"Oh! Ano na naman 'yan?" Napaatras si Coleen nang makita niya na may ilalagay na namang kung ano si Anne sa kanya. Kanina pa kasi siya nilalagyan ng iba't ibang kolorete sa mukha eh, na hindi niya maintindihan kung bakit at ano'ng mayroon?
"Mascara." Maikling sagot nito nang nakangiti habang bina-brush ang mahahabang lashes ni Coleen; abalang-abala talaga si Anne sa pag-aayos ng itsura ng kapatid niya.
Matapos noon ay eye liner naman. Pinadilat niya ito ng mas maayos para maayos niya ring mai-apply. Kahit na naguguluhan pa rin talaga si Coleen kung bakit siya biglang pinaglalagyan ng kung anu-anong pintura ng babaeng ito sa kanyang mukha ay pasimple pa rin siyang pumayag at 'di nagreklamo. Kung mas gaganda naman siya eh bakit hindi?
"Ayan." Huling sambit ni Anne nung matapos na siya sa kanyang ginagawa. Tumingin siya sa salamin na nasa harapan nila't namangha sa nakita niya.
"Woah! Ang galing ko palang make up artist no?" Masaya niya pang papuri sa kanyang sa sarili, habang si Coleen naman ay titig na titig sa sarili niyang reflection kung saan gandang-ganda siya sa itsura niya ngayon. Marikit naman siya kahit na walang make up, pero sa itsura niya ngayon ay mas na-emphasize ang mga special features ng mukha niya. Mas lalo siyang naging maganda. Kaya hindi niya maiwasang kiligin at sabihin sa kanyang utak na what are you? How come that you became a beautiful vampire?
Pero hindi pa rin niya makuha kung bakit siya kinulayan ni Anne eh.....
"Para saan ba 'to? May pupuntahan ba tayong party?" Nasasabik na tanong niya rito sapagkat ang tagal na rin nung huli silang nagliwaliw na dalawa. Ang tagal na nung huli silang lumabas na magkasama.
Pagngiti ang naging inisyal na reaksyon ni Anne habang kinukuha ang paper bag na nakalapag sa gilid ng kama.
"Um......Parang oo na hindi."
Tumaas tuloy bigla ang kilay ni Coleen sa sinabi nito.
"Ano? Umayos ka nga!"
"Basta..... Oh, suotin mo 'to." Hindi na pinatulan pa ni Anne ang kasutilan ni Coleen at inabot na lang dito ang damit na linabas niya mula sa bag na pinaglagyan nito.
"At ano naman 'to?" Kinuha ni Coleen ang damit na gawa sa silk na kasing-lambot ng cotton, at hinawakan ang bawat dulo ng mga straps kung saan niya napag-alaman na casual dress pala ito.
"Bistida? Pagmumukhain mo akong manang?" Hindi makapaniwalang bulyaw niya sa kapatid at mabilis na binitawan ang damit.
Ipasuot na ang lahat sa kanya, huwag lang iyon. Kahit kailan ay hindi pa siya magsusuot ng dress. Siya 'yung klase ng babae na ayaw na ayaw sa ganoong klase ng kasuotan dahil nga tingin niya ay magmumukha lang siyang manang kapag sinuot niya iyon kahit na hindi naman hanoon ka-haba ang tela nito.
Bahagya namang sumimangot si Anne sa ginawa ni Coleen. Siya kaya mismo ang bumili noon tapos ganoon lang ang aaktuhin nito sa harap niya?
"Ano namang masama dyan? Maganda naman ah?"
Umirap si Coleen at winika na naman ang common word niya kapag hindi niya gustong gawin ang isang bagay.
"Ayaw!" Sigaw niya.
"Kung gusto mo, ikaw na lang ang mag-suot niyan." Dugtong niya pa.
Kaya naman bumagsak ang mga balikat ni Anne sa kakulitan ng kapatid niya. Huminga rin siya ng malalim sa pag-iisip kung paano niya ba pasasakayin 'tong si Coleen sa plano nila ni Billy. Hayst! Dapat sikreto lang 'to eh, pero bahala na nga!
"Sige na. Formal date 'yung gusto ni Billy kaya ayan 'yung naisip kong ipapasuot sa'yo." Wala na, nasabi niya na kaya wala ng thrill 'yung mangyayari mamaya. Ngayon palang ay tahimik niya ng pinagsisisihan ang nasabi niya.
BINABASA MO ANG
BITER
RandomA BAD Vampire fell for Human. Cliché 'di ba? Pero paano kung ang ugali at pananaw ng bampirang ito ay may koneksyon pala sa kaisa-isang lalakeng minahal niya? At hindi lang iyon, paano kung biglang may magbago? Ang dati'y simple lamang na tao ay big...