at kinain. Napapikit pa siya sa sobrang sarap na sarap siya sa lasa nito, at pati 'yung natirang dugo sa plato ay sinimot niya pa. Para siyang ilang araw na hindi nakakain ng maayos sa pagkagutom niya, at 'yung kinain niya ay sobrang satisfying talaga. Iba, iba pala sa pakiramdam kapag kumakain ng ganoon.
Nakangiti lang si Coleen habang pinapanood si Anne sa ginawang pagkain nito at nadagdagan pa ang mataas niyang pride dahil kaunting pang-uudyok pa rito ay magiging katulad niya na talaga si Anne. Masiyado kasi itong mabait kaya gusto niyang makita ito na pumapatay at kumakain ng tao. At tingin niya malapait nang mangyari iyon.
.
.
.Ilang oras ang nakalipas ay nag-ikot-ikot muna si Coleen sa paligid ng bahay ni Anne bago siya tuluyang umalis para mag-hunt. May pinuntahan kasi si Anne at 'di niya alam kung saan, ayaw niya namang umalis ng walang nakabantay sa bahay nito kaya naman nagliwaliw muna siya saglit.
Bukod sa mga punong nakapalibot sa bahay ay wala naman palang iba pang espesyal sa lugar na napili ng kapatid niya. Tahimik nga pero boring naman. Sa kanyang paglalakad ay bigla siyang nakaisip ng ideya; kung pagmamay-ari ni Anne ang buong lugar na kinatitirikan ng bahay nito, ibig sabihin pwede siyang gumawa ng kahit ano rito. Pwede siyang magdala ng mga biktima niya sa lugar at sa bakanteng lupa na lang ilibing ang mga bangkay nito pagkatapos para wala ng katawan ang ibabalita pa.
Bahagya siyang napangiti sa naisip niya at 'di na mapakaling gawin ang binabalak niya.
Pagkabalik niya sa bahay ay ilang minuto lang ay dumating na rin si Anne. Nakangiti itong lumapit sa kanya na ikinataas naman ng kanyang kilay.
"Take this one." Sabi pa nito at inabot ang isang papel sa kanya.
Kinuha ito ni Coleen at tinignan lang.
"What's this?" Tanong niya at may nabasa pa siyang mga tila subjects at oras doon sa papel.
"Certificate of Enrollment. Evening class ang kinuha ko para sa'yo kaya naman wala ng problema." - Anne
Kumunot naman ang noo ni Coleen sa narinig niya.
"Pinasok mo 'ko sa isang academy na walang consent ko? How nice, huh?" Sarkastiko niyang sabi rito with matching pairap-irap pa.
"Hanggang kailan ko ba kailangang mag-aral? Alam mo namang ayaw kong pumasok sa school 'di ba?" Mataray niya pang tanong dito at napansin naman agad ni Anne na nag-uumpisa na naman itong magalit sa kanya kaya naman ay umupo siya sa tabi nito.
"Wait, just listen to me first. Okay?" Mahinahong wika pa ni Anne kay Coleen na nakatingin lang sa gilid at halatang ayaw makita ang pagmumukha niya.
"Don't you think magandang step ito para sanayin mo ang sarili mo na makipag-halubilo at magkipagkaibigan sa mga normal? Mag-isip at umakto na parang normal?"
"So ano'ng tingin mo sa'kin? Abnormal ako?" Galit ng tono ni Coleen sa kanya kaya nabahala na ng tuluyan si Anne. 'Di niya na naman naexplain ng maayos kaya nag-uumpisa na naman itong mainis sa kanya.
Hinawakan niya ang magkabilang braso nito para subukan itong pakalmahin.
"Hindi naman sa ganoon.........Naisip ko lang na; hindi pa ba ito ang tamang panahon para tapusin mo na ang pag-aaral mo? Just because we're different doesn't mean we don't have the right to expand our knowledge, to have a degree......
. And besides, I support that school so you already have the privilege to study there." She exclaimed.Ilang segundo ang lumipas at tsaka siya tinignan ni Coleen ng diretso at mata sa mata. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito pero alam niyang may naisip na naman itong kung ano sa nakaloko nitong tingin.
"Fine."
Bahagyang gumaan ang loob niya nung pumayag na si Coleen sa pag-aaral muli dahil batid niyang may maitutulong ito para sa kapatid niya.
Ngumisi si Coleen sa kanya at 'yung gaan ng pakiramdam ay naging mabigat ulit sapagkat halatang may ibang ibig sabihin ang ngiting mapang-asar na iyon. Sinasabi niya na nga ba!
"School means people, people means blood, and blood means satisfaction. Ang galing mo talaga!" She said enthusiastically that made Anne more nervous about her sister's dirty game.
"Coleen, please....... Not now, not this time." She begged.
Coleen chuckled.
"Hah! You know me. Obeying you and following rules are not my style." She uttered and suddenly disappeared like a smoke.
Nais ni Anne na magbago na kahit kaunti ang tingin ni Coleen para sa mga tao pero parang siya pa yata ang nagdadala ng mga bibiktimahin nito.
Ano na naman kayang damage-control ang gagawin niya kapag gumawa na ito ng kalokohan sa paaralang papasukan nito?
Hindi niya na alam ang gagawin pa. Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya.
[Lame]
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...